Chapter 19

67 3 0
                                    

Mabilis akong nagbayad sa driver at bumaba sa taxi ng matanda. For pete's sake, ten minutes na akong late.

Ano nalang ang sasabihin nila? Na I'm very unprofessional pagdating sa trabaho ko. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang yata naranasang ma late ng ganito ka tagal. And it's because of Craig.

Tumakbo ako papasok sa Foto Trendz Corporation at pumasok sa punuang elevator.

Ang kanina'y maingay na mga tao sa loob ay natahimik. Napapansin ko pa ang pagsilay ng mga ngiti nila sa labi.

"Hola señorita Elle, buenos dias," bati sa'kin ng isa sa mga empleyado ng kompanya.

I smiled as I can, not to make my image bad to them. Kilala nila ako dahil matagal rin akong nagtratrabaho rito bilang model ng mga photography nila.

Pinahid ko ang pawis na tumatagaktak sa noo ko at umatras sa pinaka-sulok upang magretouch.

Nang matabunan ng mga empleyado, inilabas ko agad ang face powder at lip gloss para mag-ayos.

Sa 15th floor pa ang labas ko kaya mataas pa ang oras ko para makapag-ayos ng sarili. Binaba ko ang skirt ko ng mapansing tumataas na pala ito.

Nag spray rin ako ng pabango na bigay pa sa'kin ni Craig kagabi noong lumabas kami para kumain sa isang mamahaling restaurant.

I quickly run outside after I heard the elavator open. Sa pasilyo palang ay halos talunin ko na ang ilang distansya upang marating kaagad ang silid kung saan gaganapin ang photoshoot ko.

Maingat kong pinihit ang door knob at pumasok sa loob.

"Lo siento, llego tarde," pagpaumanhin ko nang makaharap ko ang photographer.

Halos kanina ay mainit ang ulo niyang kinakausap ang mga staff, ngunit ng makita ako ay nag-iba agad ang timpla ng itsura niya.

He smiled. "Está bien Elle." Binalingan niya ng tingin ang assistant make-up artist. "Rita, por favor ayúdala a prepararse para la sesión de fotos." Aniya na ang ibig sabihin ay tulungan raw ako sa pagprepare para sa photo shoot.

Agad na tumalima ang babae at iginiya ako sa changing room. Nilapitan agad ako ng personal assistant ko at iniabot ang damit na susuotin ko.

It was a leather brown button down jacket with a pair of fitted cropped top checkered tube. And a black leather above the knee skirt that will surely hugs my skin well.

After I changed my clothes, I immediately walk towards Rita, who's busy preparing the makeup kit.

Umupo ako sa swiveling chair at humarap sa salamin. Lumapit naman agad siya at sinimulan na ang pagme-make-up sa'kin.

"Where's Maybelle?," referring to a person who's usually gumagawa ng make-up ko.

"I've been calling her kanina pa pero hindi siya sumasagot, may sakit na naman yata," aniya, patuloy parin siya sa paglalagay ng foundation sa mukha ko.

I smiled. Good thing Rita was a filipino. Hindi ako masyadong mahihirapan sa pagsasalita ng Spanish dahil paminsan-minsan ay tinuturuan niya ako. And it was an advantage to me dahil may alam na ako sa pagsasalita kahit kunti palang ang nalalaman ko.

She knew how to speak both Spanish and tagalog dahil dito siya nakatira ng halos sampung taon. Kaya sa tuwing umaalis o wala si Maybelle ay siya ang nag-aassist sa'kin.

"Five minutes more and we'll start the photoshoot...," sigaw ng photographer, si Agustí.

Napairap nalang ako ng makatayo. Marunong naman palang mag-english, pinahirapan pa ako.

Tatlo kaming babae ang magiging modelo nila sa HOLAS at sa This Year's Face Trend magazine naman ay dalawa lang kaming e-fi-featured nila.

Inabot rin ng dalawang oras ang nakakapagod na pagpo-pose ko roon bago kami natapos.

His Obsession (Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon