Chapter 33

89 1 2
                                    

"Aren't you curious?"

"About what?" I asked Ariana back.

Tinabihan niya ako sa kama habang bitbit ang make up brush at palette niya.

"About the girl he impregnated," sagot niya.

I shrugged my shoulders at pabagsak na humiga sa kama.

Hindi rin naman ako interesado kung sino man ang nabuntis niya. As long as, mamahalin niya talaga kung sino man 'yun. Walang problema sa'kin.

As if ako ang bubuhay sa kanila, hindi naman.

"Kahit sino pa 'yon wala akong pakialam."

"Yeah, kasi may Zacheo ka naman na, mabuti naring' nakabuntis si Uriel para happy ending na kayo kasama nina Zeal at Zhane."

"And that will never happen," nakanguso kong utas sa kanya.

"Hindi ka sure sis'."

Inirapan ko s'ya bago tumayo upang umupo sa kama para maka-level siya.

"By the way, napadaan ako sa Slimmer kahapon," sambit ko.

"Oh, anong meron?"

Hindi niya ako tinatapunan ng tingin. Busy siya sa paglalagay ng kolorete sa buong mukha niya.

"I saw you with Kio."

"Who's that?"

"Ewan ko sa'yo. Kayo 'yung magkasama eh!" Palatak ko.

Napadaan kasi ako kahapon sa Slimmer kasi doon ang rota papuntang Cy, isang five star restaurant dito sa lugar.

Napag-usapan kasi namin ni Becky na doon nalang kami magkikita dahil ini-refer niya ako sa kakilalang photographer.

"Wala naman talaga akong kilalang Kio. Pero may naka-initan ako kahapon sa Slimmer... Kiseop raw ang pangalan niya. Parang tanga lang, ano siya koreano?"

Natawa ako sa sinabi niya. I know he hates his attitude.

Kahit naman ako ganoon rin ang magiging unang reaksyon kapag si Kio ang bumungad sa'kin.

Nagtagal lang ako ng ilang minuto sa pad ni Ariana bago pumara ng taxi pauwi.

"Saan ka galing?"

I rolled my eyes when I saw him sitting in my couch. Nakasandal siya sa head rest ng couch at nakapikit ang mga mata.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Don't ask me back. Ako ang unang nagtanong kaya sumagot ka ng maayos."

I sighed. "Fine!"

Hinubad ko na muna ang suot kong heels pagkatapos ay umupo sa pang-isahang sofa sa harapan niya.

I crossed my arms leveling my chest and crossed my legs before leaning on the head rest.

"Becky refer me to a photographer he knew," sambit ko.

Dumilat siya. "Lalaki?"

"Oo?"

"Are you asking me?!" medyo galit niyang tanong sa'kin.

Umubo ako. "Yes?"

"Huwag kang pumayag."

"At bakit hindi?"

"Para saan pa?" he asked. "May trabaho ka na, nagdagdag ka pa ng hustle sa oras mo."

"Hindi hustle ang tawag 'dun. Multitasking! Atsaka ano ba'ng pakialam mo? It's my life, at ako ang magde-desisyon kung ano ang ayaw kong gawin at kung ano ang mga gusto kong gawin!"

His Obsession (Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon