Chapter 3

11.3K 182 5
                                    

*** ALL RIGHTS RESERVED ***

*** ALSO, PLEASE FEEL FREE TO LEAVE YOUR COMMENTS ***

Nang marating nila ang unit ni Victoria sa 18th floor ay kinuha ni Matt ang susi sa kanya at pinagbuksan siya ng pinto.

"Upo ka muna, and I'd prepare your coffee," sabi ni Victoria na sabay naman sa pagtunog ng celfone ni Matt.

"Can I use your fax machine?  Meron lang akong mga documents na kailangang ipadala sa office."

"Halika," sumunod si Matthew sa isang kuwarto, "this is my office.  To your left is my bedroom and to your right is the guest room," ani Victoria na tila ba isang tour guide.

“Is that an invitation?” biro ni Matt bago ito pumasok sa office ni Victoria. 

‘Mali, mali, mali…’ naisip ni Victoria.  It really sounded like an invitation for him to drag her to the other room.

Ng hindi sumagot si Victoria ay nagfocus na lamang si Matt sa opisina.  Di ito gaanong kalakihan ngunit kumpleto sa  mga gamit gaya ng computer, printer at fax machine.  May mga filing cabinets din at shelves ng mga libro.

Sa may mesa kung saan nagtatrabaho si Victoria na puno ng mga folders at libro.

"Pasensya ka na sa kalat.  Ganyan akong magtrabaho.  Gusto ko lahat ng kailangan ko ay nasa mesa na, otherwise nadi-disorient ako."

"Huwag mo akong intindihin.  I even consider this neat.  You should see me working on a case, talo pa ang dinaanan ng bagyo,"  and he gave her a reassuirng smile.

Muling tinignan ni Victoria ang mesa at naisip niya na kung anu kaya ang gagawin ni Matt kung bigla na lamang niyang hawiin ang laman nito at hatakin dun si Matt.  Well, malamang ay hindi ito tatanggi.  Knowing him.

Biglang namula si Victoria sa mga eksenang biglang tumakbo sa kanyang, at bago pa man siya gumuwa ng bagay na pagsisisihan niya ay lumbas na sya sa kwarto.

"You can use anything you need and take your time.  Magbibihis lang ako and I'd prepare your coffee."   

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon