CHAPTER 25 - High and Drunk

4.5K 97 7
                                        


*** ALL RIGHTS RESERVED ***

SPG ALERT!!!! Bawal sa BATA!

"The more perfect a person is on the outside, the more demons they have on the inside." (Sigmund Freud)

**********

HANS

"Sir, andito po si Atty Hernandez."

Nagulat ako sa sinabi ng sekretarya ko, ilang araw na ba ang nakakaraan mula ng pinalayas sya ni Matt sa penthouse kung saan sila naglilive-in.

In fact mas nagulat ako ng dumating si Matt na nag isa sa dinner namin. Nakakagulat dahil lagi naman nyang kasama si Victoria.

At nung gabing yun, pagdating na pagdating nya sa restaurant ay dumiretso sya sa bar para mag inom.

He didn't say a word. Uminom lang sya ng uminom hanggang sa hindi na nya kaya at inihatid ko sya sa unit nila.

Hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko na syang sumisigaw habang nagmamakaawa sa kanya si Victoria.

Never ko pang nakitang ganoon si Matt. Kung anu ano ang sinasabi nya habang umiiyak si Victoria.

Eventually umalis din ng condo si Victoria at dahil wala syang dala na kahit anu ay pinaakyat ko ang maintenance sa unit nya para pagbuksan sya.

Kinabukasan ay dinala ko ang gamit nya sa unit nya para na rin makausap ko sya pero si Jason ang sumalubong sa akin. It didn't take her long para makahanap ng sasalo sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito Victoria? Hindi ka ba nabilinan ni Jason?" I tried to sound as unaffected and cold as possible pero ang hirap ding gawin nun dahil sa hitsura ni Victoria. Ang laki ng pinayat nya simula ng huli ko syang nakita, samantalang buntis sya at dapat sana at nagge gain sya ng weight.

"Please Hans, I need to talk to him." Pakiusap nya sa akin.

"He is trying to move on Vic. Hayaan mo na sya. And from what I gathered kay Jason ka na nakatira." Pinipilit kong hindi maapektuhan sa nakikita ko pero hirap gawin nun.

"Hindi mo alam ang totoo Hans. Huwag kang manghusga. I just need to talk to him. Sobrang mahal ko sya. Alam mo naman yan e... Please Hans..."

And then she broke down. Bigla na lamang syang umiyak. Naalala kong bigla si Katherine ng makita ko syang umiyak.

Di ako nakatiis. "Halika sasamahan kita sa kanya, pero know this Victoria, wala akong pakialam kung gaano ka kamahal ni Matt, if anything happens to him, I'll hunt you and your damned lover through the depths of hell."

"Sir Hans..." pigil sa amin ng sekretarya ni Matt ng akma kaming papasok sa opisina nya.

"Don't worry ako na ang bahala." Assurance ko sa kanya at nag tuloy tuloy na ako sa opisina ni Matt, "what the!!! Matthew umayos ka nga." Sabi ko kay Matt sabay pigil kay Victoria na nasa likuran ko.

Pero dahil matigas ang ulo nya ay nagawa nyang sumilip mula sa likuran ko at nakita nga niya si Matt is fvcking some random girl on top of his office table. Saan nya kaya napulot ito?

Tanghaling tapat mukha nakainom na ito. Nang makita nya si Victoria ay he didn't disentangle himself from the girl, instead tinignan nya si Victoria at tinanong, "wanna join?"

T*angna ang sarap sapakin. Sapakin ko na nga kaya para matauhan?

"Di ba ganito ang gusto mo?" Tanong pa nya uli habang gumagalaw sya sa ibabaw ng babae who was moaning pero tila walang kamalay malay sa mga nangyayari.

I prayed silently na maraming nakakitang sumama ng kusa sa kanya ang babae or else, this is just a lawsuit waiting to happen at lisensya ni Matt ang kapalit nun.

"Ay t*angna Matthew!" I've had enough live show at susugurin ko na sana si Matt nang biglang napahawak sa akin si Victoria at nawalan ng malay.

Agad ko syang binuhat palabas ng opisina at inutusan ang sekretarya ni Matt, "Tawagan mo ang driver ko. Have him meet me at the lobby. Tapos tawagan mo si Seb. Sabihan mo na tawagan ko. Wag mong titigalan hangga't di mo makontak si Seb o Meg. And under no circumstances na may papapasukin kang iba dyan sa kwartong yan."

Hindi pa ako tapos with my instructions ay nasa telepono na ang sekretarya ni Matt. She's efficient that way. At buti na lang. Dahil sa oras na ito, I need someone efficient.

I instructed my driver to bring her to Jason's hospital. I already called ahead tapos nun ay kinausap ko si Seb at pinaliwanag ko sa kanya ang nangyari.

"Make sure he is goddamned sober. At ipauwi mo na sa body guard nya yung babae."

Pagdating sa ospital ay nag aantay na si Jason sa ER with a gurney, "what happened?"

"Dumating sya sa office insisting to talk to Matt."

"Kagagawan na naman ba ito Matt?"

"Relax, hindi sila nagkausap. Nang makita nya si Matt, ilang sandali lang ay dinugo na sya at nawalan ng malay."

I'm not obliged to tell him that Victoria saw him fvcking a girl on his office table.

Naiwan ako sa labas habng pinasok na ni Jason si Victoria sa OR o DR ba yun. I didn't know. Hindi ako dapat nandito. Pero panalangin ko na lang din na walang mangyaring masama kay Vicoria. That would break Matt even more. And I hope na nagawa ni Seb ang pinapagawa ko sa kanya.

____________

Matapos ang higit isang oras ay dumating na si Seb at Matt sa ospital. Nakapagpalit na ng damit si Matt at mukhang nahimasmasan na.

Pulang pula pa din ang mata nya pero mukhang matino na syang kausap.

"Nahimasmasan ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Asan si Victoria?" Tanong nya sa akin.

"Nasa loob." Turo ko sa pinto kung saan dinala si Victoria.

Bigla syang naglakad papunta sa OR kung saan ko tinurong dinala si Victoria, napatayo ako sa kinauupuan ko at sabay namin syang hinawakan ni Seb sa magkabilang braso. Buti na lang at medyo may tama pa sya kaya naman mabagal pa syang kumilos.

"Bitawan nyo ko, ano ba!" Nagpupumiglas si g*go mula sa pagkakahawak namin. "Pupuntahan ko si Victoria. Kailangan nya ako."

Ay g*go pala ito. Biglang ngayon kailangan sya ni Victoria. "Kumalma ka nga Matt. Wala kang magagawa dun sa loob. Abogado ka hindi doktor."

"Tawagan mo si Maddie. Alam nya ang gagawin. Baka kung anung gawin sa kanya ni Jason."

High pa 'to. Na realize nya bang tagal ng pinoprotektahan ni Jason si Victoria tapos sya, ilang buwan lang nyang kasama, wasak na agad si Victoria?

"Matthew, walang magagawa si Maddie na di kaya ni Jason. Antayin na lang natin sila."

"Mag aayos na ako. Wala akong pakialam kahit kaninong anak pa yun. Basta I want her in my life."

'I want her in my life.' Yan ang paulit ulit nyang sinasabi habang umiiyak. Bakit kasi kailangan pa nyang saktan kung tatanggapin lang din pala nya?

28 July 2015

A/N: Sobrang inis ko lang talaga kay Matt dito, parang pangarap ko na mademanda sya at ma disbar. Ang kulit e! Grrrrr.....

443,*":w<7 RI

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon