*** ALL RIGHTS RESERVED ***
Comment naman dyan =)
__________
VICTORIA
Matagal ko syang tinitigan. Eto na yung moment na inaantay ko. And yet, I can't say 'yes' right away, lalo na at hindi ko pa nasasabi sa kanya ang totoo. Gusto ko munang malaman kung anu ang magiging reaksyon nya sakaling sabihin ko sa kanya ang totoo.
And at this point, I don't trust Matt enough not to do something stupid again. I mean, ayoko ng masaktan. If and when I accept him into my life and my child's life, gusto ko he'd be here to stay.
Sobrang unstable na ng buhay na kinalakhan ko, ayokong pati mga anak ko ganun din ang maging buhay.
Kaya't hinawakan ko ang braso nya at itinayo sya sa pagkakaluhod nya. I saw the disappointment and defeat in his eyes.
Sabay naman sa pagtayo nya ang "Baby, anong gusto mo, white o red sauce?"
Napatingin kami ni Matt sa pinanggalingan ng boses, kasabay ng pag-angat ng ulo ni Hans mula sa hawak na tomato sauce at all purpose cream sa magkabilang kamay.
Nagkatitigan silang dalawa before Matt broke the silence, "t*ngna Hans, pati ba naman ikaw!" Sabi ni Matt habang akmang susugurin si Hans. Napahigpit ang hawak ko sa kanya para pigilan sya.
This is the reason why I am hesitant to say 'yes'. Kelan pa nga ito naging sobrang seloso? Minsan gusto kong maniwala kay Hans na kaya sya ganito ka-possessive e dahil sa sobrang mahal nya ako. And yet, yung pagmamahal at sobrang selos nya ang sumira sa amin.
"Tumigil ka nga Matt." Sigaw ko. Langya, di pa nga kami nagkakaayos ng maayos, Nagsisimula na naman sya.
Sabay sa sigaw ko ang sipa ng anak ko, nabitawan ko si Matt, sabay hawak sa tyan ko at tingin kay Hans. Alam nya ang ibig sabihin nun.
Oh please. Wag muna. Masyado pang maaga. I can't have this child now. Lalo pa at di pa alam ni Matt ang totoo at hindi pa din kami nagkakaayos.
"Victoria," Hans sounded alarmed when he called my name kaya napatingin sa akin si Matt. There was water all over meaning pumutok na ang water bag ko. It is only a matter of minutes now at lalabas na ang baby ko.
31 weeks. Kamusta naman ang survival rate nya nito.
Nang nakita ni Matt na may dugo na din sa mga hita ko ay kinuha nya ang susi ng kotse nya sa bulsa at inihagis kay Hans, "drive. She can't lose another one."
Pagkasabi nun ay binuhat nya ako palabas ng bahay kasunod si Hans at si manang na syang magbubukas ng gate. Binilinan din sya ni Hans na tawagan si Jason at sabihin na papunta sila sa ospital.
Habang nasa sasakyan ay iyak na lang ako ng iyak, habang hawak ni Matt ang isang kamay ko at hinahaplos ng isa ang buhok ko.
"Shhh it'll be fine. We will get there on time. You won't lose this baby."
OMG! I should have told him the truth kanina pa.
"Dude, she's not losing another one. Manganganak na yan. T*ngna, na excite ata ang anak mo nung marinig ang boses mo. Nagpumilit lumabas ng wala sa oras para makita ka. Baka bigla ka daw topakin at hindi ka na talaga nya makita."
----------
MATT
Natigilan ako sa sinabi ni Hans. Victoria was pregnant all along. No one trusted me enough to tell me. Even Hans na kasama ko lang last week habang nag iinom na naman ako dahil may balak ng magpakasal si Victoria kay Jason.
Napatingin ako kay Victoria. I tried to count as far as I can. Roughly about 6 months and 3 weeks. At tinignan ko ang tyan nya. She can't deliver now. It's still too small, napaniwala nga nya akong nasa first trimester pa lang sya.
Parang gusto ko ding maiyak. Ako pala yung I can't lose another one, because for some time and in my mind, I already lost this child.
Biglang napasigaw uli si Victoria, at napadiin ang hawak sa kamay ko. Hindi ako pedeng panghinaan ng loob ngayon. She needs me to be strong.
"Hush, Princess. I'm here," sabi ko sa kanya. Sad to say, those words did not calm her a bit. Hindi nakakatulong ang pagliligalig nya. Bumibilis lalo ang contractions nya.
Buti na lamang at maya maya pa ay tumigil na ang kotse sa harap ng ER. Pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan ay biglang binuksan ni Jason ang pinto at inalalayang palabas si Victoria hangang sa buhatin nya papunta sa gurney.
The moment na naramdaman ni Victoria si Jason ay kumalma na sya. Unlike pag ako ang kasama nya, gaya na lang kanina na stress na naman sya sa akin.
Bago pa maka pasok si Jason sa DR ay hinawakan ko ang braso nya, "take care of her."
Sinamaan ako ng tingin ni Jason. Kung may oras lang ito, malamang ay nasuntok na ako. Pero lumapit ang isang orderly sa kanya at may inaabot, "Doc, eto na yung consent form."
Kinuha nya yun. Aabutin ko na sana ang consent form pero tinignan nya lamang ako "hindi ka next of kin."
Sana pala nasuntok na lang ako. Mas masakit ang sinabi nya. 'Hindi ka next of kin.' Meaning wala akong karapatan.
Lumapit sya kay Hans. Ang daming mga tanong na pumasok sa isip ko gaya ng 'bakit andun si Hans sa bahay nina Jason' at 'bakit parang friends sila ni Jason'?
(A/N: OM! Super seloso mo naman talaga Matt. Pati ang closeness ni Hans kay Jason kinu-question mo.)
"Have her father sign the waiver," bilin ni Jason kay Hans. "I already called him. He will be here in a few minutes." Iniabot nya ang mga papeles kay Hans at pumasok na sa loob ng DR.
"Jason," tawag sa kanya ni Hans. Bahagya siyang tumigil sa paglalakd para harapin uli si Hans, "try to keep the baby in. For however long would be possible."
"I'd do everything for her. Alam mo naman yan Hans. But when it's time to choose, alam mo na rin kung sino ang pipiliin ko." He said that will almost regret in his voice.
Nanghina ako sa sinabi ni Jason. I don't get to say anything or decide. Jason would decide for Victoria. And for my child.
________
7 August 2015
BINABASA MO ANG
Taking Chances
Genç Kız EdebiyatıRich Boy. Poor Girl. Two worlds apart. Yan ang drama nina Victoria at Matthew. Si Victoria, poor but extremely intelligent. She is also beautiful in that unconventional way. She could have been perfect if only she didn't have a child at 15...
