CHAPTER 13 - Getting There

7.7K 114 15
                                    

*** ALL RIGHTS RESERVED ***

*** ALSO, PLEASE FEEL FREE TO LEAVE YOUR COMMENTS ***

 

GREECE, oo Greece.  Sh!t di ko na maalala kung bakit eto pa naman talaga ang naisip kong isali sa kwentong ito… Sana Boracay na lang o saan mang lupalop sa Pilipinas.  Hirap mag research, so gagawa na lang ako ng fictional na island, malay mo isang araw bigla na lang itong lumitaw sa mapa =)

Pero in fairness ha? Kung may billion ka, pede ka ng bumili ng isang isla… ilang zero nga meron yun? =)

*******

 

 

VICTORIA

Hinatid kami ng driver ni Matt sa airport, at oo may driver talaga sya.  Kahit nung college paminsan ay pumapasok syang hatid ng driver na naka uniform.  Minsan nga ay inaantay ko na lang na sumunod pati yaya niya sa mga klase namin at punasan sya ng pawis.  That would be a sight.  Yung astig na heartthrob tapos may yayang taga punas ng pawis.

“Bakit ka nakangiti?” tanong nya sa akin habang kasalukuyan namin binabaybay ang C5 papuntang airport.  Nakaakbay sya sa akin at nakadantay naman ang ulo ko sa kanyang balikat habang hawak naman ng kabilang kamay nya ang isa kong kamay.

Kami na ang sweet.  May relasyon na kaya kami?

“Huh?  Naalala ko lang noong college na hinahatid ka na ng driver, tapos may yaya ka pang kasama sa school.”

Natawa sya ng malakas, “Overprotective ang mga magulang ko.  Tagapagmana lang ang drama ko nun.  In fact, bodyguard ko talaga sila, hindi driver at yaya.”

Napatanga ako sa sinabi nya.  Yung thirtyish na babaeng nakasunod sa kanya lagi ay bodyguard nya? OMG! Kala ko talaga yaya nya yun.

“Can’t blame you though, yun naman talaga ang role nila that time.  Yung akala mong yaya, she’s now my secretary.  And the driver, well, sya pa din ang driver.”

Inihilig ko naman ulit ang ulo ko sa balikat nya.  “But with or without them, you are safe with me princess.  I will always protect you.”

Uy, kilig much naman sa sinabi nya, lalo pa ng hinalikan nya uli ako sa noo.

**********

“Wake up princess, we are about to board the plane.”

Nakatulog na pala ako, hindi man lang napansin na nandito na kami sa private strip kung saan nag aantay  nag eroplanong sasakyan namin.

“Huh?”  disoriented lang talaga. 

“Would you like me to carry you?” at bago pa man ako nakasagot ay ramdam ko na lang na binuhat na nya ako papunta ng plane, newly-wed style.  

Bakit naman ako tututol di ba?  Ako na ang kinikilig.

“Dito ka muna, pagkatapos ng take off, puede ka ng pumunta sa kwarto para makapagpahinga ka.”

Yan ang sabi nyasa akin habang ibinababa ako sa isang luxurious chair at inilagay ang seatbelt ko.

Napansin ko ang letrangg “V” sa mga upuan.  Corporate logo nina Matt.  Ibig sabihin nito ay kanila ang eroplanong gagamitin namin.

Umupo sya sa tabi at naglagay ng seatbelt nya.  Maya maya lang ay nagsalita na rin ang piloto. 

Yes, this really happening.  I’ll be spending a week in Greece with Matt and I’ll make sure na handa na ako sa mga mangyayari. 

________

“You want to rest in the cabin,” tanong niya  “Medyo mahaba pa ang byahe.”

“Only if you’ll join me,” sagot ko naman.

Bahagyang dumilim ang mukha ni Matt.  Yung tipong ramdam mo yung inner struggle nya.  Payback time na ito.

He held out his hand at inalalayan ako papasok ng cabin.

Grabe ka-luxurious nito.  Parang kwarto sa isang five-star hotel.  Me sofa sa isang sulok, king sized bed sa gitna ng kwarto at working area kabilang side.  At kahit hindi ko pa nakikita ang bathroom, alam ko ng equally luxurious ito.

Umupo ako sa may gilid ng kama, “tulog na tayo?”

Kung puede lang talaga akong matawa ng malakas sa hitsura ngayon ni Matt, ginawa ko na.  Kawawa naman.  Parang hirap na hirap.  Anu kaya ang gagawin nito pag nahubad ako sa harap nya.

“Ummm, ahhhh….”

Hahahaha, sya na ang nagstammer.

“Matt?”

“Ummmm… I… think… ahhh, you should change into comfortable clothes.”

Change pala ha.  Tumayo ako sa harap nya, at unti unting tinggal ang botones ng suot kong blouse, at syempre tumambad sa harapan nya ang puti kong bra.

Patapos nun ay hinubad ko din ang suot kong pantalon.  Tumalikod ako sa kanya at akmang  pupunta sa closet nang bigla niyang hinigit ang braso ko.  Sa sobrang lakas ng pagkakahigit nya ay napadantay ako sa dibdib nya.

“You are playing a dangerous game Victoria.”  Sabi nya sa akin.

“Maybe this isn’t a game Matt.”  Sagot ko sa kanya and then I placed my hands on his nape and kissed him.

He groaned, but kissed me back. When he did, I removed my hand from his nape and begun undressing him. 

 ___________

05 February 2015

A/N:  Sorry, sobrang tuyo na ang utak ko sa kakagawa ng BS... so for now, use your imaginations muna =)

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon