Siera's POV
"Mukha ba akong multo?" Dagdag pa niya.
"Oo, at anong ginagawa mo dito?"
"Sasabay ako sayo, pupunta ako sa bahay ni Roi." He said.
Di nalang ako nakapagsalita at pasimpleng sinusulyapan siya.
Pagdating ng bus nauna akong pumasok at umupo, sheez nag momove on na ako sayo Woobin bat dito ka pa umupo sa tabi ko?.
Tahimik lang kami habang nasa byahe, mamaya pa napansin kong humihilik siya sa tabi ko. What the? Natulog?
Nilingon ko ito at para akong naestatwa sa sobrang lapit ng mukha niya, at kahit tulog bakit sobrang gwapo?.
Nakakahypnotize yung kagwapuhan niya.
Paano ba ako nito makakaiwas?.Suddenly napangiti nalang ako, since wala pa naman kami sa pagbababaan, what if titigan ko muna siya hehe.
I just stare at his beautiful perfectly face, nagegets ko na bat andaming babaeng nagkakagusto sakanya at isa na ako duon.
Napatingin ako bigla sa labi niya, wth siera ano ba iniisip mo?!.
Ang attractive ng mga lips niya."Anak ka ng tipaklong!" Napatalon ako sa inuupuan ko nang bigla niyang buksan yung mata niya at diretso itong nakatitig sa mga mata ko.
Parang huminto yung ikot ng mundo at dalawa lang kaming tao s loob ng bus, magkatitigan.
Napatayo nalang kami bigla nang tumunog yung bus hudyat na andito na kami sa bus stop.
Sabay kming napatayo at inunahan ko na siya sa pag baba.
shet... Para kasing parehas lang kami ng nararamdaman ng mga oras na yon, parehas kaming naestatwa sa titig ng isa't isa.
Siera, ano ba nangyayari?.
Binilisan ko yung paglalakad ko sa sobrang hiya.
"Hey, hintayin mo naman ako!" Sigaw nito at tumakbo papalapit sakin habang nakapamulsa.
"Ahm... H-hindi ko sinasadyang makatulog... pasensya na din kanina."
"A-ahh w-wala yon, hehe.. di ko lang din alam paano kita gigisingin hehe " pagdadahilan ko.
Psgpasok namin ng village napadaan kami sa may court, kinuha niya yung bola na nasa lapag at shinoot sa ring.
Wow... Magaling din mag basketball.. ang perfect naman ata niya masyado?.
"Yung white na bahay, ayun yung bahay ni Roi." Sabi ko sakanya.
"Sige, ihahatid muna kita sainyo." Napakagat ako ng labi.
Arghh...
Woobin bakit ka ba ganyan!."K-kaya ko na mag isa." Pagtanggi ko pero sinundan niya padin ako kaya wala na ako nagawa.
Pagdating namin sa bahay ay pinagbuksan na ako ng pinto ni mommy.
"Ay! Hijo!, nandito ka ulit .. naghapunan ka na ba?"
Imbes na magpapaalam na ako kay Woobin naunahan ako ni Mommy."Hindi pa nga po e " ngiting banggit ni Woobin, what?? Anong gusto niyang iparating?, gusto niyang kumain dito?.
"O sige, halika pasok ka.. paghahandaan ko kayo ng makakain."
"Salamat po".
Umakyat ako agad sa room ko at tumalon sa kama sabay nagtalukbong, sheeetttt gusto ko tumili sa kilig.. but pleasee... Sana totoo na tong pag aassume koo!!.
Dumiretso ako cr at naghilamos sabay nag retouch, dali dali akong bumaba at nakita ko nanaman yung mga titig ni Woobin saakin na sobrang nakakailang!.
"Kumain ka na anak, ano oras na kayo nakauwi, mabuti naman at hinatid ka ni Woobin." Sabi pa ni Mommy.
"Opo, gabi na din po kase."
Sagot ni Woobin."Salamat." Sabi ko ng nagpapacute yung mga ngiti haha.
"Ano nga pala trabaho ng Daddy mo, at nasa school ka ng one of the most expensive school ng Seoul." Pag oopen ni Mommy ng topic kaya napahinto kami sa pagkain.
"Mommy! Ansarap ng luto nyo grabe!, bakit ganto kasarap?, anong hinalo nyo?" Pag iiba ko ng topic, sh*t daldal tlaga ni Mommy.
Ngumiti naman si Woobin, sumesenyas pa ako gamit mata ko na di na niya kailangan mag kwento.
"Wala na po akong parents, but my Tito is taking care of me, siya po yung may ari ng school." Ngiting banggit nito. Ang galing mo talaga mag panggap Woobin!.
"Oh my.. i am so sorry anak."
Ngumiti lang itong si Woobin at tinuloy yung pagkain."Sobrang sarap nga po talaga ng luto niyo."
"O-oo syempre, ako nagluto niyan e.. kumain ka pa, eto oh." Sabi ni Mommy at nilagyan pa siya ng ulam sa plato.
I smile sadly, siguro never pa ni Woobin naranasan yung ganitong pag aalaga ng isang ina. I look at him at mas lalo ko pa tuloy siyang ginugusto.Pagtapos namin kumain at nagpaalam na si Woobin na aalis na, naglagay pa si Mommy ng ulam sa lunch box para iuwi ni Woobin.
"Maraming salamat po." Ngiting sabi ni Woobin.
"Walang problema anak, bumisita ka din dito minsan ah, ipagluluto kita ng mga gusto mong ulam."
"Sige po, alis na po ako... Thank you po ulit." Tumingin siya saken at inangat ko lang kamay ko at ngumiti sakanya.
Pag alis ni Woobin ay sabay kaming napabuntong hininga ni Mommy.
Hindi na ako nagsalita at umakyat na sa kwarto.Naiiyak tuloy ako, kitang kita ko sa mga mata niya n sobrang saya niya kanina habang inaasikaso siya ni Mommy.
I know na miss na miss na din niya yung Mama niya.
Bagsak akong napahiga sa kama at inabot yung phone ko.2 days left, Show Champion na...
Nakakapagod palaa.Inopen ko yung IG ko at inistalk si Woobin, kita ko yung kakapost niya lang.
5 seconds ago, yung lunch box na binigay ni Mommy.
At yung caption is, 'this made me happy'.I smiled at pinusuan yung post niya, nag comment ako ng 'enjoy!'
Pinusuan naman niya agad yung comment ko na nagpangiti saken ng sobra.Siera.... Need mong galingan sa Show Champion!.
Manonood siya sayo, at magagaling ang mga kasama mo kaya kahit pumantay ka man lang sa level nila, okay na yon!.Mas lalo tuloy akong naeexcite sa event na yun, ngumiti ako ulit at sinave ko yung picture ni Woobin para gawing wallpaper ng phone ko.
Napatalukbong tuloy ako at tumili ng tahimik... Ewan ko ba, kinikilig ako ng sobra sakanyaa!.
Goodnight Woobin!
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With A Ghost (COMPLETED)
Fiksi PenggemarSiera is just an ordinary student in Hanlim Multi Art High School. One day in a cold season, she witnessed the tragic death of a Senior Highschool heartthrob named Woo Bin.