Siera's POV
Napayuko tuloy ako bigla ng makita kong nakatitig yung babaeng nasa gitna, nakakatakot ang aura niya parehas na parehas sa Woo Yeon na yon.
Lumapit ito sakin at dahan dahan hinawakan yung necktie ko,
"hmm... wag ka mag alala di kita sasaktan, magpapakilala lang ako" sabi nito at ngumiti sakin, mahahalata mo kung gaano kapeke yung ngiti niya.
"I'm Zian Park, my parents are the business partners of Woo Yeon's dad which is the Director of Hanlim Multi Art High School, and let me tell you a secret..." sabi niya at mas lumapit pa saken.
"Woo Yeon and i are already engaged" bulong nito at lumayo sakin.
Umatras ito at ngumiti. "So next time na makita kong dumidikit ka nanaman sa boyfriend ko... humanda ka" pagbabanta niya kasabay ng pagbago ng expression niya na halatang nagpipigil ng galit.
At sabay sabay na silang lumabas ng cr, nakahinga ako ng maluwag at umupo.. shet, sinasabi ko na nga ba. Unang araw palang nakapag cutting na ako sa first subject ko.
Nakarinig ako ng sunod sunod na yapak papuntang cr and it was Woo Young.
"Omg girl! okay ka lang? May naririnig akong mga chismis totoo ba yon?" sunod sunod nitong tanong at tinulungan akong tumayo.
"Ako kinakabahan sayo e? bakit mo naman kase sinipa si Woo Yeon? yung ano pa talaga yung sinipa mo ha?. Bilib ako sayo te ang tapang mo" parang lumulutang na yung utak ko habang nagsasalita itong si Woo Young.
"Okay ka lang ba tlaga?" pag aalala nito habang naglalakad kami at akay akay niya ako sa braso.
"Oo okay lang" pag papanggap ko.
"Tara samahan mo ako, kakain na muna tayo para may lakas tayo later, P.E na ang next subject." P.e pa talaga jusq ha?.
Kanina pa ko natutumba sa panghihina ng tuhod huhuhu. GUSTO KO NG UMIYAAAK!.
Nang makarating na kami sa Cafeteria ay nakita namin agad si Choi Minhyuk kasama niya sa table si Woobin?! at andun din yung isang lalake, may kasama din silang magandang babae.
Shet simula ng pagpasok ko ng school na to hindi na nawala yung kaba ko.
Una kaba dahil sa excitement sunod takot, tapos kaba dahil sa pag aalala ng future ko sa school na to. Shuta naman lord!.
"Kuyaaaa!" sigaw ni Woo Young at umupo sa harap ni Woobin. WHAT?! KUYA?.
Grabe naman atang coincidence to? Nang makalapit na ako nakatitig saken tong pogi, at yung nakalagay sa name plate niya is Han Suho.
Yung titig na parang amazed na amazed siya sa nakikita niya. Bigla itong tumayo at lumapit sakin at pinag hila ako ng upuan.
"Salamat" sabi ko ng nakangiti at umupo na. Bumalik si Suho sa upuan niya.
"Bes si kuya Woo Bin nga pala, kuya si Siera bestfriend ko" sabi niya at niyakap ako sa braso, lawak na lawak yung ngiti niya. Samantalang tumingin lang sakin si Woobin at napansin ko yung pag ngiti niya ng konti.
"Siera si Ate Suryeon bestfriend din ng Kuya ko" ang amo at ang bait ng mukha ni ate Suryeon, ang ganda ganda niya.
"Hi Siera, unang kita ko sayo kanina sa labas ng Building A, gustong gusto ko na agad yung personality mo" sabi nito habang nakangiti siya, napaka hinhin ng boses niya, babaeng babae, wala tuloy ako naimik kase nahihiya padin ako sa eksena kanina.
May lumapit samin na tatlong babae.
"Hi Woobin oppa para sayo oh" kinikilig at ngiting ngiti na sabi ng dalawang babae sabay abot ng nesquick chocolate drink kay Woobin.Ngumiti naman ng malawak tong si Woobin at nagpasalamat sa dalawang babae, infairness ngayon ko lang napansin na sobrang pogi pala ng kuya ni Wooyoung lalo na pag ngumiti, di ko namalayan nakangiti nadin ako shet.
Siniko naman ako ni Wooyoung na parang natatawa siya sa itsura ko
"Uy baka matunaw ang kuya ko" pang aasar nito."Suho oppa.." sabi nung isang babae at inabot kay Suho yung chocolate drink then love letter HAAHA cutee. Nginitian to ni Suho.
"Thank you" sabi nito at kinindatan yung babae dahilan ng pagtitili ng tatlong babae habang tumatakbo paalis.
"Ay! si Suho pala, bestfriend ng kuya ko, mukha lang babaero pero mabait yan hehe" and he raised his hands habang nakangiti ng malawak saken..
"Mgaa heartthrob ng Campus tong mga to kaya proud na proud ako sa pogi ko na kuya eh!" true te, ang pogi niya lalo na kapag ngumingiti siya!
"Grabe Siera idol na talaga kita sa ginawa mo kanina" sabi nitong si Suho.
"Speaking of the Devil" bulong ni Woo Young.
Pumasok yung tatlong unggoy sa Cafeteria kasabay ng pagtili ng mga babae. Nagtataka ako hindi ba sila natatakot sa presensya ng mga to?
Huminto itong tatlong lalake sa harap ng table namin.
Nilabas ni Jack yung phone niya at akmang pipicturan kami."Wow! HAHAHAHAHA ganda nyo tingnan jan, ngiti naman kayo! " sabi nitong Jack na akala mo'y nakadrugs sa kinikilos niya.
Tumayo naman si Suho at hinablot yung cellphone ni Jack para idelete yung photo.
Sabay hinagis to pabalik muntik ng hindi masalo.
"Tangina mo ah" galit na sabi ni Jack matapos saluin yung cp at akmang susugudin si Suho, pero inangat ni Woo Yeon kamay niya senyales na tumigil na sila.
Nakatitig lang si Woo Yeon kay ate Suryeon at di mo mabasa kung anong nasa isip nito kase blanko yung itsura niya, samantalang parang hindi niya ako nakita sa pwesto ko, at nagpapasalamat ako ng sobra.
Ilang minuto siyang nakatitig kay ate Suryeon at halata mong naiilang nadin si Ate sa mga titig niya.
"Anong kailangan mo?" tanong ni Woobin kasabay ng pagtayo niya sa upuan. Pero si Woo Yeon nakatitig parin kay ate Suryeon. Shet may nabubuong hinala sa isip ko.
Nilipat niya yung tingin niya kay Woobin, at tinapik ito sa balikat ng tatlong beses na parang winawarningan siya. Sabay umalis na silang tatlo. Bwisit talaga yung mga yon.
"Mga walang magawa sa buhay, pinagsisisihan ko talagang naging pinsan ko yon" pangigigil ni Woo young.
Nakatayo parin si Woobin habang nakakuyom ang kamao. Gulat ako nang hawakan ni ate Suryeon yung kamay ni Woobin.
"Hayaan mo na, intindihin mo nalang" omgggg ang dami kong gusto malamaaann.
Huminga ng malalim si Woobin at tumingin sa taas sabay umupo na sa harap namin. Namayani tuloy yung katahimikan.
"Minhyuk, okay na ba yung sugat mo?" pagbabasag ko ng atmosphere.
"Ah, okay naman na" sagot niya, inabutan ko siya ng band aid para palitan yung nakalagay sa mukha niya.
"Salamat" dagdag niya.
"Hala anyare ba? ginulpi ka nanaman ba ng mga bwisit na yon?" tanong ni Woo Young.
"Ito oh, gamitin mo din to, sa susunod Woobin wag mo na hayaan may masaktan nanaman si Woo Yeon." sabay abot ni Suryeon ng pang linis ng sugat kay Minhyuk.
"Salamat ate"
"Hindi ako tatay niya para disiplinahin siya" sagot ni Woo Bin.
"Pero ikaw lang makakapigil sa mga kalokohan na ginagawa niya" dagdag pa ni Ate.
"Kung iuutos mo susundin ko" sabi pa ni Woobin na nagpatahimik ulit samin.
"Uy? hahahaha, btw Siera ano oras ka free mamaya?" tanong ni Suho at bumalik nanaman yung ngiti niya kanina.
"Ah hindi ko alam e, nasa bag ko yung sched ko."
Hindi ko na natapos yung pagkain ko dahil nag ring na yung bell hudyat na next class na..
Kaya naisipan na namin bumalik na sa room para magbihis.

BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With A Ghost (COMPLETED)
FanfictionSiera is just an ordinary student in Hanlim Multi Art High School. One day in a cold season, she witnessed the tragic death of a Senior Highschool heartthrob named Woo Bin.