"Oh ano?" Tinaasan ko ng kilay ang binata nang hindi parin siya umaalis sa harapan ko."Nakuha mo na sila di'ba? Sundan mo na..." I trailed off bago umupo sa sofa at napasandal roon.
Abot langit talaga ang inis ko sa kanya. Sino ba naman kasing hindi? Iyon palang kapitbahay namin rito'ng matanda na naka-usap ko noong mga nakaraang linggo, ay katulong niya.
Caretaker iyon ng bahay niya sa tabi nitong bahay ko. Let me guess, s'ya iyong sumisilip sa bintana noong masulyapan ko.
"Doon ka narin matulog," nahihiyang giit niya sa'kin.
I rolled my eyes, saka sinilip ang wall clock sa harapan. 2 am na at tatlong oras nalang gigising na naman ako para magtrabaho.
"Hindi na!"
"Sira ang pintuan mo!"
"Kasi sinira mo," i uttered.
Naramdaman ko tuloy ang pagbabago ng ekspresyon niya sa mukha. Nainis yata sa kung ano man ang nasabi ko.
"Magkatabi lang naman ang bahay natin, doon ka na muna. Tatawag ako ng mag-aayos n'yan mamaya!"
"Hindi na nga kasi, may lock naman ang pintuan ng kwarto ko," nakapikit kong reklamo.
Narinig ko'ng mahina s'yang nagmura pero sapat narin para marinig ko.
"Ayaw mo ba'ng makasama ang kambal sa pagtulog? It's a once for a lifetime opportunity..."
Agad akong nagmulat ng mata at matalim siyang tinitigan. Anong once for a lifetime? May plano ba 'syang ilayo sa'kin ang mga anak ko?
Tumayo ako at agad na nag-martsa palabas ng bahay habang siya ay nakasunod lang sa likuran.
Dahil madaling araw naman daw, doon niya na muna papatulugin ang mga bata at baka maisturbo pa.
Without him knowing, nadisturbo niya naman na talaga ang tulog ng mga bata nang ipakarga niya kay Manang Selya ang kambal.
Medyo nailang pa ako nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng bahay niya, dahil itim na nighties lang ang suot ko.
"Tabihan mo sila sa kama, nasa villa ang mga crib nila."
Pagod akong tumango at tumabi sa tabi ni Zeal. Napapagitnaan namin siya ni Zhane. Bago ako humiga, kumuha muna ako ng isang unan at inilagay sa tabi ni Zhane baka mahulog s'ya. Buti nalang talaga at hindi masyadong malikot matulog ang kambal, kaya wala akong masyadong problema kapag tinatabi ko sila sa kama.
Hindi rin naman problema kapag ganitong uri ng kama ang hinihigaan. Queen sized bed ito at may malaking espasyo pa sa tabi ni Zhane na pwedeng higaan ng dalawang tao kapag nagkataon.
"Good night my angels."
I kissed their forehead saka humiga ng maayos at itinaas ang comforter hanggang sa dibdib ko.
Bumibigat na talaga ang talukap ng mga mata ko at unti-unti na akong kinakain ng antok.
Kinabukasan, nagising ako sa maliit na hampas ni Zeal sa mukha ko. Gising na pala siya at sa tingin ko'y gutom na siya.
Sinilip ko naman si Zhane sa tabi niya upang sana'y tingnan kung gising narin ba ang anak, ngunit nagulat nalang ako nang ang mga mata ni Zacheo ang bumungad sa'kin.
I don't remember him, lying there earlier. Kailan pa siya nakatabi kay Zhane?
Kunot ang noo niyang titigan ako. His hair was messy and his eyes lips were slightly open.
Mukhang dito rin siya natulog.
"Pagtitimpla ko lang ng gatas ang mga bata," I was about to stand when he pulled my wrist, makes me faced him.
BINABASA MO ANG
His Obsession (Series #2)
RomanceZacheo Lloyd Monterde, a 27 years old bachelor, owns Monterde Publishing and MTD(Monterde Tough Drinks). He was obsessed of Charlotte Elle Francisco, without her knowing, she was his first love. He kidnapped and owns her when he saw her again and br...