*** ALL RIGHTS RESERVED ***
Uy, walang sumagot sa tanong ko ha =(
__________
VICTORIA
It's been six months since Greece. Two months after that, pinalayas ako ni Matt sa condo and then I already faked my miscarriage.
"Three months." I lied. Higit tatlong buwan na kaming hindi nagkikita. Let him think na hindi nya anak ang dinadala ko.
At dahil sa stress at sobrang pagsusuka ko the past months, maliit pa din naman ang tyan ko. Mukhang malaking three months lang. And that didn't escape Matt's notice.
"A little too big para sa first tri, di ba Sis?" Baling nya sa kapatid nya, who was eyeing Jason.
"Kailan ka pa naging doctor Matt?" Balik na tanong nito sa kanya, "may iba na malaki lang talagang magbuntis lalo na at second child na nila."
Ha! Serves him right. Let him think na talagang nasa first trimester pa ako.
"I just thought... Never mind. I remembered that I lost a child a few months back." Nakatingin sya sa akin. There was sadness in his eyes.
My heart lurched at the thought na natanggap nyang anak nya talaga yung pinagbubuntis ko kahit walang ibang proof.
Bigla din naman gumalaw ang baby sa tyan ko. Waaahhhh, gusto ba nyang makipagkilala sa tatay nya?
"Anong anak ang pinagsasabi mo dyan Matt," tanong sa kanya ni Maddie. "Naka drugs ka ba?"
Tumahimik na lamang si Matt habang nagkwentuhan naman sina Jason at Madeleine.
Hanggang sa, "there she is." Bigla niyang sabi. Tumayo siya at mukhang may pinuntahan. Nakahinga ako ng unti. His presence still takes my breath away. Kahit ano pa ang hitsura nya ngayon.
But it almost killed me when he returned with...
"Cielo!"
"Maddie!"
"Sabi ni Matt hindi ka makakarating."
"I got stuck in traffic. Tsaka ang daming patients today." Sagot nya kay Maddie.
Napahawak na naman ako kay Jason at humigpit ang kapit ko sa kamay niya. This is so a bad idea. Dapat na realize ko na kanina pa na hindi ako mananalo kay Matt sa mga ganitong bagay. I didn't know why I even choose to play with him.
Pinakilala ni Maddie si Jason kay Cielo, "and this is Victoria, his fiancé."
Ang tagal nakatitig sa akin ni Cielo bago sya nakapag react. "Victoria? I think we've met before," sabi nya.
"Of course, Hon," sagot ni Matt sa kanya habang inaalalayan syang paupo. "Classmate natin sya nung college."
Ouch! Hon talaga?! Walang ganyang endearment sa akin sa maikling panahon na naging kami.
"Really? She's that Victoria?" Tanong ni Maddie na para bang may malisya. Sabunutan ko kaya ang blonde nyang buhok?
Kasabay ito ng "oh, that Victoria," ni Cielo.
Ayos. Here I am, an accomplished lawyer, heir to an empire and not to mention na mas mataas ang GPA ko sa kanilang lahat. Yet, I'm reduced to that unwed teenaged mom they all knew in college.
Why should I be constantly reminded how unworthy I am every single time I'm with Matt, samantalang mahal naman ako ni Jason and his family adores me.
Even when I was that kid from the slums. Never ko na-feel na unwanted ang presence ko.
"Are you ok?" Bulong sa akin ni Jason.
"I will be fine."
"We can leave now if you want."
But of course I wouldn't want to leave. Ako na ang masokista. Gusto ko syang nakikita kahit nasasaktan ako.
"It's been a while Victoria," sabi ni Cielo ng makarecover sya. "Kamusta ka na?"
"Fine. Magdadalawa na ang anak namin." With that, biglang nagdilim ang mukha ni Matt. "And finally magpapakasal na kami." Nakangiting sagot ko kay Cielo.
"Ang tagal naman kasi bago ko napapayag si Victoria na pakasalan ako." Masayang dugtong ni Jason.
Akting pa more.
"Waiting for a bigger fish perhaps?" Sabi ni Matt sa kanya.
And just like that. I was reminded of that night when he threw me out of the penthouse with nothing but my clothes on.
Ramdam ko ang tension kay Jason. I think naalala nya rin yung gabing yun. Pinisil ko ang kamay niya. "I think we were always meant for each other," sagot ko kay Matt. "We were just too young when we had Jovik. Mas prepared na kami sa parenthood at marriage ngayon."
I was looking straight at Matt's eyes. Sobrang grey na ng mata nya. And for a brief moment, I hoped, that I saw a flicker of hurt in them. Tapos wala na. Indifference na uli.
"Sweetie," tawag sa akin ni Jason, "why don't you invite them to the wedding?"
Muli ako napatingin sa magkaakbay na si Cielo at Matt. Parang si Ellie lang din kung makalingkis ang isang ito. Magkaibigan talaga sila.
"That would be nice," sagot ko kay Jason, trying so hard to look at him na parang sobrang in love ako bago ako muling tumingin kina Cielo, "we have a property in Baguio. Doon sana namin planong magpakasal. Tamang tama sa summer, pagkapanganak ko."
"Try naming i-clear ang mga schedule namin by then, di ba Hon?" Baling ni Cielo kay Matt.
He absent-mindedly said, "sure." Habang patuloy nyang hinahaplos ang kamay ni Cielo. Tapos parang may naalala sya at bigla syang tumayo, "excuse me. Yosi lang ako."
Yosi? Kailan pa ito natutong manigarilyo. Alak. Drugs. Yosi. Anu na ba talaga ang trip nito.
Nang wala na si Matt ay medyo nakahinga na din ako ng maluwag.
"CR lang ako." Bulong ko kay Jason. I so need a break from these mean girls.
Akalain mo naman kasi na itong si Cielo ay magiging doctor. Saya di ba? Parang si Ellie lang. Looks like a tramp.
'Ah, pero they think you are the tramp.' Oh, the voices inside my head. Tagal nilang tahimik ha.
"Samahan na kita?"
"Wag na. Dyan lang naman yun."
Dali dali akong pumunta sa CR to gather myself at huminga man lang ng konti.
Doon ko pa lang nakita ang reflection ko sa salamin. I look so pale. Laking gulat ko na lang na paglabas ko ng CR ay nag aantay na doon si Matt.
"How easy for you to move on and replace the child we lost." Yan ang unang una nyang sinabi sa akin.
Nabigla ako. Child we lost? Kapal lang talaga.
"Anak Matt? Kailan pa? Sa'yo naman nanggaling na hindi mo anak ang pinagbubuntis ko. Anong dinadrama mong 'child we lost' ngayon?"
Hindi na nakasagot si Matt dahil dumating si Jason, "there you are. Bakit ang tagal mo?" Tanong nya sa akin.
"I'm not feeling well. Mas okay na siguro kung umuwi na tayo."
Pumayag na din ako sa pag aaya ni Jason na umuwi. Hindi ko pa din pala kayang makipaglaro kay Matt.
________
30 July 2015
Sabi naman sa iyo Victoria e, blue ang mata nyan at blonde ang buhok =)
BINABASA MO ANG
Taking Chances
ChickLitRich Boy. Poor Girl. Two worlds apart. Yan ang drama nina Victoria at Matthew. Si Victoria, poor but extremely intelligent. She is also beautiful in that unconventional way. She could have been perfect if only she didn't have a child at 15...
