*** ALL RIGHTS RESERVED ***
Comment naman dyan =)
__________
VICTORIA
"Manang pakitingan nga po kung sino yung dumating? May narinig po akong sasakyan sa may gate."
Simula ng muli kaming magkita ni Matt ay nagsimula na naman akong mag spotting. Syet na stress yan.
Ayan, house arrest at madalas ay bed rest ako. Dami ko pating kailangan na inuming gamot. Buti na lang may personal doctor ako. Pag medyo napapraning na ako sa dami ng mga gamot na iniinom ko, tinatawagan ko si Jason.
Maya maya lang ay bumukas ang pinto. Napangiti ako ng makita ko si Hans. Habit na nyang daanan ako paminsan minsan. Wala ring buhay ang isang ito.
At alam na rin nya ang totoo. Pinili na lang din nyang hindi sabihin kay Matt. Nirerespeto nya daw ang desisyon ko. And he trusts na valid ang dahilan ko sa mga ginagawa ko.
Pero syempre merong kapalit ang pananahimik nya. Kailangan daw ninong sya ng baby ko. This, being Matt's first child and all. Ewan ko lang kung matutuwa si Matt sa mga pinaggagagawa nito ni Hans.
"O ninong, ang aga mo. Hindi ka ba aakyat ng ligaw?"
Natawa sya, "malapit na. May mga inaayos lang."
"Babae naman yan di ba?" Biro ko sa kanya.
"Hindi. Cyborg. Inaayos pa yung mga wire nya kaya deadma pa ako sa kanya."
"One lucky cyborg."
"Makikilala mo din sya minsan." Makahulugang sagot sa akin ni Hans habang umuupo sa tabi ko sa sofa. Hinawakan nya ang tyan ko. "Kamusta na ang baby ko?"
"Lahat na lang kayo inaangkin na itong anak ko. Maliban na lang sa tatay nya."
"He did. Sa hospital. At saka sabi mo nga di ba inacknowledge nya yung loss nung nasa resto kayo?"
Napangiwi ako. Am I that cruel to do that to Matt?
"Buti na lang ako ang tinawagan nya after nyong umalis sa resto. Lasing na naman ang g*go. Ulit ulit nyang sinasabi na ang tanga tanga nya."
"Ibang klase ding yang kaibigan mo e no? Kung kelan tumanda tsaka natutong magbisyo."
"Wag mo masyadong pansinin yun. Matatauhan din yun. Ngalang, sana matauhan sya bago ka pa manganak."
"Ang lakas kasi ng sapak kung makapagselos."
"Naikwento na ba sa iyo ni Matt yung love story ng parents?"
"Nope. Umikot ang relasyon namin sa pagiging possessive nya and then trying to make it up to me. Roller coaster ride lang ang peg namin. Yung iniisip ko lang ang mga nangyari ngayon, nahihilo na ako."
"Si Tito Luke at Tita Julia, magkaklase nung college. Kahit mayaman kasi sina Tita Julia ay pinili nyang mag aral sa State University, kung saan naman scholar si Tito Luke. Bright na may future pero middle class."
Napangiti sya, yung parang may naaalala.
"Para silang aso at pusa kung magbangayan sa eskwela. Ayaw niya kay Tita Julia. Tingin kasi nila sa kanya sa school, flirt sya. Mostly dahil nagmomodel na sya noon at madalas ay sexy pictorials pa. You can just imagine yung tingin ng mga tao sa sexy pictorials noong mga panahong iyon."
I smiled, conservative pa ang mga tao nun.
"Anyway, secretly in love na pala si Tito Luke kay Tita Julia pero pa hard to get sya. Lalo pa at insecure nga dahil brains, beauty and money yung isa. One time, may sumundo sa kanya sa school, naka kotse..."
BINABASA MO ANG
Taking Chances
أدب نسائيRich Boy. Poor Girl. Two worlds apart. Yan ang drama nina Victoria at Matthew. Si Victoria, poor but extremely intelligent. She is also beautiful in that unconventional way. She could have been perfect if only she didn't have a child at 15...