*** ALL RIGHTS RESERVED ***
*** ALSO, PLEASE FEEL FREE TO LEAVE YOUR COMMENTS ***
(AN: Ayan na Richard ha? Ang baduy kasi e. Nagka writer's block tuloy ako sa sobrang baduy nitong chapter na to!)
__________
Victoria
Ilang minuto nilang binaybay ang SLEX sa katahimikan. Si Jovik ay abala sa librong binabasa, habang si Jason ay nagpapanggap na nagkoconcentrate sa pagmamaneho.
Habang sya naman ay malayo ang tingin. Hindi nya maintindihan kung anung katangahan ang pumapasok sa isip nya that she always ends up naked in Matt's arms.
"Bes... Hey!"
"Huh?"
"Nasaang lupalop ba yang isip mo? Kanina pa kita tinatawag. Andito na tayo. You can get inside. I'd have to carry Jovik para di na sya magising."
Napatingin lang sya kay Jason.
"Leave the things inside the car. Ako na ang bahala. You are so out of it." Habol pa nito habang kinukuha sa Jovik sa likod.
Nasa 5ft na siguro ito, pero he still, looks like a child pag buhat sya ni Jason. Tinatanong na lamang nya ang sarili how they managed to raise him. But then again, magulang naman talaga ni Jason ang nagpalaki sa kanilang tatlo.
Minsan tuloy naiisip nya kung anu ang naging buhay nya kung sakaling di sila iniwanan ng ama at hindi maagang namatay ang kanyang ina. Kung sana ay hindi naging malupit sa kanya ang mga kamag anak ng kanyang ina, anu na kaya ang buhay nya ngayon.
Naisip na lamang si Victoria kung anu man ang meron sya dahil na din sa pinagdaanan niya. At gagawin nya ang lahat to raise her son differently.
At least kampante syang kung anu't anu man ang mangyari sa kanila ni Jason ay laging nakaantbay ang mga magulang nya. Alam niyang hindi nila papabayaan si Jovik.
Naihiga na ni Jason si Jovik sa kama ng pumasok sya sa kwarto. The bed is still big enough for the three of them, ngunit alam niyang ilang taon na lamang ay hindi na nila maitatabi ang anak sa kanila.
Ganun na din naman ang nakasanayan nila. Maliit pa lang si Jovik ay kasama na nila itong natutulog. Nang magkaroon ng sariling kwarto ang anak ay sila na lamang ni Jason ang natira. They have an adjoining room and share the same bathroom.
Kahit na hanggang ngayon siguro ay umaasa pa din silang magkakatuluyan sila ni Jason.
***********
Suot nya isang pulang two-piece high waist na bathing suit habang binabantayan ang nagsuswimming na si Jovik.
"Hey."
Napatingin sya kay Jason. He looks so hot wearing a black swimming trunks. Mas mukha syang modelo ng runderwear kaysa sa doctor.
But then again, kahit gaano pa ka-hot si Jason, wala pa din syang napi feel na sexual attraction dito.
Whatever happened to them in high school was just a form of experimentation. Pero masaya pa din sya na nasa buhay nya si Jason and that they remained friends.
“Uy bes, lalim ng iniisip mo ah.”
“Wag mo akong masyadong pinapansin, pagod lang.”
“Physically ba yab o emotionally…”
“Jason, don’t even start,” she warned.
“Wala naman akong sinasabi.”
“But I know what you’re gonna say.”
“Bes, you can’t blame me. Ako ang kasama mo nung mga panahong iniiyakan mo ng husto si Matt. And it wasn’t a lovely sight.”
“Hindi na mauulit yun…”
“Hindi ka puedeng magbigay ng ganyang assurance, Bes.”
Hindi na nakasagot si Victoria. No arguments there. Wala naman talagang pedeng magbigay ng assurance na hindi na sya sasaktan pa ni Matthew.
But then again, maganda na din yung maramdaman nya kung paano magmahal si Matt bago sya maging miserable.
Anyway, kung iiwas din naman sya kay Matt ay masasaktan pa din sya.
_________
May gusto akong idagdag dito e...

BINABASA MO ANG
Taking Chances
Chick-LitRich Boy. Poor Girl. Two worlds apart. Yan ang drama nina Victoria at Matthew. Si Victoria, poor but extremely intelligent. She is also beautiful in that unconventional way. She could have been perfect if only she didn't have a child at 15...