"Ano ba Lucas?! What's wrong with you!"
Inis na inis ko siyang sinundan matapos ang tagpo kanina sa silid nina Sabrina at Zeo. Nandito kami ngayon sa kwarto niya. I will follow him wherever he go not until he'll talk to me. Kahit na ipagtabuyan niya pa ako.
"May ginawa ba akong mali?"
Humarap siya sakin ng matalim saka niluwagan ang neck tie niya. Galing pa siya sa trabaho niya at alam kong busyng busy na sya ngayon. Kung kasama niya lang ako ngayon sa trabaho niya may mag-aalaga sana sa kanya ngayon.
I resigned in his company. I was his former secretary at dahil sa issue namin noun. His mother insisted to fire me dahil malas daw sa negosyo iyon. The hell I care?
Kung talagang babagsak ang isang negosyo dahil sa kapabayaan nila, hindi na namin iyon kasalanan ni Lucas. Their actions should be blame kung may mangyari man na ganon. Bakit nila isisisi iyon sa taong nanahimik lang, unless kumukupit kami sa kompanya nila. Very wrong!
"Alam mo, sawang-sawa na ako sa ugali mo!" Malakas ang sigaw niya sakin habang nakapamewang siya.
Nagulat ako sa sinabi niya. Sawa na siya sakin? Nag-isip ba siya?Ginagawa ko tong lahat para sa kabutihan naming dalawa! Ang lakas ng loob niyang magreklamo!
"Ikaw pa tong may ganang mag sawa?" I shouted.
Tinulungan ko siya sa mga panahong niloko siya ni Vivien, at ngayong ako naman ang nangangailangan, ay panay reklamo siya?
Hindi ko na namalayan ang pagtaas ng boses ko. Na kahit sa unang palapag ng bahay ay maririnig na.
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Sa titig niya ay tiyak pinandidirihan niya ako. Hindi ko alam pero parang kinabahan ako. Galit na galit sya sakin. Sa anong dahilan?
Dahil ba sa pag-iinarte ko kanina? Tss. Tama naman ako. Instinct niya na dapat ang dalhan rin ako dahil nobya niya ako.
"Sawa na ako dyan sa kaartehan mo! Na ni kahit sino ayaw kang pakisamahan!"
I chuckled.
Ano bang pakialam ko sa opinyon ng iba? Buhay ko to at ni kahit na piso wala silang naiambag sa akin.
"Yan lang ang dahilan mo? Ang babaw mo naman! I don't even felt the love you'd gave to Vivien." I cried.
Masakit pala. Kahit alam mong hindi ka mahal ng taong mahal mo, pinipilit mo parin ang sarili mo sa taong may ibang gusto.
"Lucas she's dead! Mag move on ka na! Patay na sya!"
"Shut up Charlotte she's not dead. Buhay pa sya."
"Huwag ka na ngang mag bulag bulagan Lucas. Alam nating lahat, na hindi na siya babalik pa. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo!"
After I uttered those words, i suddenly felt my head aching. Hinawakan niya ang buhok ko ng mahigpit. He's trying to hurt me again.
"Kapag narinig ko pa yan sa bibig mo, mapapatay kita!" Aniya.
Natakot ako. Kahit paulit-ulit niya akong sinasaktan, iniinda ko nalang ang lahat. I loved him to the point na kahit masakit na, nanatili parin ako sa kanya.
"I'm sorry Lucas, please,..get off me!" Nagmamakaawa ako sa kanya. Ganon parin ang reaksyon niya. Galit na galit na nakatitig sa akin.
"Don't piss me off Charlotte! You know, na pinagtiisan lang kita!...Alam mo?"
Unti-unting humina ang hawak niya sa buhok ko. He faced my face towards him.
"Sising-sisi ako na naniwala ako sa mga paninira mo kay Vivien noon! Siguro nga, na enjoy lang akong kasama ka..no..I enjoyed you para lang sa s*xual urge ko!"
BINABASA MO ANG
His Obsession (Series #2)
RomanceZacheo Lloyd Monterde, a 27 years old bachelor, owns Monterde Publishing and MTD(Monterde Tough Drinks). He was obsessed of Charlotte Elle Francisco, without her knowing, she was his first love. He kidnapped and owns her when he saw her again and br...