*** ALL RIGHTS RESERVED ***
Comment naman dyan =)
__________
VICTORIA
Hindi ko na alam kung anung araw na. Parang ang bilis bilis ng mga pangyayari, and yet, ang bagal ng oras. I've been in this hospital bed for what seems like eternity. Nabasa ko na ata lahat ng codal ko ng paulit ulit, at memoryado ko na uli yung laman nilang provisions, nandito pa din ako.
Buti na lang nandito si Matt para bantayan ako. Nakakatulong din to help me pass time. And yet, ang awkward lang din.
Inaway nya ako, tapos naghiwalay kami. Tapos I faked my miscarriage, and even faked an engagement with Jason. Yet, Matt still proposed to marry me. As in with what he thought was Jason's baby.
And then, all of a sudden, I had to give birth. With his child. Weird lang din that I never had a chance to tell him the truth bago ako nanganak.
Ngayon, hindi ko tuloy alam if I would apologize o kung ano. So for the past days, I let him take the lead. Yung sasagutin ko sya pag may tinatanong sya o sinasabi. Pero yung ako ang magsisimula ng conversation, hindi ko alam kasi kung anu ang sasabihin ko.
I let him hold me. And despite everything that happened, I still find comfort in his arms. Besides, who can better understand me than Matt.
Sky is our daughter, and whatever happens between the two of us, she will always be our connection. At kung ano man ang pinagdadaanan ko ngayon, pinagdadaanan din yun ni Matt.
And today is the day na kailangan ko nang lumabas ng ospital. Kung ako ang tatanungin, ayoko pang lumabas dahil maiiwan si Sky dito. But Matt promised me na dadalhin nya ako dito araw araw.
Nasabi na din nila sa akin na kay Matt ako tutuloy. Minsan naiisip, financial independent naman ako. Bakit ba kung kani-kanino ako nakikitira. Pero ipinaliwanag naman sa akin ni Papa at ni Jason that I need to give Matt a chance.
Alam din naman nila na sa lahat ng nangyaring ito, si Matt pa din naman. Minsan alam ko namang hindi tama after ng mga ginawa nya sa akin. Tapos maiisip ko na hindi ko rin naman kaya na wala sya. Might as well give him a chance.
Dumating man ang panahon na hindi talaga kami para sa isa't-isa, puede kong sabihin sa sarili ko na ginawa ko naman lahat. At sinubukan ko.
"You want to go visit Sky bago tayo umuwi?" Tanong nya sa akin.
"Sige." Tipid kong sagot sa kanya.
I took his hand when he held it out for me.
"Can you walk?" Tanong uli nya sa akin. All of a sudden, balik ako dun sa fragile na Victoria na kailangan alagaan. "You want me to get a wheelchair?"
"No. I want to walk."
Normal delivery naman ako. Sabi ni Jason puede naman ding gumalaw galaw. Pero gaya ng mga nakaraang araw, inalalayan nya ako.
Pagdating namin sa NICU ay napangiti ako, medyo lumaki na si Sky hindi gaya nung una ko syang nakita na mara syang maliit na daga. Sabi nila sa akin, nakaktulong din na nakaka breatsfeed na sya. At syempre yung milk din na pinapump at pinapainom sa kanya pag wala ako sa NICU.
Pinasuot ako ng gown nung nurse at kinuha si Sky from the incubator at binigay sa akin. It feels good na mahawakan sya ng ganito. Yung alam kong she is fighting for life, at hindi sya naggi give up.
Matapos nyang dumede ay binulungan ko sya, "dadalawin ka namin ni Daddy dito araw araw baby ha? Palakas ka para makauwi ka na agad."
Then she made a sound. Napatingin ako kay Matt, "narinig mo din?"
He smiled at me, "yes. She would be alright, Vic. Pangako."
I smiled back at him. Ito yung mga bagay na hindi mo puedeng ipangako, pero sa oras na iyon mas pinili kong paniwalaan si Matt.
Ilang sandali pa ay ibinalik ko na sya sa nurse para mailagay uli sya sa incubator at ibinalik naman ako ni Matt sa kwarto ko.
Nag aantay na doon si Jason pagdating namin.
"Are you ready to go home?" Tanong nya sa akin.
"Ayoko ko pa sanang iwan si Sky." Sagot ko sa kanya.
"Babantayan ko naman sya pag wala ka," assurance nya sa akin. "Pero ikaw, kailangan mo na talagang umuwi."
Umupo ako sa gilid ng kama, malapit kay Jason. "May choice ako?"
"Wala." Sagot nya sa akin habang inaabot ang mga reseta. "Eto yung mga gamot mo, including yung malunggay tablets para mas marami yung ma produce mo na milk for Sky. Andyan na din yung schedule ng inom mo ng gamot. You need to eat healthy at take plenty of rest." Bilin pa nya sa akin.
"Yung sugat mo, kailangan linisin at lagyan ng betadine, at least twice a day para maghilom agad." Bumaling sya kay Matt, "I trust you can do that?"
"Jason!" Napasigaw naman ako sabay hampas sa braso nya. By this time namumula na ako.
Binalik nya ang tingin nya sa akin, "gusto mo ako ang gumawa?"
"Over my dead body," inis na sagot sa kanya ni Matt.
"I'm still her doctor, remember?"
"And I could have you replaced."
"And you can just kiss her goodbye..."
Sasagot pa sana si Matt pero pinigilan ko na. Nagsimula na naman silang dalawa. Etong si Matthew, umiral na naman ang pagiging seloso habang wala naman ding pakundangan itong si Jason na mang inis.
"Jason, wag na ngang makulit." Saway ko sa kanya. "I can clean after myself. Yung paglalagay lang ng betadine, sa tingin nyo bang dalawa hindi ko pa kaya?!"
Wala ni isang sumagot sa kanila. Good. Ang sasagot, kukutusan ko. Sa dalawang ito ako mabibinat.
"Ready ka na Vic?"
Sabay sabay kaming napatingin sa pinto kung saan nakatayo si Hans. Palagay ko hawak nya yung resibo ng binayaran sa hospital bill at clearance para makalabas na ako dito.
"Yup. Buti na lang dumating ka, baka duguin pa ako sa dalawang ito."
Tinignan nya ng masama si Matt, "dude, nawala lang ako sa sandali, para ka na naman bang batang aagawan ng kendi?"
"Gago. Ang tagal mo kasi."
"Mahaba ang pila sa cashier. Sa susunod, yung secretary mo ang utusan mo ha? Yung di ko lang mahal yang si Victoria at yung inaanak ko , pinabayaan na kita dito."
Napangiti naman ako, kulang na lang talaga angkinin nitong si Hans si Sky. Pero si Matt, mukhang hindi natuwa sa tinuran ni Hans na mahal nya ako.
Eto namang si Hans kasi, pikon na nga kay Jason, iinisin pa nya.
"Tigil mo na yang reklamo mo. Get Victoria's things para makaalis na tayo dito." Inalalayan nya ako akong pababa ng kama and led me towards the door.
Aba ang lokong ito, ginawang utusan yung kaibigan nya.
Nang magbalik tingin ako kina Jason at Hans, they were silently laughing at Matt. At least itong dalawang ito, magkasundo na.
Pag nagkasundo na si Matt at si Jason, magiging tahimik na ang buhay ko.
________
10 September 2015
BINABASA MO ANG
Taking Chances
ChickLitRich Boy. Poor Girl. Two worlds apart. Yan ang drama nina Victoria at Matthew. Si Victoria, poor but extremely intelligent. She is also beautiful in that unconventional way. She could have been perfect if only she didn't have a child at 15...
