Chapter 30: The Vacation Part 2

3 3 0
                                    

Third Person's POV.

"Naihanda mo na ba yung kotse? Aalis na tayo mamayang madaling araw."
Sabi ng babae.

"Yes ma'am, tumawag po pala si Doc, need na daw po maidala ang mga gamit."

"Sige, paki make sure na walang maiiwan, dahil flight na namin mamaya."

"Yes po ma'am."

Pumasok ang babae sa isang silid, at umupo sa tabi ng isang lalake.

"Aalis na tayo dito, ilalayo kita ... Masyadong magulo at delikado ang lugar na to para sayo Mahal ko."

Siera's POV

Dali Dali akong napatakbo palabas ng Resthouse nila Roi.
Hindi ako nagkakamali sa boses na narinig ko!.

I looked around, nakita ko yung kotse namin ni Roi na bigla nalang umandar papaalis.

Tumakbo ako para habulin o kahit makita man lang ang driver nito.
I saw an unfamiliar Woman driving it, mukha itong nagmamadali at pawis na pawis.

Dumiretso ako sa tabi ng puno at duon umupo kaharap ang dagat.
Medyo malakas ang alon at malamig ang hangin.

Napahawak ako sa ulo ko. Bakit nandito siya?? Anong ginagawa niya dito?.
Naguguluhan ako sa mga nangyayari.

"Siera!" Tawag sakin ni Roi na agad na nagpatayo sakin sa kinauupuan ko.
When he walked towards me, napaatras ako ng Dahan dahan.

Roi.. do I have to trust you?.

"Why are you here?" He asked while smiling .

"A-ahm.. nagpapahangin lang." Pagdadahilan ko.

Woobin nasaan ka na ba?.

"Okay, naiready na yung boat, Tara na?" Aya niya.

Pilit akong ngumiti sakanya.

Nang makasakay kami sa bangka, lutang ang isip ko. Hindi ko maintindihan, matinding kaba yung nararamdaman ko. Natatakot ako ng sobra.

"Are you really okay? Parang kanina lang excited ka mangisda." Sabi ni Roi at tumawa ito.

"W-wala naman kumakagat sa pa-in ko." Sabi ko.

Nandito na kami ngayon sa kalagitnaan ng dagat.
I don't feel good.

Nagsimula akong pag pawisan.

"Look Siera I got a fish!" Tuwa nitong Sabi at pinakita sakin. Pilit ko paring magpanggap na okay lang ako.

"Wow.!" Tuwa Kong Sabi.

"Bakit Sakin walang kumakagat ng pa-in ko?"

"Iganto mo kase." He said at tinuruan Niya ako na need pa pala galaw galawin yung Tansi para mapansin ng isda.

Maya Maya pa, may kumagat na ng pa-in ko, napatayo ako sa gulat agad naman akong tinulungan ni Roi.
And then I got it.

Nang magdapit hapon na, naisipan na namin bumalik.
Naka 29 din kaming isda na nahuli.

Nag enjoy naman ako kahit papaano, hindi lang talaga maganda yung pakiramdam ko.

Pagdating namin ng Resthouse nakita ko nanaman yung nakakatakot na tingin saakin ng Lola ni Roi.

"Roi akyat na muna ako ah." Paalam ko dito . Para akong hihimatayin, sobrang sama ng pakiramdam ko.

Pag akyat ko, agad akong naligo at nagbihis ng damit, malagkit kase sa balat yung hangin sa dagat.

After kong maligo, binlower ko yung buhok ko. At Dahan dahan akong humiga.

Maya maya pa narinig ko yung katok sa labas ng pinto ng kwarto ko.
Binuksan ko ito and tumambad sakin yung maid nila na may dalang pagkain.

I Fell Inlove With A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon