CHAPTER 38 - You Made Me Beg

4.6K 115 6
                                        


*** ALL RIGHTS RESERVED ***

Comment naman dyan =)

__________

VICTORIA

Ilang kembot lang nasa condo na kami. Ibang condo na ito. Bago na naman. I wonder what happened to the other unit.

I think, Matt chose this place kasi walking distance lang sa ospital, which is good dahil gusto ko umaga at hapon ay madalaw si Sky.

Pumasok kami sa isang private garage at inilabas ni Matt ang keycard ng elevator. As usual, nasa penthouse na naman at may sariling lift papunta dito.

Hindi ko alam kung ano ang ineexpect ko. I think, all the while I was thinking na ganung ganun na naman ang hitsura ng condo na dadatnan ko and memories will haunt me. Pero nagkamali ako.

Hindi na ito mukhang bachelor's pad. Mas simple ito ito kaysa dun sa huli nyang condo. Sa laki ng pagkakaiba, hindi mo maiisip na iisa ang may ari nito.

Two storey pa rin ito pero sa tingin ko ay mas malaki ito kesa doon sa dati at mas maraming kwarto. Though I think it has the same amenities as his previous place.

Pihadong hindi mawawala ang swimming pool dahil nakaugalian na ni Matt ang lumangoy early in the morning. I'm sure impressive pa din ang library pati na ang office space nya. And yet, this one looks a lot homey and child proofed.

"Halika, samahan kita sa kwarto."

Inalalayan nya ako sa likod and then led me to the stairs. Kulang na lang maiyak ako ng makita ko ang hagdanan.

Biglang bumalik sa aking yung huling pagkakataon na nandoon ako sa condo nya at hinatak nya akong patayo sa kama. At nung lalo syang nagalit ng makita yung result ng pregnancy test.

He was telling me na sinadya kong magpabuntis sa iba at kung ano ano pang ibang masasakit na paratang.

Sinabihan nya ako na iwan ko na sya at wag na akong magpapakita sa kanya habang halos kaladkarin na nya akong palabas ng penthouse.

Bigla na lang akong nanginig at naiyak. Ito ba yung postpartum?

"Vic?" May pagtatanong sa mga mata nya. Paano ko ipapaliwanag sa kanya na nagflashback sa akin yung mga ginawa nya.

Kahit alam kong matagal ng nangyari at most likely ngayong mga panahong ito ay tanggap na nya ang mga pagkakamali niya at alam na din nya ang totoo, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko.

Yung parang ngayon lang ito nangyayari. Hindi ko alan kung ito yung chance ko for a do-over o ngayon lang din talaga nagkaoon ng panahon para mailabas ng tuluyan ang nararamdaman ko kay Matt.

Yun lang ang nasabi ko sa kanya. I was broken and sobbing and he was holding me hanggang sa nakarating kami sa kwarto.

"Y-you m-ade me b-eg." Paulit ulit ko yung sinasabi. "Y-ou didn't listen to me. I begged and went to your office to make things right kahit pa wala naman akong ginawang masama and I found you f*cking some girl on your office table."

MATT

Hindi ko na anticipate ang magiging reaksyon ni Victoria when we were finally alone. The unit must have triggered something or I might have said or done something that have triggered this outburst.

Bigla na lamang siyang umiyak habang inaalalayan ko siyang paakyat sa kwarto and then she said, "you made me beg."

It finally dawned on me that she just remembered the last hours that we spent together doon sa huling condo.

Everything has been a blur to me because I was so drunk that night. Paulit ulit na lang ding ikinuwento sa akin ni Hans ang nangyari. Actually I asked him over and over again kung ano ba ang mga nangyari noong mga panahong iyon ng buhay ko.

I think part of me was hoping na nagsisinungaling lang si Hans at pag pinaulit ulit ko siyang tanungin ay mag iiba ang kwento nya. But it was the same every single time na tinatanong ko sya. Minsan, lawyer mode pa ako sa kanya na para ko syang ginigrill on the stand pero pagtatawanan nya lang ako at uulitin ang kwento nya.

It was well rehearsed, and yet I know that Hans was telling the truth. And seeing and hearing Victoria now made me realize how much of an @ss I'd been.

"Y-you m-ade me b-eg." Paulit ulit nyang sinasabi. "Y-ou didn't listen to me. I begged and went to your office to make things right kahit pa wala naman akong ginawang masama and I found you f*cking some girl on your office table."

Everything has been a blur to me but it must have been crystal clear for Victoria. I could bet that she replayed those scenes on her mind over and over again.

No wonder she almost lost Sky and she gave birth so much earlier than expected. Sobrang stress at sakit ang binigay ko sa kanya. And only because she chose to love me.

Umupo ako sa kama at iniupo sya sa kandungan ko. She didn't resist pero hindi pa din sya tumigil sa pag iyak. She kept on mumbling how I made her beg and pushed her away.

Wala akong masabi to soothe her pain. Truth be told, masakit din sa akin ng mga oras na iyon ang mga naririnig ko. Lalo pa when I could not change what I have done.

Kaya't patuloy ko na lang hinaplos ang buhok nya and held her close to me. Hoping na maramdaman nya kahit unti na masakit din para sa akin lahat ng nangyari at kung gaano na ako nagsisisi ngayon.

And wish that somehow, I could make things better for her from now on.

________

22 September 2015

A/N:  Sobrang hindi ko  na maisipan ng karugtong ito.  Di ko lang talaga na foresee na magkakaganito ang story nila.  Kung totoong relasyon lang ito, nakipagbreak na ako kay Matt at kinalimutan ko ng nag exist sya sa buhay ko...

Pero dahil kwento lang sya, iisip pa rin ako ng paraan kung paano nilang maisasaayos ang relasyon nila.  

Salamat sa mga nagko comment... yan na ata yung nagpupush sa akin na mag isip ng susunod na kabanata =)  

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon