Chapter 9

7.3K 126 2
                                        

*** ALL RIGHTS RESERVED ***

*** ALSO, PLEASE FEEL FREE TO LEAVE YOUR COMMENTS ***

VICTORIA

Madaling araw na sila na nakarating ng Quezon City.  Inhatid muna siya ng mag ama sa condo bago sila umuwi.

Laking gulat na lamang niya ng makita si Matt na nakupo sa may pintuan nya.

“Anong ginagawa mo dyan?”

“Waiting for you.”

Wala bang trabaho ito? Lunes ng umaga nasa may pintuan ko?  “Paano kung hindi ako dumating?  You could have just called me.”

“Or I could have just entered and waited for you  inside.  But that would freak you out.”  Sagot nya habang tumatayo at kinuha ang susi sa kamay nya para buksan ang pinto.

Stalker lang ang peg? E di sana sumunod na lang sya sa Batangas.

“Naisipan ko din sumunod sa inyo pero family bonding yun.  Nag antay na lang ako dito.”

“Gaano ka nga katagal nag aantay ditto?”

“A few minutes ago, nung tumawag ang guard na papasok na kayo sa parking, nagpunta na ako dito.”

“Oh my god!  Matt, you are really freaking me out.”

“Relax.  I live here.”  Kibit balikat nyang sagot, sabay diretso sa kitchen, at binuksan ang ref.

‘I live here. I live here. I live here.’ Paulit ulit yung narinig ni Victoria sa isip nya.

“Kelan ka pa nakatira dito?”

“I moved in habang nasa Batangas kayo.”  Sagot nya habang patuloy na tinitignan ang laman ng ref at inilabas ang itlog, hotdog, bacon, cheese at tinapay na para bang yan ang ginagawa niya araw araw.

Di ko alam kung kilig-mode ako o freak-out mode.  Alam kong kaya lang sya lumipat dito ay dahil andito ako.  May bahay sila sa Forbes at mas malapit dun ang opisina nya.  Walang dahilan na dito sya sa Cubao tumira.  Kalagitnaan kaya ng sobrang trapik dito sa may amin.

“Get ready for work.  I’ll cook breakfast.  After you eat, ihahatid na kita sa office mo.”

Nakatitig pa din ako sa kanya at di makagalaw.  Anu na nga ulet ang nangyayari?  Para lang akong nasa twilight zone.

“Would you rather I’d give you a bath kesa sa magluto ng breakfast?”  Ibinaba nya ang hawak nyang frying pan at lumapit sa akin.

“Ah, um… ah…” Syet.  I’m at a loss kung anu ang sasabihin ko.   Gusto ko daw ba na paliguan nya ako?  Hihihi, not a bad idea… ‘Ay naku! Ayan ka na naman Victoria!’  Gosh, nasisiraan na ata ako ng ulo.  May nag uusapng devil at angel sa isip ko.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon