Chapter 31

85 1 0
                                    

"Hmm?"

"Wala." Mabilis niyang tugon sa'kin.

Sinilip ko siya sa kama habang shinake ko ang nursing bottle ni Zhane. Siya naman ay pinadede na si Zeal at tinatapik-tapik ito sa paa.

"Bukas uuwi na muna ako..." I trailed off. Lumapit ako sa nakahigang si Zhane katabi ni Zeal at iniabot ang nursing bottle upang maka-inom na s'ya ng gatas.

Mabilis naman iyong tinanggap ng bata at dumede na. Pagkatapos ay tinabihan ko siya sa paghiga sa kama at tinapik-tapik rin ang paa niya upang makatulog na agad.

"Bakit?"

"Isasama raw ako ni Craig sa Mindanao," sagot ko naman.

"Mindanao?!"

Napa-igtad siya sa pagkaka-upo at mabilis akong hinarap.

Tumango ako. "You knew Jake?"

"Who's that?"

Tumikhim ako at iniwas ang tingin sa kanya.

"Your stepbrother."

"Yeah of course! Pero... what's with him?"

"Medyo close sila ni Craig eh... Kaya naki-usap si Chelsea na magpasama sa'min para suyuin si Jake." Paliwanag ko.

His brows furrowed. May kung ano'ng hindi kaaya-ayang narinig.

At sa timpla ng reaksyon niya, alam kong hindi niya nagustuhan, kung ano man ang nasabi ko.

"Who's Chelsea?"

"Pinsan ni Hailey, and to make the story short, medyo may away lang kaya tutulungan nalang namin... Kawawa naman."

"Ilang araw kayo dun?"

"One week."

"Holy fuck?!" Bulaslas niya.

Tinakpan ko naman ang taenga ko dahil sa sigaw niya. Narinig ko naman eh, hindi naman kailangang sumigaw. Heto't nagising ang mga bata.

"Lower your tone," saway ko sa kanya.

"Iiwan mo ang mga bata?"

"Anong iiwan? Babalik naman ako kaagad kapag tapos na kami sa agenda namin ron'"

"I think it's not a good idea. Magpaiwan ka nalang."

"Hindi pwede!" Pagtanggi ko. Ayokong ayawan si Craig at magtatampo na naman sa'kin yun'. I know his attitude. Hindi lang iyon basta magtampo.

Aabutin ng dalawang linggo bago iyon magpatawad.

At dahil magkaibigan kami. Ayokong paasahin siya. Lalo pa't naka-oo na ako sa kanya. Nakakahiya naman kong babawiin ko ang mga sinabi ko sa kanya.

"Bakit hindi?"

"Nag-usap na kami okay? Malaki ang naitulong sa'kin ni Craig at ayokong paasahin yung' tao!"

"Bahala ka nga sa buhay mo!"

Padabog siyang tumayo at padarag na isinara ang pintuan ng kwarto niya. Alam kong naiinis siya dahil sa mga sinabi ko.

Pero may magagawa pa ba siya? I already made up my mind. At isa pa, wala siya sa lugar na pagbawalan ako dahil hindi naman kami.

Oo, ama siya nina Zeal at Zhane. Pero kahit ganon wala naman siyang karapatan. Hindi kami mag on. Hindi kami magjowa at higit sa lahat, hindi kami mag-asawa.

He should know his place. Ayokong nangingialam siya sa buhay ko.

The next day, bumangon ako ng maaga at mabilis na naligo. Uuwi pa kasi ako sa bahay dahil ihahanda ko ang mga gamit ko para sa pag-alis namin patungong Mindanao.

His Obsession (Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon