*** ALL RIGHTS RESERVED ***
A/N: Hello Meg and Seb.... Dapat kasabay kayong sinusulat e. Papatayin nyo ba ako kung isasabay ko ito at lalong tatagal ang mga updates? =)
**********
VICTORIA
Mukhang the night will go on without any mishap. Clearly, close silang apat. From what I gathered, sina Matt, Hans, Seb at Ellie ang magkakasama sa Boston habang nagmamasteral sila. Yung tatlo ng Law at si Hans ng MBA nya.
I think too close for comfort para kay Meagan na hindi gaanong nagsasalita. Scratch that. Literal na hindi sya sumasali sa usapan. Mukhang syang trophy wife. Trophy na hindi gumagalaw at nagsasalita pero makintab.
She stands out.
Maganda, may class, at may pera. Pero ang totoo, hindi lang sya beauty, class and money. She's also intelligent. Kita naman sa mata nya.
Ang hindi ko lang din maintindihan ay kung bakit hindi sila nag uusap ni Seb. He would occasionally hold her hand pero di magtatagal ay aalisin din agad ni Meagan.
He is clearly in love with her. Pero iwas ever si Meagan.
Napansin ko din na Ellie would openly flirt with the boys habang nagka lingkis sya kay Hans. And he doesn't seem to mind. In fact, parang barkada lang ang turing nya kay Ellie. If they were not swapping saliva a while ago, iisipin ko na barkada lang sila.
"Have you seen Cielo, Matt? I heard she already arrived from the states." May malisyang tanong ni Ellie.
Cielo? Sinong Cielo? May girlfriend sya?! Sinamaan ni Matt ng tingin si Ellie at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
Oppsss... may something.
Tumayo si Meagan, "Vic, samahan mo ako sa comfort room?"
"Sure."
Walang choice si Matt kundi bitawan ang kamay ko. I needed a break from him. Sya 'tong napaka possessive tapos may babaeng iba?
Sandali ah. Tahimik naman ang buhay ko. Pede lang din na wala sya. Di ko pinangarap maging second choice.
In fact, para kay Jason, ako lang ang choice. Kung hindi lang din ako, hindi na daw sya magpapakasal.
I'm sure magbabago pa yun. Ang bata pa nya nung nagdesisyon sya na kami na forever. Pero as far as I know, wala naman syang nakarelasyon.
Girls madami. Karelasyon? Wala naman syang iniuuwi sa bahay.
Ayan, sa pag mumuni muni ko ay di ko na napansin na hawak ni Meagan ang kamay ko habang naglalakad kami pa comfort room.
Nang makarating kami sa cr ay agad yung nilock ni Meagan bago sya nagsalita.
"Argh that b!tch!"
Those were the words that came out of her mouth as soon as the door was locked.
Napatingin tuloy ako kay Meagan. Ang hinhin nito kanina ah!
Malamang nakakatuwa ang expression ng mukha ko kasi napahagalpak ng tawa si Meagan.
"Nagulat ka ba?" Tanong niya.
Speechless ako.
"Sorry naman. I can barely tolerate Bash's presence. Sinabayan pa ni Ellie."
Naguguluhan pa din ako, "Bash?"
"Si Seb. Yan lang nakasanayan kong itawag sa kanya. Don't tell him though. Feeling nya term of endearment ko yan sa kanya."

BINABASA MO ANG
Taking Chances
ChickLitRich Boy. Poor Girl. Two worlds apart. Yan ang drama nina Victoria at Matthew. Si Victoria, poor but extremely intelligent. She is also beautiful in that unconventional way. She could have been perfect if only she didn't have a child at 15...