SURYEON's POV(FLASHBACK: Before the Show Champion Event)
Habang nagpapractice kami ng performance namin for Show Champion ay nag ring bigla yung phone ko.
"Sorry excuse me." Pag papaalam ko sa mga ka members ko.
Lumabas ako ng dance room para sagutin yung call.
"Hello sino to?"
"Hi is this Suryeon?" Tanong ng babae sa kabilang Linya.
"Opo bakit po?"
"Thank god nakuha ko din ang contact number mo. Hi Suryeon it's me Sonoko Yamada."
"Ay Tita kayo po pala, napatawag po kayo?"
"Suryeon I need your help, can we meet later.. this is emergency."
Gulong gulo ang isipan ko Pero pumayag nalang ako makipag meet Kay tita.
Alam ko kase nasa Japan siya, madami naman siyang pwedeng tawagan bakit ako pa.
Napabuntong hininga nalang ako at bumalik na ng practice.4pm nandito na ako sa meet up place namin ni Tita.
I saw a nice car parked outside the restaurant. Iniluwa non ang Isang magandang babae na naka shades at naka dress.
And it's Tita Sonoko.
Tumayo ako agad at sinalubong si tita ng beso at yakap.
"Tita kamusta na po kayo it's been so long po." Sabi ko at sinabayan siyang umupo.
"Oo nga e, parang kailan lang last na kita ko sayo you were still the elementary girl that time. Ngayon napakagandang dalaga mo na."
"Kumain ka na ba? You can order whatever you want, ako magbabayad." Ngumiti ako at tinawag yung waiter para mag order.
Habang hinihintay namin ang order ay nagtanong na ako Kay tita.
"Ahmm tita ano po pala yung Pag uusapan natin."
She took a deep breathe at hinawakan ang dalawa Kong kamay.
"Hija, nasa panganib ang buhay ni Woobin... Please pakibantayan mo siya ng maiigi, tell me whatever happens to him. Kung iistalk mo siya ay mas mabuti yon."
"I don't understand you tita, papaanong nasa panganib ang buhay ni Bin."
"Nakita ko ito sa labas ng kwarto naming mag asawa. I don't know kung inilagay ba ito or nahulog lang siya ng kusa."
Binigay niya saakin ang black envelope na nagpatindig ng balahibo ko.
I remember the black envelope na hawak ni Woobin nung nasa bench sya.
He was holding something like this too tapos bigla nalang niyang tinago pagdating ko.Kinuha ko ang envelope at binuksan ito.
'Someone's gonna kill Woobin on the Hanlim's 1st event of the year, save him or lose him.'
"I know na hindi ito para sakin , para kasing nahulog lang siya, nung araw pa naman na yon may mga bisita ang asawa ko na mga business man din."
Napahawak ako sa ulo ko.
Sino namang gagawa nito kay Woobin.
"I wanted you to keep an eye on him, kase naawa ako sa bata.. he's WooIn's Son para ko na din siyang anak. Hindi ko kasi alam kung trip lang ba yan o totoo na e, ganito rin kase ang nangyari sa papa Niya. Please sobra akong nag aalala sa inaanak ko."
Nang makauwi ako sa bahay ay dumiretso ako ng kwarto ko. Hindi parin mawala sa isip ko ang mga sinabi saakin ni Tita.
Naisipan kong gumawa ng paboritong spaghetti ni Woobin at puntahan siya sakanila.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With A Ghost (COMPLETED)
FanficSiera is just an ordinary student in Hanlim Multi Art High School. One day in a cold season, she witnessed the tragic death of a Senior Highschool heartthrob named Woo Bin.