Chapter 34

83 3 0
                                    

"Himala at nag-aya ka," natatawang sagot ni Becca sa'kin.

I took a deep breath bago pinag-isipang mabuti kung itutuloy ko ba o hindi.

But my mind was really sure. Napakaboring rin naman sa bahay lalo pa't nandun si Craig.

For sure, magbabardagulan lang kaming dalawa dun'.

Kaya mas mabuti naring lumabas ako minsan kasama nina Becca at Ariana upang magsaya.

"Tumatanda na tayo, kailangan na nating makahanap ng taong hindi tayo paghihintayin ng matagal!" utas ko.

"Bakit pakiramdam ko, si Zacheo ang pinapatamaan mo?"

"He's not!"

"Bakit defensive ka? Totoo ba?"

"Hindi nga kasi! Ayoko lang tumandang walang dilig!"

"I felt something weird eh—"

"Tumahimik ka na nga lang d'yan at tawagan mo si Ariana para ready to go na tayo."

Binaba ko agad ang tawag baka kung saan pa mapadpad ang usapan naming dalawa.

Lagi ba naman kasing nahuhulaan kung ano ang nangyayari sa'kin at pati love life ko dinadamay.

Nang masabihan niya si Ariana, ay nagkita lang kami sa Slimmer bago dumiretso sa MTD.

Nagtalo pa kaming tatlo kanina dahil ayaw ko sana roon pero mapilit pa talaga sila.

Hindi raw nila ako sasamahan kapag hindi kami doon mag-iinom.

"Cheers to the people who left us without notifyung us!" tili ni Becca, na ngayon ay naka-ilang shot na ng tequila.

I pursed my lips as I gazed him intently without even blinking a bit.

I can't believe this woman. Ang lakas talagang uminom.

"And cheers to my babyloves na pumasa sa exam niya kanina," tili rin ni Ariana.

"Ang ko-corny niyo!" I inserted.

Sinamaan naman nila ako ng tingin bago namin tunggain ang hawak na shot glass na may lamang inumin.

Kumuha agad kami ng lemon sa maliit na bowl at sinipsip bago kumuha ng asin upang malabanan ang kakaibang lasa ng tequila.

"Inggit ka lang kasi wala ka pang boyfriend," ani Becca.

"Bakit? Ikaw ba meron na?"

She shrugged her shoulders at mahinang natawa.

"Wala rin."

Nag-irapan kaming tatlo. Hindi talaga kami magkasundo sa lahat ng bagay.

Si Becca ma-attitude. Si Ariana naman mapride. Ako? Well, maldita at suplada.

Kaya nga kapag nag-uusap kami para kaming nag-aaway.

Wala kasing gustong magpatalo sa'min.

"Teka nga..." Ariana trailed off. " Ano na? Sasabihin mo ba sa'min kung ano na ang status niyo ni Papa Zach mo?"

"Ano'ng sasabihin ko sa inyo? Na halos mamatay na ako sa kahihintay sa pag-uwi niya, pero ang totoo ay wala na talagang pag-asa, ganon?"

"Alam mo bes, as a friendly advice. Matuto dapat tayong maghintay. Malay mo may inaasikaso lang ang tao 'dun. Epal mo masyado," bulaslas ni Ariana atsaka sumulyap kay Becca na patango-tango rin at nakiki-ayon sa kanya.

"True yan," sabat ni Becca.

"Marunong naman akong maghintay. At isa pa, update lang naman ang kailangan ko. Pati 'yon wala?"

His Obsession (Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon