Chapter 10

7.2K 123 1
                                    

*** ALL RIGHTS RESERVED ***

*** ALSO, PLEASE FEEL FREE TO LEAVE YOUR COMMENTS ***

A/N:  Nangarap akong pang chapter 10 ang BS nila Matt at Victoria e.  Akalain mong madedelay pala.  Mukhang natutupad ang pangarap ni @chadescudero na mapreserve ang virginity ni Victoria =)

MATTHEW

Ewan ko ba kung bakit bigla naman akong nagselos sa boss ni Victoria.  Bukod naman kasi sa sobrang kilala itong babaero plus the fact that he is single and never been married.  Malay ko ba kung si Victoria lang talaga ang inaantay nito.  Tapos, kakaiba ang tingin nya nung pagpasok namin sa opisina ni Victoria.

He didn’t look happy when he saw me.  He actually looked disappointed.  Dahil kaya sa hindi nya maisasagawa ang kung anu man ang balak nya? 

I needed to improvise.  Happy coincidence na lang talagang nagtatry ang sekretarya ko na mag set meeting sa kanya.  Kaya eto ako ngayon sa isang impromptu meeting na hindi ko napaghandaan.  Sh!t.  Settlement pa naman ang pinag uusapan namin.  Buti na lang magaling akong mang bluff. Pero alam ko namang nakikita nya din na nagba bluff lang ako, hindi ito yumaman ng ganito para utu utuin lang.

Si Victoria naman ay walang imik. I know she is taking down notes para sa settlement offer.  Patay na naman ako nito.  I should stay focused kung hindi lagot talaga ako kay Dad.  This is a multi-billion deal and I couldn’t just blow it off.

Pero distracted talaga ako sa dalawang ito, kailangan ng tapusin ang usapan ito bago pa tuluyang makapangako ako ng hindi dapat.  “We have prepared the settlement agreement and if it’s alright with you, I could have a copy delivered here.  Your lawyers can review the document and we could sit down for another meeting.”

“Yes, do that.  We can schedule the meeting in a week.”  Tumayo na sya at inabot ang kamay nya for another handshake, signalling the end of the conversation.  Nang papalabas na ako sa conference room nya ay narinig ko na lang na:  “Atty. Hernandez, a minute.”

Iniwan ko na sila doon, although iniisip ko kung aantayin ko pa si Victoria o papasok na sa opisina para i-draft ang non-existent na settlement agreement na pinangako kong ipapadala.

Pinili ko na lamanag na bumalik ng opisina.  I left a note on her desk and left.

VICTORIA

Something was off between the two men.  Para bang nagpapataasan ng ihi.  They should just leave me out of it.  Mr. Gonzales can easily match Matt word for word, and he really does not need me here. 

Nang magkasundo na sila ay pinaiwan ako ni Mr. Gonzales.  “Atty. Hernandez, a minute.”

I almost groaned out loud.  I knew what was coming.  Bigla ko tuloy naisip na sa tagal ko dito ay wala akong naging problema sa opisina.   I did my work, excelled in my job at laging outstanding ang rating ko.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon