CHAPTER 40 - IE

5.9K 131 24
                                        




*** ALL RIGHTS RESERVED ***

Medyo naaliw ako sa kanilang dalawa kaya nakasulat ng unti. At syempre sa mga nagcomments at nagvote.

Akalain mong may nag aantay din pala kay Matt. Yung kakapost ko pa lang, may mga votes na agad. Astig.

Comments pa more.

__________

VICTORIA

Pinagmamasdan ko si Matt habang paikot ikot sa kwarto at naghahanda ng damit na susuotin.

"Hoy Matthew, bakit aligaga ka dyan? Kanina ka pa ikot ng ikot."

"9 am ang appointment mo sa OB."

"I know. Ilang araw mo ng ipinapaalala yan sa akin. Bakit ba mas excited ka pa sa akin, anong meron?" Tanong ko sa kanya.

Sa totoo lang hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang excited nya, samantalang check-up lang naman yun. At kay Jason pa.

Binigyan nya ako ng makalaglag panty na ngiti. Langya, ano kaya ang tumutakbo sa utak nito. Parang sinasapian.

"Basta." Makahulugan pa din ang ngiti nya sa akin, "maligo ka na para makaalis na tayo."

Ay haler. Wala pang alas syete ng umaga, sobrang aga naman nun.

"Matt, na-stress ako sa iyo. Lumabas ka na nga lang dito sa kwarto." Magkikipagtalo pa sana sya, "Pag di mo ako tinantanan, hindi ako lalabas ng bahay ngayong araw na ito." Banta ko sa kanya.

Mukhang tumalab naman dahil nagtaas sya ng dalawang kamay tanda ng pagsuko nya at nakangiti pa ring lumabas ng kwarto.

He's acting really weird. Hindi ko talaga maintindihan kahit noong on the way na kami sa ospital, para syang bata na magbubukas ng regalo on a Christmas morning.

Kahit pa ng makita namin si Jason ay hindi pa din nagbago ang expression ni Matthew. He is annoyingly happy.

Kahit si Jason ay napansin din si Matt, "anong nakain mo Matt at mukhang ang saya saya mo ngayon?"

"Mind your own business." Sagot nya kay Jason, pero kahit pinipilit nyang magmukhang iritable ay di pa rin nya mapigil ang ngiti nya.

Konti na lang talaga at ipapatingin ko na ito sa psychiatrist.

Kinuha ni Jason ang records at tinignan ang vitals ko na kinuha kanina ng assistant nya.

"Hmmm, six weeks eh?" Ani Jason. But he was more or less talking to himself rather than sa aming dalawa ni Matt. And then parang may light bulb sa ulo nya. Yung katulad ng sa mga cartoons pag may bright idea sila.

"That figures." Tumingin siya kay Matt, "so that's why you are so damn happy."

Nagsukatan sila ng tingin, habang ako ay ligaw pa din sa mga sinasabi ni Jason. He clearly knows something that I don't.

Hindi sinagot ni Matt ang sinabi ni Jason, but he gave him a smirk. Something fishy is going on.

Bumaling sa akin si Jason, "have you had your period?" SOP questions then.

"Yes. About two weeks ago." Sagot ko sa kanya at ibinigay ko ang exact date. May sinulat sya sa chart ko at medyo napasimangot.

"Maayos naman ang vitals mo. But you have to lie down," tinuro nya sa akin ang exam table, "I need to check if you're healed."

Hindi pa man natapos si Jason sa sinasabi ay napatayo na si Matt mula sa kinauupuan at biglang nagsalita, "Over. My. Dead. Body."

Sabay din yun ng pagtayo ko para pumunta sa exam table, pero mabilis na hinawakan ni Matt ang braso ko at pinigil akong lumapit kay Jason.

This time, wala na yung ngiti ni Matt. He's fuming habang Jason kapansin pansin ang smirk ni Jason.

"Well, I need to do the internal exam and give the go signal bago mo pa puedeng gawin kung anu man ang nasa isip mo." And Jason gave him an even wider smile habang humigpit naman lalo ang hawak sa akin ni Matt.

At ako... hindi ko pa din naiintindihan kung ano ang nangyayari. I made another attempt to go to the exam table pero ayaw talaga akong bitawan ni Matt.

"You need to let go of me and let Jason do his job," sabi ko sa kanya.

"Over. My. Dead. Body." Ulit ni Matt.

"And you are not going to sleep with her unless I give the go signal that she is ready for any intimate relations."

Bigla akong binitawan ni Matt at akmang susugurin si Jason. Buti na lamang at napigilan ko sya.

"Matt, tumigil ka nga."

Jason smirked. Sinamaan ko sya ng tingin. Evidently, sinasadya niyang inisin si Matt. "Ikaw," turo ko sa kanya, "tumigil ka na din."

He looked as if he was a chastened little boy but I can still see laughter in his eyes. Hay naku! Dalawang ito talaga.

And then it dawned on me kung bakit ilang araw ng pinapaalala sa akin ni Matt and check-up ko. At kung bakit ang saya saya nya.

Palagay ko ay pinamulahan ako ng mukha dahil biglang natawa ng malakas si Jason, "na-realize mo na kung bakit ang saya saya nyang kasama mo?" Mapang inis nyang tanong sa akin.

Napatingin ako kay Matt, na sa oras na ito mukhang sobrang guilty. In fact, parang gusto kong matawa ng sobra sa hitsura nya.

I think, nafigure out ko na din kung bakit lagi syang tumitigil, to my eternal frustration, when things get hot and heavy between us.

He was waiting for the right time.

Six weeks.

The doctor should give the go-signal na puede na yung s3x. Mostly, six weeks after giving birth.

Awww, ang sweet naman.

"Let's just get this over with. Ang dami mong pasyenteng naaantay sa labas."

Pinigilan na naman ako ni Matt ng palapit na ako kay Jason.

"He. Is. Not. Going. To. Touch. You."

"At the risk of stating the obvious, Jason is my doctor. At baka nakakalimutan mo na sya ang nagpaanak sa akin."

Matt drew a deep breath. Yung tipong nagpipigil na wag manakit. Tsk. Kailangan talagang mag attend ito ng anger management.

"Let Maddie do the exam then." Sabi nya sa akin to which I answered a resounding "NO!"

"Mas lalong hindi naman ako papayag na kapatid mo ang magcheck sa akin."

"Hindi ka papayag na mag pa IE kay Maddie, pero si Jason okay lang?!"

With that tumawa ng malakas si Jason, "Vic, tell him already. Baka atakihin pa yan sa puso."

Napatingin kaming pareho kay Jason. "Well Matt, if it will make you feel any better, yung intern ko ang nag-a-IE kay Victoria. Ever since."

Biglang napatingin si Matt sa may divider kung saan andun nag aantay ang intern.

"Matthew, you need to control yourself." I told him.

"Sinadya naman ni Jason na mang asar." Animong bata ito na nagsusumbong. Kung di lang abogado to, para pang three-year old ang mental age nya.

________

25 November 2015

o

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon