Siera is just an ordinary student in Hanlim Multi Art High School.
One day in a cold season, she witnessed the tragic death of a Senior Highschool heartthrob named Woo Bin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SIERA's POV
Para kaming walang buhay ni Roi, pagod na ang katawan at mata ko. Pagod na pagod na ang kaluluwa ko.
Magulo at punit ang jacket ni Roi dahil sa pananakit ko. Inilabas ko lahat ng galit at lungkot sa puso ko.
Ngayon naglalakad kami palabas ng Hanlim, habang ako hawak hawak ko siya sa jacket Niya.
Para kaming mga kaluluwa na naglakad. Hinayaan lang ako ni Roi na saktan siya, hinayaan Niya akong sumigaw at umiyak at isumpa siya.
He's willing to surrender to the police. Sumuko na si Roi.
He said na ayaw nya at pagod na siyang sundin ang mga utos ng Dad niya, dahil kahit anong gawin Niya hindi parin nakikita nito ang halaga Niya bilang anak.
But I still don't forgive him, I closed my eyes at wala na talagang luhang lumalabas sa mga mata ko.
Paglabas namin ng Hanlim, tumawag ako sa police.
Ilang minuto kaming nakatayo at hindi nag uusap, hanggang sa dumating na yung mga police.
Parang sandaling huminto ang mga oras, lumabas ang mga police dala dala ang kanilang mga Baril.
Roi raised his hands sign na sinusurrender Niya na ang sarili Niya. Binitawan ko ang pagkakahawak sa jacket Niya at umatras.
The police arrest him.
Roi looked at me.
"Siera... I'm sorry." At pilit niya akong binigyan ng malungkot na ngiti. Tiningnan ko lang siya ng walang ekspresyon. Hanggang sa naipasok na nila si Roi sa kotse.
"Miss okay lang po ba kayo?"
"Miss need nyo po ba dalhin sa hospital?"
"Miss we'll call an ambulance." Agad akong umiling iling. Para akong nawalan ng kaluluwa, nanghihina ang buong katawan ko at drained na drained na ang utak ko.
Hanggang sa nakita ko nalang ang sarili ko na mag Isa sa gilid ng kalsada. Ramdam ko ang mahinang hangin na dumampi sa mukha ko. Pumikit ako para pakiramdaman ito.
Woobin..
Tapos na...
Tapos na ang lahat.
Naibigay ko na ang hustisya na nararapat para sayo. Natupad ko na ang goal ko.
Bin.... Sana maging masaya ka na..
"Woobin. Mahal na mahal kita." Mahina Kong bulong, hanggang sa tuluyan ng dumaloy ang mga luha sa mga mata ko.
Bumalik ako ng school at pumunta sa likod ng main building. Umupo ako sa bench na madalas na inuupuan ni Woobin.
I keep remembering his face, and my memories with him.
"I will miss this place."
Inabot ako 10pm sa bench na yon. Umaasa kase ako na baka bigla ko nalang siyang makita ulit.
I smiled sadly.
"Siera.. its's over."
AFTER 2 WEEKS
"Siera!! Darling!" Tawag saakin ni Mommy.
"Yes mom wait lang po!" Sigaw ko, after kong mag make up agad akong bumaba.
"Akala ko may lakad kayo ni Wooyoung today?"
"Yes mom, mauuna daw si Wooyoung kase may bibilhin pa siya, okay lang Yun kasama naman Niya si Suho." I kissed my mom habang nagluluto ito.
Btw nauna na pala si Daddy sa New York para asikasuhin yung application ng work niya duon.
"Mommy I'm gonna go na po, see you later!" Sigaw ko.
"Teka di ka pa kumakain!" Agad akong tumawa at tumakbo palayo.
May hangout kase kami nila Minhyuk, Suho at Wooyoung.
Nang makarating ako sa park na pinagplanuhan namin puntahan ay di ko sila makita kaya umupo muna ako ng bench.
Chinat ko si Wooyoung kung nasaan na sila.
"Siera!" Rinig kong boses ni Wooyoung, inangat ko yung tingin ko and I saw Suho at Wooyoung waving at me.
Ang gaganda ng mga ngiti nila, I smiled back at them at lumapit sakanila.
"Where is Minhyuk?" Tanong ko.
"Speaking of Minhyuk, he's here!" Ngiting banggit ni Wooyoung.
"Wow dude, bagong gupit ah. Bagay sayo yan pogi mo lalo." Bungad ni Suho at inakbayan si Minhyuk .
Agad kaming pumunta ng circus at naglaro, sumakay ng roller coaster at kumain ng mga street foods at candies.
"Grabe ang tamis nyo naman masyado!" Reklamo ni Minhyuk dahil sinusubuan ni Suho si Wooyoung.
"Inggit ka, ayan oh si Siera single yan." Sabi ni Wooyoung. Nagulat ako ng akbayan ako ni Minhyuk.
"Ready ka na ba babe?" Napatawa ako dito.
"Walang chemistry dude." Sabi ni Suho. dahilan para magtawanan kami.
Nang sumapit ang 5pm naisipan naming pumasok ng restobar at mag inom.
"Cheers!!" Sabay sabay naming Sabi .
"Bessy... Sure ka na ba sa pag puntang New York?" Tanong sakin ni Wooyoung.
Napa buntong hininga ako uminom ng Beer.
"Yes.. sure na sure na ako HAHAHA, I think I really need it. Hindi ako makakamove on kapag andito padin ako."
"So this will be our last bond together?" Sabi naman ni Minhyuk.
"Hmmm. After a yearss babalik din ako walang magbabago ah. Ang magbago pangit!" Sabi ko.
"Pano Pag ikaw ang magbago?" Sabi ni Suho.
Natawa tuloy ako.
"Edi ako ang pangit!" Nagtawanan kami at nag cheers ulit.
"For Siera!" Sigaw ni Suho, at nag cheers kaming apat.
I looked at them while they are laughing, I'm gonna leave this place tomorrow. I will miss them so much.
Tumayo si Wooyoung at pumunta ng stage, kinausap niya yung singer ng band.
"She's gonna sing." Ngiting banggit ni Suho.
"Hello everyone mic check!" Nagtawanan naman kami. Ang cool talaga ng Bestfriend ko.
"This song is for my Bestfriend Wooyoung and for my late brother Woobin. Thank you so much for being with me. Siera kita tayo ulit ah! Promise yan! I love you my Bestfriend!."
Tuluyan na akong napaluha.
I mouthed the word 'i love you so much Wooyoung" and smiled and waved at her.
"Nakakaselos naman!" Singit ni Suho kaya nagtawanan kami.
Patuloy sa Pag agos ang luha ko habang kumakanta si Wooyoung. I really love her voice.
Sana si Suho at Wooyoung na talaga, I will be happy Pag nagkaroon na din ng partner to si Minhyuk.
Masaya akong nakikita silang masaya.
Woobin pangako ko sayo, magkaiba man ang ating mundo, mamahalin padin kita hanggang sa aking huling hininga.
Magiging masaya ako, pipilitin kong mabuhay ng masaya para sayo. Mananatili ka sa puso ko magpakailan man.