Chapter 30

97 1 0
                                    

"Ganyan ka naman eh..." Zacheo trailed off when his head was facing the floor.

Hindi siya nag-angat ng tingin sa'kin. Natatakot na baka makita ko ang dismaya sa mukha niya.

"Sana ako nalang si Lucas." Mahina ngunit rinig kong sambit niya.

Nang mag-angat siya ng tingin ay napuno ng kuryosidad ang utak ko. His eyes was pulling off some curved emotions, he don't usually shown to me. Mabigat ang mga titig niya at ang namumuong luha sa mga mata niya ang dumaga sa dibdib ko ng tuluyan.

"Ano?"

"I've been wishing that. Alam mo kung bakit?"

Umiling ako at mahigpit na niyapos ang mga anak.

"Noong agawin mo siya kay Vivien, hindi ka nagdalawang-isip. I never saw guilt in your eyes..."

Tumigil siya saglit.

"Hinahabol-habol mo siya kahit ayaw na niya sa'yo at pinagtutulukan ka niya. Hindi mo siya sinukuan kahit sinaktan ka niya ng sobra. Hinahanap-hanap mo siya kahit hindi naman siya nag-aalala sa mga posibleng mangyari sa'yo. It's unfair...ang unfair para sa'kin. Ako yung mahal na mahal ka pero hindi mo manlang ako magawang ipaglaban kahit kay Sabrina. Kahit sinabi ko ng hihiwalayan ko siya...kahit pa mapatay ako ng ama niya dahil sa mga balak ko para sa'tin at sa mga anak natin..."

I gulped as I saw how his tears escaped from his eyes. His veins were showing again and his shoulders weakened.

Tinubuan ako ng hiya at konsensya. Hindi ko alam na ganon na pala ang naiisip niya sa tuwing naaalala ang pagsunod-sunod ko noon kay Lucas. Hindi ko alam na sineryoso niya pala ang mga ginawa kong pagsuko noong siya na ang minahal ko.

"Ang sakit mo ri'ng mahalin Charlotte...you always run and hid. You treated me differently. Iba kay Lucas. Iba sa kanya ang pagtrato mo sa'kin..."

Humahangos siyang lumabas sa silid at iniwan kami ng mga bata. Para naman akong natuod sa kinatatayuan ko habang karga ang dalawang bata sa magkabilang bisig.

I tried to sink what have just happened to our conversation. Sinubukan kong e-consume ang mga sinabi niya baka sakaling maintindihan ko ang hinaing niya at kung bakit nasaktan siya ng sobra.

Naramdaman ko nalang ang panghihina ng katawan ko. Saglit akong natulala bago naisipang ibalik ang mga bata sa play mat nila.

Nang gumabi ay hindi ko siya mahagilap. Ramdam ko ang biglaang pagkawala niya sa paligid na nagbigay sa'kin ng kaba. I know I hurt him so much.

Ako rin naman nasaktan. I just wanted to distance myself from him kasi iyon ang nakakabuti saming dalawa.

Siya narin naman ang nagsabi. Sabrina's father would kill him, if he knows, hihiwalayan ni Zacheo ang anak niya.

At ayokong mangyari 'yun. He's just so important to me at ayokong mapahamak siya.

"Speed!" Tawag ko sa binata na ngayon ay papasok na sa silid nito.

Lumingon siya sa gawi ko.

"Bakit?"

"Nakita mo si Zacheo?" I asked.

Umiling siya. "Siguro umalis. Hindi ko rin kasi napansin ang kotse niya sa garahe."

"S-sige salamat."

Matamlay ang mga balikat ko nang bumalik ako sa silid namin. I am thinking deeply. Hindi ko alam kung paano ko siya tatawagan, lalo pa't wala naman akong numero niya.

Sinubukan ko ring e-message siya sa instagram at facebook account niya pero hindi rin naman siya active.

I guess, nagpapalamig lang yata siya ng ulo niya.

His Obsession (Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon