Hindi ako sumuko kahit nasaktan ako sa mga sinabi ni Rico sa'kin noong nakaraan. Imbes ginawa ko iyong motivation para mas lalong pag-igihan pa ang pagsuyo sa kanya.
"Napapadalas na ang pagdalaw mo d'yan kay Rico ah," minsan ay sabi ni Craig nang kumakain kami sa kusina.
I tilted my head to the side we're the window was located. I don't want him to see me this stressed. Ilang gabi rin akong walang tulog dahil sa pabalik-balik na lagnat ni Zhane, idagdag pa ang pagsunod-sunod ko kay Rico kung saan man siya pumupunta.
I didn't even care for myself. Minsan nalilipasan narin ako ng gutom.
"It's okay as long as he'll forgive and accept me at the end, hindi ako susuko!"
"It's not okay!" He hissed.
Binalingan ko siya at tinaasan ng kilay. What does he mean about its not okay? Kapatid ko si Rico kaya dapat sa mga panahong ganito, hindi ko dapat siya sukuan.
"Mas lalo mo lang binibigyang daan si Zacheo na malapitan ka. Remember what he'd done to you?"
"Alam ko 'yon Craig at hindi ko iyon nakakalimutan. The subject here is Rico. Alangan namang ipamigay ko siya sa iba."
"And my point here was the twin. Paano kapag nalaman niyang may anak kayo?"
Doon natahimik ako. Dahil sa kagustuhan kong makuha si Rico ay hindi ko na naisip na pwedeng malaman ni Zacheo na siya ang ama ng kambal.
I sniffed. "Ano'ng gagawin ko Craig?"
Bumuntong hininga siya at tinabihan ako. Yumuko siya ng kunti habang ang mga kamay ay nasa lamesa.
"You should stopped chasing him muna. Let the situation cold. Let's see na nakuha mo nga siya, pero paano mo naman ibibigay sa kanya ang mga luho niya eh hindi ka pa nga nakakahanap ng trabaho..."
He's right. Tumigil ako sa pagmomodel sa Spain dahil sa kagustuhan kong bumalik rito sa Pilipinas at makita siya.
Nasanay siya sa piling ni Zacheo na binibigay ang lahat ng gusto niya kaya alam kong magagalit rin siya sa'kin kapag may hiningi siyang hindi ko kayang maibigay.
At baka gawin niya pa iyong rason upang magrebelde sa'kin.
Gaya ng sinabi ni Craig, hindi na muna ako nagpakita kay Rico. Itinoun ko ang sarili sa pag-aapply ng mga kompanyang qualified ako.
"You had a nice background. Let's take a shot tomorrow. Let's see if you are really that professional," nakangiting wika ng interviewer sa'kin.
Masaya akong naglakad sa pasilyo at pumasok sa elevator. Sigurado akong matatanggap agad ako.
Kumain muna ako sa Slimmer ng mga barbeque bago ako pumara ng taxi upang dumiretso sa MTD.
Amoy pa lang ng sigarilyo ay napangiwi na ako. Sumalubong sa'kin ang malakas na tugtog ng musika sa buong lugar.
I smiled. Naalala ko ang mga panahong party girl pa ako. Atsaka dito rin namin tinapos ang pagkakaibigan namin ni Hailey. This place holds a memories to be buried.
Hinanap ng mga mata ko sina Ariana at Becca. I saw them sitting in the couch with a shot glass in their hands. Mga bobita talaga, hindi man lang ako hinintay na makarating.
"Charlotte!" Bati sa'kin ni Becca nang mapansin ang presensya ko.
"Lasing ka na ba?" I asked. Pagiwang-giwang na kasi siyang lumapit sa'kin.
Kinurot niya ako sa tagiliran kaya napaigtad ako.
"Ang tagal mo!"
Hinila naman agad siya ni Ariana kaya napahiga tuloy siya sa sofa.
BINABASA MO ANG
His Obsession (Series #2)
Roman d'amourZacheo Lloyd Monterde, a 27 years old bachelor, owns Monterde Publishing and MTD(Monterde Tough Drinks). He was obsessed of Charlotte Elle Francisco, without her knowing, she was his first love. He kidnapped and owns her when he saw her again and br...