*** ALL RIGHTS RESERVED ***
**********
JASON
Inabutan ko si Victoria sa nakatulog na sa sofa. Nangingitim na ang marka ng kamay ni Matt sa maputi nyang braso.
T*angnang yun, kundi lang ako kailangan ni Victoria ngayon, nakatikim na sa kin yun.
Kaya lang alam kong kailangan nya ako ngayon. In fact, iniwan ko ang duty ko ng marinig ko ang iyak nya sa telepono. There was something awful when I heard her cry.
Victoria has always been one tough person. Lahat ng pinagdaanan nya nung bata sya, it made her a stronger person. Pero when I heard her sobs and how broken she sounds, iniwan ko lahat para lang mapuntahan sya agad.
And yet, it feels like I failed her. Yung hindi pa din ako umabot sa oras.
"Vic," marahan ko syang hinawakan sa balikat para gisingin sya at ipaalam na dumating na ako.
"Huuuwaaggg!!!" Sigaw nya sabay baigla siyang napaupo at nagsimula na namang umiyak.
I gathered her into my arms, inupo sa kandungan ko at hinayaan ko syang umiyak. Ang tagal na mula ng huli ko syang makitang ganito. Nakikitira pa sya sa mga kamag anak nya noon.
Maladalas ay pumapasok sya ng may mga pasa sa katawan at marka ng kurot. Hanggang sa hindi ko na natiis at nagsumbong ako sa mga magulang ko. It was then that they decided na ipa emancipate si Victoria sa mga guardian nya at sila ang tumayong legal guardian nya.
Pero madalas noon pag nasa bahay sya, may mga nightmares sya. Gigising sya na sumisigaw at umiiyak. Pupuntahan siya ni Mama at babantayan namin sya hanggang sa makatulog.
I loved her from that moment when I had the urge to protect her. Nung pinangako ko sa kanya that I will always make her happy.
At kung wala lang si Matthew, malamang kami na. T*arantadong Matthew yan e. Nasa sa kanya na nga hindi pa inalagaan.
After what seems like an eternity ay tumahan na si Victoria. Patuloy ako sa paghaplos sa buhok nya hanggang sa makatulog na sya.
Hindi ko na sya tinanong kung anu ang nangyari. Ang importante sa akin ay yung alam nyang andito ako. At alam nyang safe sya.
__________
VICTORIA
"Jason."
Napatingin ako sa may doorway. "Kanina ka pa gising?"
"Kakagising ko lang."
"Good. Tumawag ang boss mo. Something about Matt calling him names. And I think nabigla syang andito ako. He was expecting you to pick up the phone."
Bigla kong naalala ang mga nangyari noon nakaraang gabi. Totoo pala syang nangyari. "Oh my!!! Nasa unit pa ni Matt lahat ng gamit ko."
"Not anymore. Dinaan kanina nung Hans yung mga gamit mo. Pero I think that was after Matt already talked to your boss."
Napaupo ako sa may counter ng kitchen. Parang kelan lang pinagluluto pa ako ni Matt dito. Argh! Sobrang dami ng mga memories. I need to leave this place soon.
"Nagbilin din pala si Hans that you are not to come near Matt dahil hindi sya magdadalawang isip to bodily remove you from him. May relasyon ba yung dalawang yun? Lakas makabading ng mga threats nya e."
Napangiti naman ako dun. I can't imagine either Matt or Hans na bading. O kahit feminine man lang.
"Good. At least hindi ka na umiiyak. Papunta din pala ang boss mo dito, kung hindi sya haharangin ng guard sa baba."
"Ha?! Ngayon na?" Aligaga kong tanong.
"What really happened Victoria?"
"Wala lang ito."
"Hindi ka mag iiyak kagabi at magkakapasa ng ganyan kung walang nangyari."
"Honestly Jason, hindi ko din alam. Nung umaga Matt was planning our lives and having a family and then last night hindi na nya ako sinundo sa opisna. When he got home he was so drunk. He started dragging me out of the room and calling me names."
I gave him the short version of what happened.
"Meron ka pang hindi sinasabi sa akin." Tahimik na sabi ni Jason.
"I am about six weeks pregnant."
With that napaupo si Jason at isinuklay ang mga daliri sa buhok nya. He looks so exasperated.
"How can you be so irresponsible Victoria?" Tanong nya sa akin. "You know what happened to you the last time you were pregnant."
Yeah, I almost died. I think yung experience na yun ang nagtulak kay Jason na sumunod sa yapak ng mga magulang nya and be a doctor.
"Iba naman noon at iba ngayon." Depensa ko sa sarili ko.
"Yung edad mo lang ang nagbago."
"Precisely. High risk lang ako noon kasi sobrang bata ko pa."
"Victoria..."
"Jason please, I don't need this from you right now," pakiusap ko sa kanya.
"Alright. Pero how does your boss, aka Marco Gonzales, became a part of all this?"
"For some weird reason kasi, Matt has always been jealous of him. Hindi ko alam kung dahil he's a known womanizer, o he sensed that there is something between us."
"Something between the two of you?! God, Victoria. Anu naman ang pumasok sa isip mo?!"
Sasagot pa sana ako ng biglang nagring ang doorbell. Agad na binuksan ni Jason ang pinto kung saan Marco Gonzales is impatiently waiting.
He didn't wait na patuluyin sya ni Jason. Basta na lang sya pumasok sa bahay at lumapit sa akin si Mr. Gonzales at inakap ako ng mahigpit bago pa niya tuluyang titigan ang mga pasa ko sa braso.
"God, baby what happened to you?!" Alalang tanong nya sa akin.
Sa tanong nyang yun ay nakakitaan ko ng galit si Jason. Feeling ko biglang na justify ang pagwawala ni Matt kagabi.
Argh! These men, why won't they listen to me first. Kailangan talaga i-judge muna ako?
____________
28 July 2015
A/N: Ladies, please remember that no matter what the reason is, kahit anong form ng pananakit, whether physical, emotional, psychological, economical o sexual ay UNACCEPTABLE. I know minsan ang dali nating isipin na 'nagseselos sya kasi mahal nya ako." Hindi ba mas tama na kung mahal ka nya ay magtitiwala sya sa iyo?!
At kung sadya namang ikaw talaga ang may kasalanan, wala pa rin siyang karapatang manakit. Puede namang iwanan ka na lang at tapusin ang relasyon ninyo, bakit kailangan pang manakit.
BINABASA MO ANG
Taking Chances
Chick-LitRich Boy. Poor Girl. Two worlds apart. Yan ang drama nina Victoria at Matthew. Si Victoria, poor but extremely intelligent. She is also beautiful in that unconventional way. She could have been perfect if only she didn't have a child at 15...
