CHAPTER 31 - One

4.8K 107 9
                                        

*** ALL RIGHTS RESERVED ***

"We are never so vulnerable as when we love, and never so hopelessly unhappy as when we lose the object of our love." (Sigmund Freud)

Comment naman dyan =)

__________

MATTHEW

Tell me that you turned down the man

Who asked for your hand

'Cause you're waiting for me

Anak ng! Yan ang kanta pagpasok ko sa bar kung saan ako sinabihan ni Hans na mag antay.

At mukhang pag aantayin pa talaga nya ako. Nasa isang importanteng meeting daw sya. Anong oras na, meeting pa rin. Lokohan ata ito e.

Sinabi ko naman sa kanya na nakita kong buntis si Victoria at ikakasal na sila ni Jason. Kailangan ko sya. Dahil baka kung anu na namang katangahan ang gawin ko sa buhay ko.

The last time na buntis si Victoria, ang daming katangahan sa buhay ang ginawa ko, and in the process, she lost our child.

And I know, you're gonna be away a while

But I've got no plans at all to leave

And would you take away my hopes and dreams

and just stay with me?

Umorder ako ng beer habang pinapakinggan ko ang lyrics ng kanta. Wala na atang papatunguhan talaga ang buhay ko, pati yung lyrics ng kanta kailangan i-relate ko sa akin.

All my senses come to life

While I'm stumbling home as drunk as I

Have ever been and I'll never leave again

'Cause you are the only one

YOU ARE THE ONLY ONE.

Yan ang gusto kong sabihin sa kanya kanina. Sya lang. Wala naman talagang iba. I wanted to beg her na kami na lang uli. Na mag aayos na ako. Na paniniwalaan ko na sya. Na aalagaan at mamahalin ko sya.

Instead, I engaged her in a pissing contest, and one that I intend to win lalo pa nang nag announce sila ni Jason na magpapakasal sila after manganak ni Victoria.

It just ripped my heart out.

How is it even fair na magkakaanak uli sila ni Jason at ikakasal na, habang hindi pa rin ako makapag move on.

Tuwing ipipikit ko ang mata ko, sya at sya lang din ang nakikita ko. Sya pa rin.

Yung nakangiti sya sa akin.

Oh how I missed her smiles.

Yung pag gising ko sa umaga, mukha nya ang makikita ko. At pagmulat ng mga mata nya ay ngingiti na sya sa akin.

And yet mas madalas, when I close my eyes, I would see her as when I last saw her, crying and lying in a hospital bed.

It breaks my heart out to remember, and yet when I saw her earlier today, I pretended I didn't know her or Jason.

I was tempted to ask her kung anak ko yung ipanagbubuntis nya. Yung alam kong katangahan pero umaasa ako, kahit sandali lang na hindi nawala ang anak namin.

Na buntis pa din si Victoria sa anak namin and that in a few months, pamilya na kami.

Ayoko ko sanang maniwala sa sinsabi nila but I saw the ring on her finger. Hindi birong singsing yun. It was something that you would buy for the someone you love. It must have cost Jason a fortune.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon