Chapter 10

23.1K 1.1K 260
                                    

Chapter 10


It is unusual that Verra hasn't bombarded me with calls and messages since this morning. I should be happy dahil hindi ako nito ginugulo. But why is there a part of me that feels otherwise?

I don't understand.

I can't focus on my work. Hindi ako mapakali habang paulit-ulit kong sinusulyapan ang phone ko na nasa ibabaw ng table ko.

Seriously Cee? What's happening to you?

Should I call her? No. Why would I do that.


I don't know what has gotten to me, but I just found myself standing outside the company building of the Normans.

Kung kailan nandito na ako ay saka lang ako natauhan. Ano bang ginagawa ko dito? Parang gusto ko na tuloy bumalik.

I just let my intrusive thoughts win.

Napabuntong-hininga na lang ako at tiningnan ang hawak kong plastic bag. I even bought ice cream. Para saan? Don't ask me.

Bahala na. I'll just give this to her and go back to the company. This is not a big deal.

This is my second time na puntahan siya sa office niya. Ang unang beses na pinapunta niya ako dito ay noong nagpasundo siya para mag-dinner kami sa labas.

Hindi na ako nahirapan pang makapasok sa loob dahil mukhang kilala na rin ako ng mga tao dito.

Nang makalabas ako ng elevator ay nakasalubong ko ang secretary niya na may dalang mga papeles. Nabigla pa ito ng makita ako, pero agad din na nakabawi at sinabing nasa office nga nito si Verra.

Napataas ang kilay ko nang marinig mula dito sa labas ng office niya ang dalawang boses na nagtatawanan. I know that one of the voices is from Verra. Pero hindi ako pamilyar sa isa pang boses na narinig ko. But one thing I'm sure of is that it's a man.

Natigil ang tawanan sa loob nang kumatok ako.

The door swung open, and Verra's surprised face welcomed me.

"Cee, you're here." Nakita ko ang saya sa mukha nito ng papasukin ako.

Inilibot ko ang tingin sa office niya, and that's when I confirmed that I was right. There's an unfamiliar guy inside her office. Sino naman 'to?

Kaya naman pala hindi nito maalala na mag-message ay dahil nagkakatuwaan sila ng lalaking 'to. I don't know where this feeling comes from, pero naiinis ako.

"May bisita ka pala."

"Ah yes. He's Concepio, my childhood friend who just got back from New Zealand." Pagpapakilala niya sa lalaki.

That's when I get my chance para pagmasdan ito. I would be lying if I said that he's not good-looking. Maamo ang mukha nito at desente ang pananamit. He has a strong built and a very manly aura.

"And Pio, this is Cee."

Hinintay ko pang may sabihin ito pero wala na. That's it?

Hindi man lang ba ako ipapakilala nito bilang boyfriend niya?

With that thought ay lalo lang ako nainis.

Ayaw ko sana kunin ang nakalahad na kamay nito, pero ayoko naman maging bastos.

Akala ko ay hanggang dun na lang ang inis ko, pero may isasagad pa pala.

My initial plan was just to give this ice cream, pero dahil sa nadatnan ko ay hindi na ako makaalis.

I Am a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon