Chapter 01: First Day

36 6 0
                                    

Siera's POV

Ito na yung pinakahihintay kong araw, finally pinayagan na ako ni dad na magtransfer sa Hanlim Multi Art High school!

Alam nyo ba kung anong klaseng skwelahan yon?

Yun lang naman ang nag top 1 Most Expensive Art School here in South Korea!
Actually... pinapangarap ko lang yung school na yon noon but here I am!

Isa rin sa dahilan kung bakit gustong gusto kong lumipat ng school kase nabully ako for 2 years sa previous school ko and never ako nagsabi sa parents ko about it until now.

I was 2nd year high school that time hanggang sa nag 3rd year ako, kaya naisipan kong lumipat nalang ng school.

Halos buong summer nagmakaawa ako sa Daddy ko na makalipat ako dito, they keep asking me kung bakit gustong gusto ko lumipat sa HMAHS (Hanlim Multi Art High School) pero lagi kong dinadahilan is pangarap ko itong school na to.

For the first time nag wagi ako HAHA, and today is my First day in Hanlim as a transferee student at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, sobrang saya ko at feel ko free na free ako sa lahat ng gusto kong gawin.

Nachichismis pa naman dati na madami dawng pogi sa Hanlim like omg?, at isa pa, walang nakakakilala sakin doon ito na siguro yung time na magkakaroon na ako ng mga bagong kaibigan!

Habang chinichika ko kayo nag lalagay ako ng light make up dito sa kwarto ko.

At nang matapos na ako sa pag memake up.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina.

"Goodmorning darling!" my mom said.

"Goodmorning din mommy!" i said in a happy voice as i kissed her on her cheeks.

"Hindi halatang excited na excited ang baby ko ah?"

"Syempre naman po! sobrang saya ko now mom!!" i said in a super excited tone at nagsimula ng kumain. My mom just laughed at me at sinabayan nadin niya akong kumain

"Mom?" i said while chewing the food

"Yes?"

"Pwede na ba ako mag boyfriend?" i said in a sweet voice at sobrang lawak ng ngiti ko. Tumaas naman yung kilay ni mommy haha.

"Anong napag usapan natin anak? after mong matapos ang junior high papayag na akong magpaligaw ka, at ligaw lang ha? after ng college duon mo na sagutin" napabusangot naman ako.

"Mommy naman eh? Legal age na ako i'm 19 years old na po grabe naman?" Sabi ko habang nakapout.

"Hay nako, magtigil tigil ka at malalagot ka talaga sa daddy mo pag narinig niya yan. kumain ka na" hayst kainis talaga.

After kong kumain i smiled again realizing na it's my first day as a student in Hanlim!!

"I'm done mom" i said at dumiretso sa cr para magtoothbrush. Natapos na ako sa pag aasikaso at aalis na sana ako.

"Wait sweetie! wear this" my mom said as she put the scarf around my neck.

"I heard the news last night, there will be a snow storm next week... at baka biglang dumating iyon ng di natin inaasahan dapat lagi kang handa anak." and then she gave me my tumblr.

" Noted mom Thank you!"

"Becareful sweetie!" sigaw ni mommy habang naglalakad ako papalayo sa bahay, i just waved at her.

And i took a cab to go to school, at habang nasa byahe, dumungaw ako sa bintana ng taxi, naalala ko tuloy yung schedule ko.

Kinuha ko yung schedule sa bag ko at nanlaki yung mata ko ng makita na my last subject will end at 9pm like wtf? mas mahaba pa yung breaktime kesa sa klase?!

Huminto yung taxi sa harap ng Hanlim, napabuntong hininga muna ako bago ako lumabas ng taxi at

O.O

napanganga ako sa ganda at laki ng school na ito. Gustong kong tumalon talon sa excitement kaso nakakahiya andaming studyanteng naglalabas pasok sa school, and you know what? lahat sila magaganda at pogi.

Hindi matanggal yung ngiti sa labi ko habang naglalakad sa loob ng campus.

Grabe, may skwelahan palang ganito kaganda?.

Mangha mangha ako sa mga nakikita ko, entrance palang pero bat ganito na kaganda?.

Patuloy lang ako sa paglalakad, ngumingiti ako sa mga studyanteng nakakasalubong ko. Ngumingiti rin sila sakin pabalik, ang ganda at ang babait nila.

Nawala bigla yung ngiti ko nang mapansin ko yung tatlong lalake sa may gilid ng hagdan. Puro puno yung paligid nito kaya di mo talaga sila agad na mapapansin.

Bumalik yung trauma ko sa nakita ko kaya dahan dahan akong lumapit at nagtago sa likod ng puno.

"Where did you get the guts, huh? Now tell me, are you fighting me now, Minhyuk?" the cold-eyed guy said while pushing Minhyuk till he leaned on the wall.

"B-binigay ko na lahat ng pera ko, a-ano pa bang gusto n-" hindi natapos nung Minhyuk yung sinasabi niya ng bigla siyang suntukin sa sikmura nito.

"Bat ka pa kase sumasagot wala ka namang laban samin e," said the guy who has many piercings on his ears. I couldn't resist my anger anymore toward these bastards, so I went to them with an innocent look.

"Sorry to interrupt you guys, unang araw palang ng school oh? ganiyan na agad bungad ninyong ugali?" pagmamatapang ko.

"It's none of your business, kid; get the hell out of here if you don't want to get involved," sabi nitong mukhang amerikano, Jack smith ang pangalan nakalagay sa nameplate niya.

Inangat ko yung phone ko, "Nirecord ko lahat, gusto niyo bang ipasa ko to sa discipline office? Mag sorry kayo sakanya kung gusto niyong idelete ko to!".

I was shocked when the cold eyed guy named Woo Yeon laughed, tawa siya ng tawa hanggang sa napaupo na siya. Baliw ata to, nang mahimas masan na siya sa pagtawa tumayo ito at nagbago ang expression ng mukha.

Napaatras ako bigla.

Dahan dahan tong lumapit sakin hanggang sa napasandal na ako sa pader.

"Hindi mo ba ko kilala?" bulong nito, marunong naman pala magtagalog.

"Ako si Woo...Yeon" dagdag pa niya, napalunok ako sa lapit ng mukha niya.

"And so?" pagtatapang tapangan ko sabay taas ng kilay.

"Give me your phone if you don't want to die" tinago ko yung phone sa likod ko.

"And who did you scare?"

He was started shaking in anger nang marinig niya yung sinabi ko; he swayed his hands, and I knew he was going to slap me, so I closed my eyes.

But there was a guy who blocked his hands from slapping me.

Oh my god.

My legs were shaking, so I ended up sitting on the ground.

Nanghina ako sa sobrang takot.

I sigh heavily; that was too close!

"Woobin? Why are you still here in Hanlim?" the guy named Jack Smith said.

"Bat nandito ka pang basura ka? at ang lakas ng loob mong pigilan ako? sino ka na ba sa tingin mo ha?!" sigaw ni Woo Yeon sabay sinapak itong si Woo Bin, kahit nanginginig ako sa takot sinikap ko paring umalis ng dahan dahan sa pwesto ko para puntahan yung minhyuk na binully nila. Tinulungan ko itong tumayo at umalis na kami sa lugar na yon.

I Fell Inlove With A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon