*** ALL RIGHTS RESERVED ***
*** ALSO, PLEASE FEEL FREE TO LEAVE YOUR COMMENTS ***
At Camille, para sa iyo itong chapter na ito, dahil sa pagtatanong sa akin sa klase nung linggo kung itinigil ko na ba ang pagsusulat… Hindi pa naman talaga, ubos oras lang talaga ang trabaho =)
And it took me almost two weeks bago matapos ito. Hindi ko maisip ang mga susunod na isusulat e.
***********
VICTORIA
3:30 na. Wala pa ding Matt na nagpaparamdam. Sabi nya alas tres.
Na email ko na din sa kanya ang details ng travel namin pero wala pa ding pagpaparamdam.
Naayos ko ng lahat ng iiwan ko, wala pa din pa din di Matt.
Napatawag na din ako ni Mr. Gonzales para sa mga bilin nya. Wala pa ding paramdam galing kay Matt.
The moment na mag alas singko na ay nagdecide na akong umalis ng opisina. Now I’d have to take a cab home. Kaya nga ba ayaw kong maging dependent kahit kanino. They have a tendency to let you down.
Palabas na ako ng opisina ng masalubong ko si Mr. Gonzales.
“Ngayon ka pa lang aalis?”
“May mga inayos pa po ako.” I lied.
“Wala pa si Atty. Valdez?” Tanong nya uli.
Huli ka. Sabi na kasing bawal magsinungaling sa taong ito e.
“Um, mauuna na po ako umuwi.” Iwas ko sa tanong nya.
“In that case, sumabay ka na sa akin. Puede kitang idaan sa condo mo.”
Patay. Di na din sya nakaiwas kaya pumayag na syang magpahatid.
At hatid lang naman talaga. Yung tipong, tumigid sa harap ng condo at pinababa ka na lang. Buti na lang ganun, kasi kung hindi ay weird naman na talaga.
Pagdating ko sa unit ko ay andun na naman sa labas si Matt, suot pa long sleeves nya parang kakarating lang din.
Aba at mukhang sya pa ang galit. “Di ba sabi ko sa’yo susunduin kita? Bakit ka umalis?”
“Sabi mo alas tres?! Anong oras na ba?” Tama bang sa hallway kami mag away? Maya maya ay may inilabas na keycard si Matt at binuksan ang pinto ko.
Napatanga ako. Bakit naman may susi sya ng unit ko?
“Matt…”

BINABASA MO ANG
Taking Chances
Chick-LitRich Boy. Poor Girl. Two worlds apart. Yan ang drama nina Victoria at Matthew. Si Victoria, poor but extremely intelligent. She is also beautiful in that unconventional way. She could have been perfect if only she didn't have a child at 15...