Chapter 04: P.E Class Incident

18 4 0
                                    

Siera's POV

After namin magbihis dumiretso na kami sa napakalawak na court ng Hanlim.
Aninag ko na agad sa di kalayuan si Zian Park at yung dalawa niyang kasama.

"Young.."

"Hm?" She respond.

"Totoo bang engage na sila Woo Yeon at Zian Park?" Tanong ko dito na agad naman niyang tinakpan ang bibig ko.

"Ang ingay mo, malalagot ka talaga pag may nakarinig sayo niyan. Pero oo totoo yon, para sa business naman kase yon, hindi naman talaga gusto ni Woo Yeon si Zian e, alam mo kung sino yung gusto ni Woo Yeon?"

"Ate Suryeon?"
"Si ate Suryeon" magkasabay naming sabi.

"Pano mo nalaman?" Takang tanong niya.

"Hindi pa ba halata kanina sa canteen?"
Sagot ko.

"Debale, pero legit ah.. matagal ng may gusto si Woo Yeon kay ate Suryeon, samantalang yung gusto naman ni Suryeon si Kuya Woo Bin." Ahhh kaya pala...

"Gusto rin ba siya ng kuya mo?" Curious kong tanong.

"Hmm.. hindi ko alam e, siguro?"

"Hindi kaya yun yung dahilan ng galit nila sa isa't isa?"
Tanong ko pa ulit.

"Hmm sa tingin ko hindi, may mas malalim pa" di namin namalayan nakarating na kami.

While waiting sa P.E teacher namin umupo muna kami sa bench.

"Woo Yeon!!" Sigaw ni Zian sa gilid at agad na tumakbo papalapit kay Woo Yeon at niyakap ito.
Halata sa mukha ni Woo yeon na di naman siya natutuwa.

At dun ko lang din napansin na nandoon din sila Woo Bin, Suho at ate Suryeon, magkaklase sila?.

"Bakit andito din sila?"
Tanong ko kay Woo Young.

"P.E class din nila ngayon pero sa tingin ko maglalaro sila ng soccer" napatango tango lang ako.
Pinagmamasdan ko sila habang nakaupo, yung mga girls nakaupo lang din sa bench, samantalang mga boys ata yung mag lalaro.

Napansin ko si Suho kumakaway saamin banda, kaya tinuro ko muna sarili ko kung ako ba yung kinakawayan niya.
Inangat baba niya yung ulo nya kaya kumaway nalang din ako.

Natawa pa ako kase pinakita niya pa yung muscles niya sa braso at hinalikan ito.

"EWWWW!!!" sigaw ni Woo Young.
Dahilan ng pagtawa ko ng malakas.
Nabaling yung mata ko kay Woobin na nakatitig sa direksyon ko.

Hindi ko alam kung ako ba tinititigan niya pero may kung anong butterfly sa tiyan ko ng mag assume ako na sakin siya nakatitig.

Ang gwapo niya..
As in...

Nawala yung pagtititigan namin nang may humarang sa harap ko.
Inangat ko yung tingin ko, ang epal naman? Nag momoment kami e?.

"Akala mo nakalimutan na kita?" Sabi nito at umupo sa harap ko.
Hinawakan nya yung buhok kong hinahangin at nilagay sa likod ng tenga ko.

"Ang ganda mo pala e no?"
Napataas tuloy yung kilay ko, at nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya na halatang nagulat siya.

"Alam mo.. sirang sira na yung araw ko dahil sayo, kaya sana wag ka ng magpakita pa sakin" gigil kong sabi sabay tinulak ito.

"Hahaha, may utang ka pa sakin miss, yung video, pati yung pag sipa mo sa alaga ko tanda mo?, Kakalimutan ko yung ginawa mo kung hahayaan mo ako idelete yang video sa cp mo."
Dahilan ng pagtawa ko.

"HAHAHA yun lang ba? Okay fine! Basta pagtapos mong idelete wag na wag ka ng magpapakita sakin!"
Sabi ko sabay hampas sakanya ng cellphone ko.

Kita ko yung nakakunot na noo ni Woobin at pagtakbo ni Suho papalapit saamin.

I Fell Inlove With A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon