Chapter 21: Woobin's Death

5 2 0
                                    

Siera's POV

Nang mapansin nila ako, sinalubong agad ako ng sabunot ni Ate Suryeon. Nanggagalaiti ito sa galit.

"Aray ko ate *sob*." Tuloy tuloy lang yung Pag iyak ko samantalang si ate Suryeon di parin binibitawan yung buhok ko.

"Walang hiya ka! Tagal ko ng nagtitimpi sayo! Tapos ngayon dadating ka dito na parang wala lang?!"

"Ate Suryeon tama na po!" Pagpigil ni Wooyoung na magang maga nadin yung mata kakaiyak.

Para akong nawalan ng lakas, hindi ko maintindihan nararamdaman ko nang makita ko si Wooyoung, I feel like this is all my fault.. nakokonsensya ako sa lahat.

Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak at indahin ang sakit ng paghila ni ate Suryeon sa buhok ko.

"I said stop!" Malakas na sigaw ng Principal.

"Magkaroon naman kayo ng respeto sa pamangkin ko! Tingin niyo ba natutuwa siyang nag rarambulan kayo Jan?!"
Tyaka niya lang nabitawan yung buhok ko, bagsak naman akong napaupo sa lapag.

Nilapitan ako ng umiiyak na si Wooyoung, she hug me so tight.. sobrang sakit ng nararamdaman ko, lalong Lalo na para kay Wooyoung.

Woobin knew all of this, alam niyang mangyayari ang lahat ng to.
I just feel like parang responsibilidad ko ang lahat, sobrang bigat sa dibdib.

Kase alam ko e, alam ko yung black envelope.. pansin ko lahat lalong Lalo na yung mga habilin niya saakin.
Pero bakit binalewala ko lang?.

Woobin.. please..

Walang tigil ang mga mata ko sa kakaiyak.

"I'm sorry.. I'm sorry Woobin" I whispered as I cried my lungs out.
And suddenly everything went black.

Nagising nalang ako na nandito na ako sa loob ng kwarto ko.
Nilibot ko ang paningin ko and I saw my mother, she's crying while holding my hands.

"Mom..." Nanghihina kong banggit at tuluyan nanaman akong napaiyak, agad Kong tinakpan yung bibig ko para hindi mapalakas yung iyak ko.

I can't forgive myself sa lahat. Parang gusto ko nalang ding mawala, Woobin why is it have to be like this?.

Please give me answer for all of this, hindi ko kakayanin.. wala na akong lakas para bumangon pa ulit. Bakit pakiramdam Kong pasan pasan ko lahat ng responsibilidad sa pagkawala mo?.

Paulit ulit pumapasok sa isip ko kung paano ko nasaksihan yung pag tumba mo sa nag nenyebeng lapag. Kung paano kumalat ang dugo mo sa paligid ko.

I can still remember your face at kung paano mo punasan ang luha ko.

Napabangon ako bigla at napasabunot sa sarili ko, i started to hurt myself kaso hindi ko na maramdaman yung sakit. Mas masakit yung nararamdaman ko dito sa puso ko.

Nataranta si Mommy at niyakap ako ng mahigpit.

"Anak please stop" she's crying.

"Mom.. I'm scared, I'm so scared mom" hagulhol kong sabi, nanginginig nadin yung boses ko.

"Honey look at me!, look at me" Sabi ni Mom habang nakahawak sa dalawang pisngi ko.

"Hindi mo kasalanan to, wala kang alam sa pinagdadaanan ni Woobin, I know na sobrang hirap tanggapin dahil ikaw mismo ang nakasaksi ng lahat. But anak, tingin mo matutuwa si Woobin na nagkakaganto ka?. Paano na kami ng Daddy mo?, si wooyoung?."
Napatigil ako sa pagbanggit ni Mom ng pangalan ni Wooyoung , and suddenly naalala ko yung sinabi ni Woobin saken.

"Tingin ko kase, hindi na ako magtatagal sa mundong to, if that time will come.. please stay by her side, don't leave her... Listen to her and comfort her"

Kailangan kong magpakatatag para Kay Wooyoung, dahil ayun ang habilin saakin ni Woobin.

I just cried the whole day, hinahatiran lang ako ni mommy ng pagkain, ilang subo lang din ng kutsara ang kinakain ko. Para akong natraumatized sa mga nasaksihan ko.

Woobin keeps appearing into my mind, hindi sya mawala wala sa isip ko every seconds. Kahit na anong try ko manood ng ibang video na maaliw ako, I always ended up crying.

Hindi na din ako pumapasok sa school 1 week na akong nakamukmok sa kwarto ko. I didn't even try opening my inbox cause I saw 25 messages from different people. Pati 18 missed calls ni Roi.

Narinig kong may kausap si Mommy sa baba.

"How is she tita?"

"Ganon pa din eh, nag alala na ako.. hindi din sya nagsasalita kapag kinakausap ko. 1 week na syang ganyan."

"I have to talk to her."

"Go, I think she needs you."

Sabi ni mommy kay Roi. Tumayo ako agad sabay sinarado at nilock ang pinto ko bago pa makapasok si Roi.

I'm not ready, I just wanted to be alone.

"Siera, we need to talk... I wanted to see you are you okay?. Siera please you need to be strong, we need you.. Wooyoung needs you." Di ko nanaman napigilang maiyak pagrinig ko ng pangalan ni Wooyoung.

Rinig ko ang mahinang pag hikbi ni Roi sa labas ng pinto ng kwarto ko.

Napatakip ako ng bibig nang magsimula akong mapahagulhol sa sakit ng nararamdaman ko.

"Go away! Please!" Sigaw ko.
Maya maya pa rinig ko yung pag alis ni Roi habang umiiyak ito.

I just cried hanggang sa dumating ang hating gabi na hindi ako makatulog.

Tumayo ako at tumingin sa bintana ng kwarto ko. I saw the Moon, sobrang ganda at sobrang liwanag, napapalibutan ito ng mga stars.

"Bin.... Nawala ka ng.... ng hindi ko man lang nasasabi sayo yung nararamdaman ko. I like you a lot and it hurts me so much. Para akong mababaliw sa lahat ng nasaksihan ko."

Napatalon ako sa gulat nang bumagsak yung Incense album na nasa cabinet ko, idk pano nahulog, eh secured na secured yung pwesto non sa cabinet ko.

For the first time na hindi ako nakaramdam ng takot. Inilibot ko yung paningin ko Pero wala naman akong nakikita.

Bago ko isarado yung bintana ay sinalubong ako ng malamig na hangin galing sa labas, napatingin ako sa buwan.

I smiled.

"Thank you for listening Moon...Bin."

I Fell Inlove With A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon