CHAPTER 28 - THE ENCOUNTER

4.5K 97 16
                                    


*** ALL RIGHTS RESERVED ***

*** ALSO, PLEASE FEEL FREE TO LEAVE YOUR COMMENTS ***

*******

VICTORIA

Ilang linggo na akong nagmumukmok sa bahay mula ng failed proposal ni Jason. Pero kahit ganun, siya pa rin ang kasama ko.

Pinipilit niya pa rin na pasayahin ako, pero hanggang ngayon ang hirap pa ding isipin na sa ganito kami magtatapos ni Matt.

Akala ko sapat na sa kanya ang mahal na mahal ko sya, hindi pa pala. Hindi sapat na ibinigay ko na sa kanya ang lahat, kailangan pa talaga nya akong pagdudahan.

"Tigil na yan Victoria," putol ni Jason sa pag-iisip ko. "Alam mo namang bawal sa'yo ang stress. Kaya ka nga pinatigil ng Papa mo sa trabaho."

"E anu naman kasi ang gagawin ko dito sa bahay. Nabasa ko na lahat ng libro. Pinag bed rest mo ako. Kahit man lang sana magsulat ng mga briefs sa office, okay na sa akin."

"Alam mo na naman na high risk yung pagbubuntis mo di ba? Alam mo naman ang nangyari sa iyo nung nanganak ka kay Jovik. Wag na matigas ang ulo mo."

"But I'm so bored. Iilan lang kayo na kausap ko. Ikaw. Si Papa. Si Hans. Sina Jovik doon na ata titira sa Europe."

"Namimiss mo na ang panganay mo." Sabi nya sa akin sabay tinabihan nya ako sa kama.

"Tagal ko na syang hindi naaakap."

Nang napansin nyang maiiyak na naman ako ay inilapit nya ako sa kanya at inakap ng mahigpit. The safety of his arms.

"He's in good hands. At saka maganda na rin yun, hindi nya makikita ang mga nangyayari sa'yo"

Napaisip ako doon. Mas maganda nga siguro na wala dito si Jovik. Baka ma-trauma lang sya sa mga pinagdadaanan ko ngayon.

I stayed in Jason's arms. Kumakalma ako pag naririnig ko ang tibok ng puso nya. Makes me realize na may mga nagmamahal sa akin.

Napaakap ako ng mas mahigpit sa kanya. "I wanna go out." Lambing ko.

Inilayo nya ako ng bahagya sa kanya para matignan nya ako, "o sige, if you behave, I'll take you shopping mamaya. Bili tayo ng bagong maternity dresses at books. Then, magdinner tayo. Sounds ok?"

"Totoo?" I smiled widely, gave him a peck on his cheek and returned to the safety of his arms. "Salamat!"

"Hmmm... sarap naman nun. Dapat ata talaga lagi kitang ilalabas, ang sarap naman ng kiss na yun."

Hinampas ko sya ng mahina sa braso, "wag naman masyadong umasa!"

"Hahaha... in time Victoria. In time."

__________

SA DEPARTMENT STORE

"Tama na ba sa iyo yang mga pinamili mo?" Jason asked paglabas namin sa boutique. Hawak nya ang mga shopping bags puno ng mga damit ko at gamit ng baby.

In three months, manganganak na ako. And he insisted na doon na lang muna ako sa bahay nya. Ang argument nya, "neo-natal care ang inaaral ko ngayon, mas matututukan sya dito. Lalo na at feeling ko preemie sya."

Naisip ko din yun. Sa sobrang stress ko sa pagbubuntis ko, malamang talaga na manganak na naman ako ng wala sa oras.

Isa pa, hindi na din ako bumalik sa condo ko. Kung hindi lang regalo yun ng mga magulang ni Jason ay binenta ko na at bumili na lang ako ng ibang titirhan.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon