CHAPTER 27 - Engagement

4.6K 101 6
                                    


*** ALL RIGHTS RESERVED ***

**********

VICTORIA

"Bakit mo ginawa yun?"

Yan ang unang tanong sa akin ni Jason ng tuluyan ng naialis ni Hans sa hospital room ko si Matt.

"Hindi ko na kakayanin kung masasaktan nya pa uli ako. Ngayon ko lang na-realize yung impact nung pagkakasabi nyang hindi nya anak yung dinadala ko."

"Alam ko yun pero hindi mo dapat sinabi sa kanya na nakunan ka. Malalaman at malalaman din nya ng buntis ka pa rin."

"Pede naman na akong hindi magpakita sa kanya. O mangibang bansa. Kahit ano."

"At anong gagawin mo pag lumabas yang baby mo na kakulay ng buhok at mata nya yung kay Matt?"

"Jason, I just want to move past this. Tama na yung na-threaten ang buhay ng anak ko dahil sa kanya."

"Pero Bes..."

"Please Jason. Kahit sandali lang. Yung matahimik lang ako. I need my strength para sa anak ko.

__________

Ilang araw din akong naka bedrest sa ospital. At ang sabi sa akin ni Jason, nasa labas lang din si Matt. Buti na lang sa kanila talaga itong ospital kundi, nalaman na nya ang totoo.

As in andun lang sya. Nag aantay. Nagbabantay.

Nang dalawin ako ni Hans sabi nya, halos hindi na umuuwi si Matt. Pinagdadala na lang din nila ng isusuot na damit. At ayaw niyang kumain.

"Bakit hindi mo pa kasi patawarin?" Tanong sa akin ni Hans.

Kailan ko pa naging kaibigan ito? Di ba si Matt ang bestfriend nya.

"Para ano pa?"

"For starters, to get you off your miseries?" Kibit balikat nyang sagot. "Isa pa mahal nyo naman ang isa't isa, bakit kailangan ninyong pigilin o kaya ay balewalain?"

"Kasi Hans, hindi puedeng nagmamahalan lang kayo. Dapat may trust. Hindi ko alam kung bakit may trust issues yang kaibigan mo."

"Nasasabi mo lang yan kasi alam mong nandyan lang sya. Ang hirap pag wala na talaga sya tapos hindi mo alam kung paano mo bubuuin ang sarili mo."

Napatingin ako kay Hans, "ang lalim ng hugot mo. May pinagdadaanan ka ba?"

Sa sobrang tagal nyang hindi nagsalita akala ko hindi na sya sasagot pero nagulat ako ng sinabi nyang, "alam ko lang kung gaano kasakit ang mawala sa'yo yung iisang tao na mahal mo. At yung hindi ka na makanap ng kapalit nya."

Ay may pinagdadaanan nga ito. Hindi naman siguro si Ellie ang tinutukoy nya. Mukha namang walang balak yun sa iwan sya. Kung makalingkis parang sawa.

Minsan iniisip ko na tama sina Hans at Jason. Pero sa mga ginawa ni Matt sa akin, mas nananaig ang takot.

Takot na saktan nya ako.

Takot na iwan na lang nya akong bigla.

Takot na gumalaw kasi sobrang seloso nya.

Ayokong mabuhay ng ganun. Simula nung mamatay ang nanay ko ganun na ang buhay ko.

Laging may takot. Laging may kaba.

Nung kinuha ako ng mga magulang ni Jason, isinumpa ko sa sarili ko na wala ng puedeng gumawa sa akin nun. That I would never be vulnerable sa kahit ano at kahit kanino.

Matt would have been the exception if only I have not been threatened to lose my child. Kung kaming dalawa lang, sasakyan ko lahat ng trip nya. Lahat ng pagseselos nya.

Kung kaming dlawa lang susugal ako. Pero dahil pinili nya rin lang na buntisin ako, kailangan ko na ring isipin ang buhay ng magiging anak namin.

Hindi ko puedeng i-risk ang buhay ng anak ko.

___________

Simula ng sinundo ako ni Papa sa ospital at iniuwi dito kay Jason ay tinigilan na din ako ni Matt.

G*gong yun. Pinagseselosan pa rin ang tatay ko.

In fairness din naman kasi sa kanya, hindi ko naman talaga nasabi na si Marco nga ang long lost father ko.

"Uy Bes, lalim ng iniisip mo ah. Iniisip mo na naman si Matt no?"

"Tumigil ka nga Jason."

"Aminin mo na kasi..." susug pa nya.

"Hindi nga kasi."

"Promise?"

"Promise."

"O sige, eto. Para sumaya ka." Sabi niya sabay abot ng isang maliit na kahon sa akin.

Kinabahan ako, "ano to?" Tanong ko sa kanya.

"Buksan mo kaya."

Pagbukas ko ay may isang engagement ring na nasa loob nito. Sabi ko na e!

"Bakit?" Tanong ko uli.

"I want you to marry me. I know I should have asked you a long time ago. Hindi na sana nangyari ito. Pero I think, eto na rin yung tamang panahon."

Kinuha nya ang singsing sa akin at lumuhod sa harapan ko, "Athena Victoria Hernandez Gonzales, please marry me."

Speechless ako. Hindi ko alam kung anung sasagot ko sa kanya. T*adong 'to nakikisali pa sa mga problema ko.

"Hoy Bes, nakakangawit ang nakaluhod ah. Say yes na."

"Tumayo ka kaya dyan. Para kang tanga." Saway ko sa kanya.

"Papakasalan ka lang tanga na agad, di ba puedeng mahal lang kita simula nung mga bata pa tayo?"

"Ang weird ng timing mo."

Tumayo si Jason, hawak nya ang kaliwang kamay ko at ang singsing sa kabilang kamay nya.

"Isipin mo na lang, long overdue na ito. Matagal na natin dapat to ginawa. Nung mag 18 tayo. O pagka graduate sa college. O pagka graduate mo sa law school. O nung pumasa ka sa bar..."

"Jason..."

"Forever mo na akong bestfriend. Di ba mas magandang foundation yun ng marriage?"

Hindi ako nakasagot sa kanya. Love. Yan ang gusto ko.

'Lokohin mo lelang mong panot Victoria! Si Matt lang talaga ang gusto mo.'

Waahhhh... buhay na naman ang mga voices sa utak ko.

'Bigyan mo ng chance si Jason. Makakalimutan mo sin si Matt,'  sagot naman ng isa.

At dahil aktibo na naman sila ay hindi ako agad nakasagot kay Jason.

Hindi na rin ako nakatanggi ng bigla na lang nyang isuot ang singsing sa daliri ko.

"Jason..." Tatanggi pa sana ako.

"Keep it." Sagot nya sa akin. May lungkot sa mga mata nya dahil alam nyang tinatanggihan ko ang offer nya.

"Sa iyo naman talaga yan." Huminga sya ng malalim. "Binigay yan sa akin ng tatay mo paglabas mo sa ospital.    Yan sana ang engagement ring na bibigay nya sa nanay mo pero hindi na sila uli nagkita."

Nagulat ako sa sinabi nya. Ang singsing na suot ko ngayon ay tanda ng pagmamahal ng tatay ko sa nanay ko. It would have been symbolical kung tinanggap ko rin ang alok ni Jason na kasal.

"Keep the ring Bes, bigay mo kay Jovik pag dumating yung panahon na sya naman ang makakahanap ng forever nya. I'm sure if Matt intends to marry you, makakabili sya ng singsing."

If Matt intends to marry you talaga? Ang sakit naman nun. Pero wala siguro ang sakit na ito sa sakit na nararamdaman ni Jason ngayon.

Ang g*ga ko lang talaga. Here is someone who is willing to offer the world to me and be his world, tapos...

But I can't. 

Si Matt lang talaga.

_______________

29 July 2015

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon