Chapter 2

161 5 1
                                    


"Saan mo naman nakuha ang lakas ng loob na tawagan ako?!" Supladang bungad ni Hailey sakin. Iginiya ko ang katawan ko patungo sa kama at nahiga. Pumikit ako saglit at mahinahong idinampi ang cellphone sa tenga ko.

"Pwede ba?, kahit 5 minutes lang kausapin mo naman ako ng maayos. Yung walang halong galit at inis?" I suggested. Masyado na yata siyang high blood ngayon. Baka ma stroke pa siya kaka-isip sakin. Ako pa ang masisisi dahil ako ang last call niya.

"Paanong hindi ako maiinis at magagalit sayo? Did you think mapapatawad pa kita, sa ginawa mo kay Vivien?"

"Here we go again, talking about her. Gaano ba siya ka importante at hindi niyo siya malimutan? Come on people, it's already 2 months!"

Napahilot ako sa sentido ko matapos sabihin iyon. Hailey Pryl Buenaventura is fearless. I'm afraid masira pa ang career niya dahil sa attitude niyang hindi ko maintindihan. Spoiled br*t naman kasi. She came from a wealthy family. Lahat ng hinihingi niya, nakukuha niya. At ngayong, artista na ganon parin siya.

"It's already 2 months and the wounds still there. So tell me, how to move on?" Narinig ko ang peke niyang pagtawa sa kabilang linya.

"Oo nga naman, hindi mo nga naman pala itinuring na kaibigan si Vivien!"

"You're wrong!" I hissed.

"No! You're wrong! Dahil diyan sa kalandian mo, kinalimutan mong kaibigan natin siya! You've chosen to forget our friendship para lang sa l*ntik na lalaking yan!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang sabihin niya iyon. Her words hit me. She'll never understand me, kasi hindi siya ang nasa posisyon ko. She'll never understand where my hearts pounding to. Kasi hindi niya pa nasubukang magmahal ng totoo.

"That's why naiisip ko laging napaka-biased mo!"

"Biased saan?"

"Mas gusto mo naman talaga si Vivien kesa sakin. She's more important than me!"

"And yeah, maybe you're right! Nakikibagay lang ako sa mundo niyo!" Dagdag ko na ikinatahimik niya sa kabilang linya.

Mabilis kong p*natay ang cellphone ko at napapikit nalang sa nangyayari sa paligid ko. Everyone blame me for what happened to her. Sa paningin nilang lahat ako ang masama. Hindi ko na alam kung saan ako makikibagay. I'm exhausted by the taughts, that no one would ever be in my side. At ako lang mag-isa ang lalaban para sa sarili ko.

I was still lying on my bed when suddenly a maid approaches me. May bitbit siyang folded letter at hindi ko alam para saan iyon.

"Anong kailangan mo?" I started asking her.

"Darating po dito mamaya sina sir Zacheo at ang asawa niya."

Umirap ako sa kanya. I didn't know who's Zacheo is. Maybe, a friend of them or a relatives?

"And?"

"Magbihis raw po kayo, dahil sasalubungin niyo po sila mamaya sa baba."

Napabangon ako sa pagkakahiga ko at namewang. Hindi ko alam kung sino ang bisita nila at kailangan pa talagang kasama ako. Hindi rin naman nila ako itinuring na pamilya nila. They even left me behind sa tuwing may family gatherings sila. Nakakapagtaka at ngayon ay kasali na ako.

"Seriously? You'll wear that?" Napatanga ako ng tanungin ako ni Lucas. Nakikita ko ang pagkadisgusto niya sa suot ko. Nagsuot lang naman ako ng tattered baggy pants atsaka puting crop top.

"What's wrong?"

"Geez, san ba punta mo?"

"Sabi mo sa baba?"

His Obsession (Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon