"Magkano?" Tanong ko sa matandang babae na nagtitinda ng mansanas sa gilid ng daan.
Papunta na ako sa hospital kung saan naka confine ang kapatid kong si Rico. Tumawag sa akin si Aliya kanina upang ibalita sakin na gusto raw ni Rico ng mansanas. Kaya naman nang masulyapan ko ang mga tindang mansanas ay hindi na ako nag atubili pa at bumaba na agad sa sinakyan kong jeep kanina.
"Kinse, isa!" Sagot niya naman sa akin.
"Kinse? Ang mahal ah! Ikaw ba mismo ang pumitas niyan?" Reklamo ko naman sa matanda sa harapan ko.
Napangiwi siya."Aba'y wala ng mura sa panahon ngayon! Lahat ng prutas ay nagsitaasan na ang presyo. Itong mansanas ko na nga lang ang pinakamura sa lahat ng nagtitinda rito!"
Suminghap ako dahil sa sinabi ng matanda. Mukhang nagsisinungaling lang naman yata siya eh para maka benta.
Umiling ako at kumuha ng pera sa bulsa ko.
"Dalawa nga!"
Binalot iyon ng matanda saka inilahad sa akin. Ni head to foot niya pa ako bago ako tinalikuran.
Ano nay? Sexy ba ako?
Napangiti nalang ako sa kabaliwan kong naisip. Epekto na siguro ito nang paghi-hysterical ko kagabi.
Napa-igtad ako nang marinig ko ang phone ko na nagri-ring. Nang mabasa ang nakasulat roon ay kumunot ang noo ko.
"Don't just call me, kung hindi ka rin naman makikipagkita sakin!" Nakabusangot kong giit sa kabilang linya nang masagot ko na ang tawag.
Narinig ko ang pagsinghap niya na nagpapikit sa mga mata ko. Bakit ba kapag gumaganyan siya ay nakokonsensya ako?
"Magpalit kaya tayo ng posisyon at nang maranasan mo ang sitwasyon ko ngayon?" Craig uttered in a soft but irritated voice.
"Pwede naman siguro, para naman yumaman din ako at maging sikat na artista!" Ani ko na itinawa niya lang.
"Akala mo naman, madali lang iyong gawin! Bukod sa araw-araw na pag-alis ko para sa shoot, lagi naman akong tinatawagan ni Ivy para sa photoshoot ko sa product namin! Alam mo yun? Nakakapagod!"
Umirap ako sa kawalan. " Who ordered you to do those things? Hindi naman ako ah!"
"Nagsasabi lang ako ng totoo dahil ini-easy mo lang yata ang pag-aartista, pagmomodel at ang pagiging CEO at the same time." Sagot niya sakin.
Well, I'm not. Bakit niya naman ba kasi ginagawa ang lahat ng iyon. Mayaman na siya at isang sikat ng model, pero bakit niya pa pinasok ang industriya ng pag-arte? To earn billions of profit kahit sobrang yaman na nila? I can't believe this man. Kaya ang daming naghihirap eh, kasi nauubusan na ng opportunity na makapagtrabaho dahil nasa kanila na ang lahat.
"Whatever!"
"Ang sungit mo ah! Kanina ka pa..."Giit niya sa mahinang boses.
I pouted. From the thought of we were friends pero ang layo ng agwat naming dalawa, makes me feels sick. Mayaman siya pero ako mahirap. Hindi ko alam na nag-e-exist pa pala ang ganoong klaseng friendship ngayon.
Me and Hailey were excluded. Ang inakala ko talaga noon magkaibigan kami. Now, I realized na napaka bias niya pala. Bagay talaga sila ni Vivien. A gold digger and a gold giver.
"Sorry, if you think me that way. I'm just tired and exhausted." I explained.
Sa tanang buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng sitwasyon. Sino pa ba ang masisisi ko kung hindi ang sarili ko lang. I put myself in this kind of situation, so there's no one to blame but me.
BINABASA MO ANG
His Obsession (Series #2)
RomanceZacheo Lloyd Monterde, a 27 years old bachelor, owns Monterde Publishing and MTD(Monterde Tough Drinks). He was obsessed of Charlotte Elle Francisco, without her knowing, she was his first love. He kidnapped and owns her when he saw her again and br...