Siera's POV
Tahimik kaming naglalakad habang inaalalayan ko si Minhyuk.
"Saan ba banda yung clinic dito?" tanong ko habang akay akay siya sa balikat.
"Malayo layo pa, upo muna tayo dun" sabi niya at tinuro yung mga bench sa malawak na field sa harap ng Main Building ng Hanlim.
Nang makaupo na kami nilabas ko kaagad yung cotton buds ko sa bag para linisin yung sugat niya sa mukha.
"Hindi na, okay lang ako" sabi niya nang makitang naglalabas ako ng cotton.
"Kailangan malinisan at matakpan yan para hindi mainfection" sabi ko.
Wala naman syang nagawa kaya hinayaan nalang niya ako. Habang nililinis ko yung sugat niya napansin kong parehas kami ng nameplate design pati ng uniform hindi tulad duon sa mga bullies na yon.
"Anong year mo na?" tanong ko. "Grade 10" sagot niya habang nakatitig to ng diretso saken, nailang tuloy ako bigla.
"Ahh.. same lang pala tayo, bakit pala iba yung itsura ng uniform ng mga bwisit na yon?" sabi ko na halatang gigil na gigil talaga ako.
"Mga grade 12 na sila,Hindi mo ba sila kilala?"natapos ko ng linisin yung konting galos niya sa mukha kaya pinasok ko na sa bag ko yung cotton.
"Oo e, kalilipat ko palang transferee ako sa school na to" napalunok naman to at halata sa mukha niya na gulat na gulat siya.
"Kaya pala ang tapang mo, akala ko nasa mataas na posisyon din ang mga magulang mo sa school na to o may connection ka sa Director ng school." sabi niya na parang nag aalala siya saken.
"Si Woo yeon yung pinaka kinakatakutan na studyante ng Hanlim, magaling siya sa taekwondo at madami din siyang connection.. nirerespeto siya ng lahat kase siya yung anak ng director ng Hanlim. Si Woo Bin naman ay yung pinsan ni Woo Yeon." ahh kaya pala...
" Di sa pagiging chismosa ah,e sino naman yung mga kasama ng Woo Yeon na yon at bakit parang ang lalim ng galit ng mag pinsan na yon sa isa't isa?" tanong ko na napatawa siya.
"Di ka pa chismosa sa lagay na yan ah?" sabi niya habang nagpipigil ng ngiti.
"Si Woo Yeon, Jack,Joon,Suho at Woobin, sila yung magkababata at matatalik na magkaibigan noon, kaso hindi ko alam anong pinag mulan ng pag aaway nila, malaki yung galit ni Woo Yeon kay Woo Bin yun lang alam ko."
"E bakit ka pala binubully ng mga gago na yon?"
"Hindi ako sigurado pero sa tingin ko may connection sa business ng parents ko" sabi niya habang nakatingin sa malayo.
"Bakit hindi ka magsumbong sa parents mo?" hindi na siya sumagot and the bell rang, signaling that it was time for class, so we decided to go inside.
Argghh! That three jerks ruined my day!
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With A Ghost (COMPLETED)
FanfictionSiera is just an ordinary student in Hanlim Multi Art High School. One day in a cold season, she witnessed the tragic death of a Senior Highschool heartthrob named Woo Bin.