*** ALL RIGHTS RESERVED ***
SPG ALERT!!!! Bawal sa BATA!
**********
VICTORIA
"God, baby what happened to you?!"
"Okay lang po ako, Sir," sagot ko.
Matiim nya akong tinignan, "Sorry. Ok lang po talaga ako Papa."
Kung di lang ako badtrip kay Jason pagdating ni Mr. Gonzales, natawa na ako ng malakas sa reaction nya.
Judgemental kasi e.
"Si Matt ang may gawa nito?" Tanong nya habang tinitignan ang mga pasa ko sa braso, sabay naman sa tanong ni Jason na, "Papa?"
Mas pinili kong sagutin si Jason.
"Oo. Sya ang long lost father ko. Weird no?"
"Pero di ba Viktor ang pangalan ng tatay mo?" Di pa rin makapaniwalang tanong ni Jason.
"Marco Viktor Gonzales ang buong pangalan ko. I dropped my second name nung tuluyan kaming pinaghiwalay ng ina ni Victoria."
Nganga si Jason.
"Nabuntis ko ang nanay ni Victoria nung nasa college pa lang kami. My parents did not approve of the relationship kaya pinaglayo kami. I didn't know what happened to them. Kamakailan ko lamang din nalaman na si Victoria pala ang bunga ng aming pagmamahalan. And I was too late. Hindi ko na din inabutang buhay si..."
Oh no, ang weird lang talaga nyang tignan na emotional sya. Kahapon lang din sa opisina, bago ako sunduin ni Matt ay saka nya lamang sa akin sinabi ang totoo. He was almost this emotional.
To the point na kailangan ko syang i-comfort. Even when I had been crying.
And then it struck me.
Malamang ay inabutan ni Matt ang ganun eksena. I must have looked so distraught while Marco was quite emotional which gave Matt the idea na may relasyon kami at hindi sya ang ama ng anak ko.
He'd been so quick to judge. Ni hindi man lamang nya hiningi ang paliwanag ko. Basta na lamang sya nag isip ng sariling version nya ng truth at biglang ayawan na.
"I'm sorry," sabi ni Jason sa kanya sabay lahad ng kamay nya, "ako po pala si Jason. Jovik's father."
Oh what a tangled mess I am in. Ang tatay ng panganay ko, kausap ang tatay ko habang buntis ako sa iba na inaakalang ang boss ko who happens to be my father, ang tatay ng ipnagbubuntis ko.
Whatever happened to my life?
Tahimik lang naman na buhay ang gusto.
I wanted to have a family who loves me.
I wanted to be a damn good lawyer.
I wanted to be able to provide for myself and for Jovik.
I have all three now, and yet I'm still in a such a mess.
Plus, I will be having another child out of wedlock.
With a different man.
Who wants nothing to do with me.
And who thinks that I sleep around, just so I could find someone who is rich enough to support me.
Ganoon talaga kaliit ang tingin sa akin ni Matt?
Napaupo ako sa sofa ang nagsimula na namang umiyak. Damn these hormones.
"I'm taking you home." Sabi ni Papa sa akin.
"Sir, I think it would be better if I take Victoria home. Mas maganda po siguro kung sa isang pamilyar na lugar sya."
Kung ako ang tatanungin, kahit saan basta hindi lang dito sa condo. And dami din kaya naming memories ni Matt dito.
____________
I ended up in Jason's house. Mas okay daw yun. Malapit sa ospital kung saan sya and in cases of emergency ay agad nya akong mapupuntahan o kaya ay madali nya akong maisusugod sa ospital.
Nag file muna ako ng leave sa opisina. Yung mga trabahong kailangan asikasuhin, sa bahay ko muna ginagawa.
That kept me busy for a few days. Until maalala ko na naman si Matt.
At dahil kinukulang lang din ako ng EQ ay nagpasya akong magdrive papunta sa opisina nya.
Pagdating ko doon ay si Hans ang bumungad sa akin.
"Anong ginagawa mo dito Victoria? Hindi ka ba nabilinan ni Jason?'
Ah yung threat nya that he will bodily remove me from the premises.
"Please Hans, I need to talk to him."
"He is trying to move on Vic. Hayaan mo na sya. And from what I gathered kay Jason ka na nakatira."
"Hindi mo alam ang totoo Hans. Huwag kang manghusga. I just need to talk to him. Sobrang mahal ko sya. Alam mo naman yan e... Please Hans..."
And then the blasted hormones kicked in. Nagsimula na naman akong umiyak.
Mukha namang naawa sa akin si Hans kaya pinapasok nya ako sa opisina nya, "Halika sasamahan kita sa kanya, pero know this Victoria, wala akong pakialam kung gaano ka kamahal ni Matt, if anything happens to him, I'll hunt you and your damned lover through the depths of hell."
Tumango ako hanbang nagpahid ng luha at sumunod sa kanya sa opisina ni Matt. Nang makita kami ng sekretarya nya ay, "Sir Hans..." pigil nya.
"Don't worry ako na ang bahala."
Tuloy tuloy sya sa opisina ni Matt at nasa likod nya ako ng mapatigil syang bigla, "What the!!! Matthew umayos ka nga."
Sabay pigil sa akin na gumalaw. Pero dahil matigas ang ulo ko ay nagawa kong sumilip mula sa likuran ni Hans.
Kung hindi ako namatay nung pinaalis ako ni Matt sa penthouse, sa oras na ito, I wished na namatay na lang ako kesa nakita ko ang nakikita ko ngayon.
Matt is fvcking some girl on top of his office table.
When he saw me, he didn't try to cover himself o ang babeng kasama nya. He looked at me straight in the eye and asked, "wanna join?"
I groaned. Hinawakan ako ni Hans. Bakit kaya hindi ako ngayon mawalan ng malay? O kainin ng lupa. O biglang mag time travel.
"Di ba ganito ang gusto mo?" He asked again, slightly moving on top of the girl who just moaned at mukhang pakialam kung may audience sila.
I looked at his bloodshot eyes. He is clearly drunk and probably high. Kailan pa sya ganito?
Nang hindi ko sagutin ang tanong nya ay hinawakan nya ang makabilang balakang ng babae and started thrusting again.
"Ay t*angna Matthew!" Susugurin sana sya ni Hans ng bigla akong mapahawak sa kanya.
I'm bleeding.
____________
28 July 2015
A/N: In fairness kay Hans, never nyang ginawa yan kay Katherine di ba?
����>�Z?
BINABASA MO ANG
Taking Chances
Literatura FemininaRich Boy. Poor Girl. Two worlds apart. Yan ang drama nina Victoria at Matthew. Si Victoria, poor but extremely intelligent. She is also beautiful in that unconventional way. She could have been perfect if only she didn't have a child at 15...
