*** ALL RIGHTS RESERVED ***
Spoiler alert: Ayan na @cutenezz22ang inaantay mo na selosan portion =)
**********
VICTORIA
It was already 8 in the evening.
I am already an emotional wreck at wala pa ding Matt na dumadating. I've been trying to call him pero hindi sya sumasagot. Later on ay patay na ang telepono nya.
This is so unlike him. Normally sya ang madalas mag text o tumawag. Never syang nale-late sa mga usapan namin. Minsan ay nakakapunta pa sya sa opis ng lunch time. Wala lang talag syang oras sa opisina. Perks daw yun ng pagiging COO (child of the owner) ng kumpanya.
Kaya ngayon ay sobrang worried na ako.
May dinner kami with Hans and Seb, pero hindi pa din sya dumarating. He should have been here hours ago.
I tried calling Hans pero hindi nya rin sinasagot ang tawag ko.
Worst of all, just like some epiphany, I was throwing up all day. At by now, alam ko na ang ibig sabihin nito. He got his wish.
Kaninang umaga lang we were talking about having children. And it was like he willed it to happen.
I tried calling Matt one last time at ng hindi pa sya sumagot ay nagdesisyun na akong umuwi at doon na lang sya antayin.
Pero bago pa ako tuluyang umuwi, I tried Meagan's number one more time.
Saktong sinagot na ni Meg ang tawag ko. "Meg, kasama mo ba si Matt? He was supposed to pick me up for the dinner pero wala pa sya."
She was silent for a moment, "Vic, umuwi ka muna. Matt is here with the boys. Things are going a little crazy."
Hindi pa ako nakakasagot sa sinabi nya ay si Hans na ang nasa kabilang linya, "I didn't know what happened Victoria but I suggest you go home and stay at your unit until things calm down a bit. Pinapunta ko na dyan yung driver ko. He might arrive any minute."
Yun lang at pinatayan na nya ako ng telepono.
Left with no other choice, I waited for Hans' driver and went straight to the unit where Matt and I have been staying for more than a month.
Hindi ko sinunod ang sinabi ni Hans na doon muna ako sa unit ko. I don't know what is happening.
Maayos naman kaming naghiwalay kanina. Magkatext pa kami maghapon until time came na susunduin na nya ako. Hindi sya dumating.
I didn't hear from him since then. Hindi siya nakarating sa opisina. Pero evidently nakarating sya sa dinner nila.
Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay bigla na akong tumakbo papuntang banyo. I heaved and heaved until there was nothing left.
I felt empty na wala dito si Matt. Unang pagkakataon ito na umuwi akong mag isa. Lalo pa at sa ganitong sitwasyon. I so need him at the moment.
Nakasandal ako sa may tiles ng banyo. Pinapakiramdaman ko pa din kung susuka pa ako uli. Nang medyo okay na ang pakiramdam ko ay tumayo ako at pumunta sa may medicine cabinet.
Kinuha ko ang pregnancy test na nakalagay doon. Pinaghandaan lang talaga ito ni Matt. The last time I used one of these, negative. That was three weeks ago.
Ngayon sigurado akong iba na nang resulta nito.
I peed on the stick and I waited for a few minutes para makita ko ang resulta. As I've already guessed, positive.
BINABASA MO ANG
Taking Chances
Chick-LitRich Boy. Poor Girl. Two worlds apart. Yan ang drama nina Victoria at Matthew. Si Victoria, poor but extremely intelligent. She is also beautiful in that unconventional way. She could have been perfect if only she didn't have a child at 15...
