"Hindi ako makakasama," paalala ng binata.
Umirap naman ako at nilingon siya sa kama niya habang siya ay nagbabasa ng script.
"As always," suplada kong giit. Ibinalik ko muli ang atensyon sa pag-aayos ng tumabinging damit ni Zeal.
Ang likot-likot kasi eh kaya paulit-ulit ko ring inaayos.
"Tampo?" He scoffed. "Pwede mo namang iwan sa'kin ang kambal para hindi ka na mahirapan pa."
"Iiwan ko naman talaga."
Tumayo na ako at dumiretso sa kwarto ko upang magbihis. Kanina pa ako naligo at nagbihis lang ako ng pambahay dahil ang sabi ni Craig nasira ang kotse niya kaya kay Uriel niya na muna ako pasasabayin.
Ang usapan namin ni Uriel ay 9:30 dapat nasa parking lot na ako dahil doon siya maghihintay ngunit ng masulyapan ko ang digital clock, mag-aalas dyes na.
Tumungo agad ako sa walk-in-closet at pumili rito ng pwede kong suotin. Kumuha lang ako ng black spaghetti strap at fitted jeans bago naisipang kumuha rin ng varsity jacket.
Nagsoot rin lang ako ng sandals na hindi naman gaanong kataasan ang heels bago bumalik sa kwarto ni Craig at lapitan ang kambal na ngayon ay naglalaro na sa kama.
"Baka mahulog pa 'yang mga 'yan, papalitan mo talaga ng kambal rin..." Pabiro kong anas.
Sumulyap lang siya sa'kin saglit at mabilis akong nilapitan. Itinulak palabas ng pinto at padabog na pinagsarhan ako.
I swore. "Hoy bastos ka talagang bwesit ka! Hindi ko pa nga nahahalikan ang mga anak ko." Litanya ko. "Mamaya ka sa'kin!"
Padabog akong lumabas ng condo at sumakay sa elevator. Tuloy, nakabusangot akong sumampa sa kotse ni Uriel, na napansin niya naman kaagad.
"What's wrong with that face of yours?" He asked, may kunting ngiti sa labi.
I heaved a sigh. "Sinisira na naman ni Craig ang araw ko eh. Punyeta talaga!"
Narinig ko ang pagtawa niya kaya ay sinulyapan ko siya. Pailing-iling niyang pinaandar ang kotse at mahinhin itong minaneobra.
"Hindi ka pa nasanay?"
"Kapag nagka-anak siya. Gagantihan ko talaga siya. Bubwiseten ko rin ang araw niya..."
Mabilis kaming nakarating sa address na ibinigay ko kay Uriel. Sa isang subdivision kami nakarating.
Pinigilan lang kami ng guard kanina at tinanong kung ka-ano-ano namin ang tinutukoy, sinagot ko naman siya ng maayos.
May tinawagan lang siya saglit sa telepono niya at nang magthumbs-up ay pinapasok niya rin kami.
Kim James Subdivision, Street 6, Block 12
Bawat sulyap ko sa sticky notes na hawak ko, ay hindi ko mapigilan ang kabahan. It's my first time, seeing him again for 3 years.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako. Basta ang alam ko lang, kapag nakita ko siya, magiging masaya na ako. Yayakapin ko talaga siya ng mahigpit.
Ilang minuto rin bago namin nasilayan ang malaking bahay sa di-kalayuan.
Hininto lang ni Uriel ang kotse sa tapat at pinagbuksan ako ng pinto bago magkasabay na tumungo sa malaking bahay.
"Kinakabahan ako Uriel." Utas ko nang pindutin ko ng tatlong beses ang door bell.
I'm excited but a little bit nervous. Finally, magkakasama na ulit kami.
"'Wag kang kakabahan. No matter what the outcome nang pagpunta natin rito. Just please do not lose hope..."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. I tried to looked at him in the eyes but he tilted his head to avoid mine.
BINABASA MO ANG
His Obsession (Series #2)
RomanceZacheo Lloyd Monterde, a 27 years old bachelor, owns Monterde Publishing and MTD(Monterde Tough Drinks). He was obsessed of Charlotte Elle Francisco, without her knowing, she was his first love. He kidnapped and owns her when he saw her again and br...