CHAPTER 30 - We Slept Together

5.2K 102 9
                                    


*** ALL RIGHTS RESERVED ***

Comment naman dyan =)

__________

VICTORIA

"You look pale. What happened back there?" Yan ang tanong sa akin ni Jason as soon as makapasok kami sa sasakyan.

"Gutom lang ito." Sabi habang nagdadrive na sya, "mag-take out na lang tayo somewhere."

"That is not what I meant Victoria?"

Pakunwa akong natawa, "Victoria na? What happened to Sweetie? E kung sa iyo ko kaya itanong kung what happened back there at bigla mo akong naging fiancé?"

"Malay mo magkatotoo. You're still wearing the ring, aren't you?"

"Dalawa na lang tayo maglolokohan pa tayo."

Matagal syang nag isip. Hindi ata alam ni mokong kung ano ang sasabihin sa akin.

"We slept together."

Boom. Isang sentence lang yun ha.

Wasak na naman ako.

Saan ko ba kasi nakuha ang ilusyon na celibate itong taong ito e samantalang ang hot naman nya.

Anong feeling ko? Bubulukin nya yung mga sperm cells nya just because he's waiting for me. Yung parang martir na maghihintay hanggang sa marealize kong mahal ko pala sya at kailangang kami na forever?

Syempre walang ganun. Kung ako nga, may s3x life kailan lang.

"Uy, Bes..." Nasa garahe na agad kami? Paano na ang pagkain ko? Yung pasta? Yung garlic bread? Hmmm... naglaway tuloy ako.

"Anu?!" Iritableng sagot ko sa kanya. Mood swings pa rin? Hirap ng buntis ha.

"Nakarating na kasi tayo sa bahay hindi ka pa din sumasagot."

"Katawa ka din e no? From Sweetie, to Victoria, to Bes, to...."

"Hindi mo naman ako sinagot."

"May tanong ka ba?"

"Wala."

"Anung inaantay mo?!" Ay kainis.

Nasa bahay na talaga kami at di ko nasatisfy yung cravings ko! Bwisit din kasi itong si Matt. Nananahimik ako, dun pa naisipang kumain sa kakainan namin.

'Nauna sya sau dun uy.'

He pulled me closer. "Bakit ang init ng ulo mo?" Asus etong si Jason, kung makalambing ng salita. Palibhasa me itinago sa akin.

"Sa gutom ako e!!"

"Kung may pasta at garlic bread sa loob kakausapin mo na ako?"

Nagningning siguro ang mata ko. Natawa sya ng malakas e.

"Di mo ko binobola?"

"Hindi. Nag-excuse ka pa lang papuntang CR alam ko na ang mangyayari kaya nagpaluto na ako ke manang."

"Mangyayaring anu?"

"Paparaan si Matt and you will take the bait."

"Alam mo pala e bakit ang tagal mo bago ako pinuntahan."

"Baka kasi sakaling matauhan kayong dalawa."

"Na-stress lang ako."

"Alam ko."

"Gutom ako."

"Alam ko. May pagkain sa loob. Inaantay ka lang." Nakangiti sya sa akin.

It's so hard to stay mad at him. Kakainis.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon