Chapter 20: The Tragic Death

4 2 0
                                    

HANLIM MULTI ART SCHOOL
SHOW CHAMPION

Siera's POV

After ng first batch mag perform, dumiretso na kami sa back stage para mag bihis ng bagong outfit.

"Ate Nana, cr lang ako ah.."

"Okay go girl." She replied.

Dali dali akong pumuntang cr dahil tatawagan ko si Mommy para dalhan ako ng Jacket at scarf. Umuulan nga talaga ng nyebe sa labas.

Habang nasa hallway napatago ako sa gilid nang makita ko si Ate Suryeon at Woobin. Ayoko makadistorbo sa usapan nila kaya nagtago ako.

"Bin, let's fix this please?... I know na mahal mo ako.. alam kong naguguluhan ka lang."
Umiiyak na sabi ni Ate Suryeon while holding Woobin's hand.

Samantalang yumuko lang si Woobin at nag isip bago niya yakapin ng mahigpit si Ate Suryeon.

"Yea, i love you.."

bat ba ako nakikinig?

Para ano?

Para masaktan?.

Babalik na sana ako sa dadaanan ko nang marinig ko yung kasunod niyang sinabi.

"I realized that i love you but only just a friend Suryeon, pinapahalagahan kita... Ikaw si Wooyoung at si Roi nalang yung meron ako, i realized na... Hindi na pala tulad ng dati yung nararamdaman ko para sayo. I am really sorry for hurting you, please wag mo kong iwasan o iwan dahil dito, hindi ko kayang may mawala pang taong mahalaga sakin. Suryeon i'am really sorry." At duon ko narinig yung hagulhol ni Woobin.

Sabi niya hindi siya yung tipo ng tao na umiiyak sa harap ng tao. Pero ngayon he's crying like a baby habang nakayakap kay Ate Suryeon.

Di ko namalayang lumuluha nadin pala ako, hindi ko alam Woobin.. bakit mas lalo akong naattach sayo dahil sa sitwasyon mo. I cried silently dahil awang awa ako kay Woobin, he's suffering alone.

Samantalang si Ate Suryeon hindi alam yung gagawin dahil umiiyak talaga si Woobin. Ilang minuto pa kumalas na sa pagkakayakap si Woobin.

"I'm sorry hindi ko napigilan"

" No, I can't Bin.. ang hirap e, alam mo naman kung gaano kita kamahal diba?"

"Suryeon, hindi ko deserve yung pagmamahal mo, ayokong masaktan kita. I can't live long and.... Suryeon... I want you to take care of me kapag nawala na ako."

"I don't understand" Takang tanong ni Ate Suryeon.

"Nothing, it's just... Gusto kong ikaw yung mag asikaso saken. I want you by my side when i'm gone."

"Hindi ka nakakatuwa." Nagkacrack na yung boses ni Ate Suryeon.

"Alis na ako, baka mag start na mamaya yung show." Dagdag pa niya, tinap niya si Ate Suryeon sa balikat at ngumiti bago tumalikod at naglakad palayo.

"Woobin!" Sigaw ni Ate Suryeon pero di siya nilingon ni Woobin, tuloy tuloy lang lakad nito.

Napatingin tuloy ako sa oras sa phone ko.

8:50pm?!

9pm ang sabi niya mag meet kami. So pupunta na siya ngayon sa lake?.

Ang lamig sa labas!.

Ano bang trip niya?!
Shit! Kelangan kong pumunta!, tumakbo ako sa Dressing room at naghanap ng jacket pero wala ako makita!

Sinuot ko nalang yung damit na susuotin namin sa next performance namin which is yung long sleeves na nag shashine.

I Fell Inlove With A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon