Chapter 9

116 3 0
                                    

"Saan ka ba pumupunta tuwing gumagabi?"

Minsan ay naisipan ko siyang tanungin.

Sinulyapan niya ako mula sa mini office desk niya at binigyan ng kakaibang titig.

I clear my throats para ihanda ang sarili ko sa sasabihin sa kanya.

"Pansin ko kasi, nawawala ka tuwing sumasapit ang gabi."Paliwanag ko sa kanya.

Sa sampung araw na nakasama ko siya ay iyon talaga ang bumabagabag sa isipan ko. Kapag umaaraw, nandito lang siya kasama ako. Kapag sumasapit naman ang dilim, nawawala siya.

Hindi ko na siya maintindihan kaya kinompronta ko na siya ngayon. Curious talaga ako sa ginagawa niya. Iniisip ko pang baka ay bampira siya o di kaya'y aswang dahil hindi ko siya nahahagilap tuwing lumalabas na ang buwan.

"What do you mean?" Tanong niya nang hindi ako maintindihan.

"Don't make me repeat myself!" Pagsusungit ko sa kanya na ikinataas ng kilay niya.

"Okay..."

"Oh come on Zeo! Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin! Bampira ka ba o ano?!"

Halos manggalaiti ako sa inis nang sabihin ko iyon sa kanya. Alam ko naman na alam niya ang ibig kong sabihin pero nagpapa-as if lang talaga siya na hindi niya ako naririnig.

"Tss. Kung bampira ako, hindi kana sana nakakapagsalita pa riyan dahil baka umpisa palang nasipsip ko na lahat ng dugo mo diyan sa hindi mo kasarapang katawan!"

Namilog ang mata ko dahil sa sinabi niya. Halos umusok ang ilong ko sa narinig mula sa labi niya.

"Hindi kasarapang katawan? Lakas mo ngang makipag make out sakin tas yan pa nasasabi mo?" Manginis-nginis akong tumayo at tinalikuran na siya.

Kahit kailan talaga ay hindi siya maayos kausap. Well, ano pa nga ba ang ineexpect ko? Si Zacheo na iyon. That shit! Feeling niya naman masarap din siya. Suck!

Lupaypay akong nahiga sa kama matapos kong makipagbangasan kay Zacheo. Ganoon nalang ang naging daily routine naming dalawa habang nasa islang ito.

Talking about being with him is not that easy. Yeah, inaamin ko hindi na ako masyadong naghehysterical tuwing nandyaan siya. Maybe, nakakapag-adjust na ako sa mga gusto niya. But that doesn't end there.

Nandoon parin ako sa puntong gusto kong maka-alis talaga rito. Yun talaga ang naging goal ko sa mga araw na nakasama ko siya. Hindi iyon nawawala sa isipan ko.

Pumapasok parin kasi sa isipan ko si Lucas. The man I left in the city.

Kumusta na kaya siya? Is he doing well? Kumakain ba siya ng maayos?

I left a heavy sigh when I remember him. Siya na lang yata ang laman ng isip ko tuwing nag-iisa ako.

"Aray!" Daing ko nang hindi niya sinadyang lakasan ang paghaplos sa likod ko.

Hinaplos ko pa ang parteng iyon at strinetch ang balikat ko.

Nasa sala kami ngayon at minamasahe niya ako. Natawa nga ako dahil nagpapaka-trying hard siyang magmassage eh hindi naman pala marunong.

"Sabi kasing 'wag na!" Aniya ko at tumayo na.

Natahimik naman siya at hindi na nagsalita pa. Ibinalik niya na uli ang atensyon sa panonoud ng rugby sa telebisyon.

"Gusto ko sanang makita si Rico..." panimula ko at tinabihan siya sa sofa.

Hindi niya parin ako sinusulyapan at nakikinig lang sa sinasabi ko.

His Obsession (Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon