Chapter 7

119 5 0
                                    

Padabog akong umupo sa kama. Laman parin ng isip ko ang mga nangyari kanina. Kung bakit ito ginagawa sa akin ni Zacheo at kung bakit sa lahat ng pwede niyang kidnapin at gahasain ay ako pa.

I bit my nails at nag-isip ng mga paraan upang makatakas rito. Hindi ako papayag na gawin niya sa akin ang mga masama niyang balak.

Inakala niya yata na hindi ko sineseryoso ang mga ganitong bagay. He kidnapped and raped me. Malaki ang pananagutan niya dahil sa kabaliwan niya.

"Eat!" Tipid niyang utas sa akin pagkatapos iabot sa akin ang inihanda niyang pagkain. Hindi ko naman tinanggap iyon imbes ipinukol ko nalang ang tingin ko sa malayo.

"I'm not hungry!" Wala sa mood kong sagot.

I want him to free me. Hindi ko kaya ang ganito.

"Eat or you'll live here forever?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Iyon bang titig na tila papatay ng tao.

"Pakawalan mo'ko!" Giit ko.

He chuckled in annoyance.

"Sino ka ba sa tingin mo?"

"At sino ka rin sa tingin mo? Para ikulong ako na parang ibon sa hawla na pinapakain mo lang kapag nagugutom."

Pabagsak niyang inilagay sa bed side table ang pagkaing bitbit niya at namewang paharap sakin.

"Magpasalamat ka nalang at pinapakain pa kita!" He said in a sarcastic tone.

I laugh sarcastically when he let out those words from his mouth.

Parang kasalanan ko pa na kinidnap niya ako. Hindi ko naman siya inutusan.

"Talaga? Thankful pa ako nyan? As if ginusto kong magpa-kidnap sayo!"

"Pwede ba? Kumain ka nalang? Don't make me forced my self again to punish you!"

Ramdam ko ang pagtagis ng bagang niya. Bumakat rin ang mga ugat niya sa kamay niya. Napalunok ako at iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Galit na naman siya.

"Just let me go! Mamatay man ako rito, hinding-hindi ako kakain!" I lied.

Kahapon pa ako hindi kumakain at talagang gutom na ako. Tinitiis ko nalang talaga dahil sa pride ko.

Hangga't maaari ay pipigilan ko munang kumain hanggang sa magsawa na siya sa kaartehan ko at baka ay pakawalan niya na ako.

"As you wish..." He said and then turn his back on me.

Padabog niyang isinara ang pinto at naiwan akong nakatulala rito sa silid niya.

I bit my lips when I felt my tears were about to fall. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. I missed Lucas so much. Kung isinama niya lang ako sa tagaytay, ay hindi na sana mangyayari sa akin ito.

Bumigat bigla ang dibdib ko nang maisip kong nagsasaya na pala siya roon. For sure, nakalimutan niya narin ako.

I wiped my tears and pushes myself to the veranda. Sa pagkaka-alam ko ay hindi naka-lock ang glass door doon dahil napansin kong pabalik-balik roon si Zacheo kanina. Palaging nakasara ang kurtina nun kaya hindi ko makita kung ano ang meron sa labas.

"Ang tanga niyang mangidnap! Anong akala niya hindi ako makakalabas rito? He didn't even lock the glass door of his veranda. Ang bobo niya!" Bulong ko sa sarili ko.

Hinawi ko ang itim na kurtina at binukas ang glass sliding door para tunguhin ang veranda ng bahay.

"W-wait..."

His Obsession (Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon