Chapter 13: Woobin & Suryeon

4 2 0
                                    

Woobin's POV

Agad kong nilapitan si Siera at sinabayan ko ito sa paglalakad.

"Ay anak ka ng pating!"
Napatawa tuloy ako bigla na halos di na ko makahinga sa kakatawa.

Grabe first time kong makita yung ganitong itsura nya na gulat na gulat siya lalong lalo na yung sinabi niyang 'anak ka ng pating?'

Wtf?.

"Sige tawa" Galit nitong sabi. Kaya umayos na ako, tumingin ako sa cellphone ko 9:30 pm.

"Bagay sayo yang kulay at gupit mo ngayon" dagdag pa nito at tumingin to saken, nagkatitigan tuloy kami ng di inaasahan, nahirapan akong alisin yung tingin ko sakanya kaya siya na yung unang umiwas.

"Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?" Tanong ko at pasimpleng kinuha yung mga plastic sa kamay niya.

"Bumili syempre."

"Ang bigat naman pala nito." Dagdag ko pa.
Titingnan ko sana kung anong laman pero pinigilan niya ako.

"Kung gusto mong buhatin, buhatin mo lang at wag mo ng tingnan" mataray nitong sabi kaya napa ok nalang ako.

"Kumain ka na ba?" Wala sa sarili kong sabi.
Napastop naman to at parang nagulat kaya napatingin ako sa tinitingnan niya and i saw Suryeon, looking at us na parang gulat na gulat din siya.

"Suryeon?" Sabi ko at nilapitan ito.
Palipat lipat yung tingin niya samin ni Siera.

"H-hndi , mali ka ng iniisip ate Suryeon, nakasalubong niya lang ako at nakita niya akong madaming dala kaya tinulungan niya ako hehe" wtf? Bat siya nag eexplain?.

Napangiti naman si Suryeon.
"Ganun ba?, Bin pupunta sana ako sainyo. Nagdala nadin ako ng paborito mong spaghetti na gawa ko."

"Thank you, ahm..-" mabilis na hinablot ni Siera yung plastic bag na dala ko.

"K-kaya ko na to, k-kuya Woobin... Mauna na ako sainyo" sabi nito at mabilis na naglakad palayo, susundan ko sana kaso nandito pala si Suryeon sa harap ko.

Kuya Woobin? Lol, ang cringe naman kapag kinukuya niya ako. I just look at Siera habang naglalakad to ng mabilis, haystt.. ang bigat pa naman ng dala niya.

"I love your hair bin" ngiting sabi ni Suryeon kaya napatingin ako sakanya at ngumiti.

"Salamat, tara na?" Aya ko dito, dumiretso na kami sa bahay at nagtaka ako bakit may kotseng nakapark sa labas ng gate.

Nang makalapit kami, lumabas dito si Wooyeon at sinugod ako ng suntok.

"BIN! WTH WOOYEON!! " sigaw ni Suryeon, di naman ako nagpatalo at tumayo sabay sinuntok din siya pabalik. Hinawakan niya ako sa kwelyo at parang mangiyak ngiyak yung mata nito.

"Walang dapat na mapunta sayo ng kahit na anong kayamanan ni Dad!" Galit nitong sigaw kaya napakunot yung noo ko.

"What are you talkin about?"

"Wag ka ng magkunwari! Galing to sayo diba?!" Sigaw nito at hinampas sakin yung itim na envelope.
Para akong nahilo, sh*t bakit ganto? Ang daming memoryang nagpaflash back sa isip ko.

"Bin? Okay ka lang ba?" Alalang tanong ni Suryeon.

"Wooyeon please lang umalis ka na!"

Napatingin naman si Wooyeon kay Suryeon at hinila yung kamay nito at laking gulat ko nang halikan ni Wooyeon si Suryeon ng pwersa at mariin.

Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig at mabilis na sinuntok si Wooyeon, dinaganan ko pa ito para suntukin.

"BIN STOP!" umiiyak na si Suryeon kaya tumigil na ako.
Tinapon ko yung itim na envelope sa mukha niya at hinawakan si Suryeon sa kamay.

I Fell Inlove With A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon