Chapter 20

23K 1.1K 23
                                    

Chapter 20


Hindi pa man ako nakakarating sa tapat ng Likwidu Cold Lounge ay agad ko nang natanaw ang pamilyar na pigura ni Verra at Elisia sa labas.

"What happened?" Nag-aalala kong tanong kay Elisia nang makababa ako ng kotse. Mukhang kalalabas lang nila galing sa loob.

Lalong nagsalubong ang kilay ko nang makita ang itsura ni Verra. Magulo ang buhok nito at tila wala sa sarili habang akay ni Elisia. I think she's wasted.

"Nagkasagutan yung dalawa tapos nagsabunutan." Nakangiwing sabi niya. Lumapit ako dito para tulungan itong akayin si Verra.

"Marami ba siyang nainom?" Hindi na kasi ito makalakad ng tuwid at papikit-pikit na ang mata.

"She's drinking lightly kanina sabi ni Serica pero after nila mag-away ni Yaran, tinodo niya yung hard drinks."

"Bakit ba sila nag-away?" Masyado ba na malaki ang pinag-awayan nila para umabot sila sa point na magka-sabunutan?

"Actually, kararating ko lang rin. I just caught them pulling each other's hair."

Napabuntong-hininga ako dahil sa narinig.

"Where's Yaran?" I asked instead.

I heard Verra silently blabbering something when she heard Yaran's name. Kaso masyadong mahina, kaya hindi ko na rin maintindihan.

"Inihatid na nina Serica. She's also drunk." Sa tono nito ay alam ko na nag-aalala siya sa dalawang kaibigan.

Nang maipasok namin si Verra sa kotse ay ibinigay naman sa akin ni Elisia ang bag at iba pang gamit ni Verra.

"Thank you, Elisia. Do you want me to give you a ride?" I offered, pero umiling lang ito.

"Thank you, but hindi na kailangan. I have my car. Ingat kayo." She said and waved goodbye.

I just gave her a final smile before heading to the driver's seat.

Inayos ko ang upo ni Verra sa passenger seat at kinabitan siya ng seatbelt. Nailagay ko na rin sa backseat ang gamit nito.

Habang nasa byahe ay hindi ko ito mapigilang sulyapan. She's drunk but still half-conscious. Wala sa ayos ang buhok niya at nakita ko na may maliit na galos ang braso niya. Sana lang ay wala na itong iba pang galos. Hindi ko rin kasi masyadong maaninag dahil dim ang ilaw ng kotse.

I wonder what really happened. I know Yaran said something that made Verra react like that. I'm being biased, but I know Verra. Hindi ito makikipag-sakitan kung mababaw lang ang dahilan.

Verra can fight verbally, pero hindi ko inaasahan na aabot sa punto na magkaka-sabunutan silang dalawa.

I decided to take Verra to my unit. Hindi naman pwede na iuwi ko ito sa bahay nila na ganito ang itsura. Isa pa ay mga kasambahay lang ang kasama nito doon.

Nang makarating sa building kung nasaan ang condo unit ko ay pinoproblema ko naman kung paano ko dadalhin si Verra sa unit ko.

I tried to carry her in bridal style, pero hindi ko kaya. I may look like a man, but I still have the fragile body of a woman. I never tried lifting weights either. I only do aerobic exercises.

I just decided to give her a piggyback ride. Itinali ko ang suot kong jacket sa bewang niya dahil nakadress ito, bago siya isinakay sa likod ko. Kinuha ko ang gamit niya sa backseat at isinara ang kotse.

Habang nasa loob ng elevator at narinig ko ang mahinang bulong niya.

"C-Cee?"

I hummed in response. Hindi ko alam kung gising ba siya o nagsasalita lang nang tulog.

Nalaman ko na gising ito dahil muli itong magsalita.

"D-Don't be m-mad." Humigpit ang pagkakayakap nito sa leeg ko at isiniksik pa lalo ang mukha niya sa leeg ko.

"I'm not mad." I said in a soft voice. How can I be mad? She sounds so cute right now.

Halos mapigil ko ang hininga nang patakan nito ng munting halik ang aking leeg.

Mabuti na lang at nakarating na kami sa floor kung nasaan ang unit ko. This will be the first time that Verra will stay the night at my place. Pagkapasok ko sa loob ay agad akong dumiretso sa kwarto ko at ibinaba si Verra sa kama.

Namumungay ang mata nitong nakatingin sa akin.

Lumuhod ako sa harap niya at pinagmasdan kung may iba pa ba itong galos. Napapalatak ako nang makitang may maliit din na galos ang leeg nito. Mabuti na lang at wala siyang galos sa mukha.

Matindi ba ang naging away nilang dalawa?

"Kaya mo ba na magpalit ng damit?" Tanong ko sa kanya. Mukhang nasa wisyo naman ito kumpara kanina. Nakahinga ako nang maluwag nang tumango ito at hindi na nagsalita.

Kumuha ako ng oversized shirt at unisex shorts sa wardrobe ko at tinulungan siyang makapunta sa bathroom ng kwarto ko. I also give her a new toothbrush that she can use. Parang robot lang itong tumango at kumilos.

Habang nagpapalit ito sa loob ng bathroom ay pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig niya.

Nang makabalik ako ay nakahiga na ito sa kama ko at nakapagpalit na ng damit. Sa tingin ko ay nakapaghilamos na rin ito ng mukha. Ibinaba ko na lang ang baso ng tubig sa bedside table dahil mukhang wala na itong balak bumangon at inumin iyon.

Lumapit ako dito at umupo sa gilid ng kama ko.

Hinaplos ko ang buhok nito at marahang sinuklay gamit ang aking kamay.

"Cee?" I heard her whisper. Her eyes are half-open and evidently sleepy.

"Hmm?"

"Are you r-real?" Natawa ako nang mahina dahil sa tanong niya.

"I am."

"I'm not d-dreaming?" Muli niyang tanong.

"You're not dreaming." I answered softly.

Hindi na ito nagsalita at niyakap na lang ang mga braso niya sa bewang ko.

"What happened?" I tried asking.

"T-That damn woman is insisting that you're g-gay." Parang bata nitong sumbong. Ako naman ay napabuntong hininga dahil tama nga ang hinala ko na tungkol sa akin ang pinag-awayan nila.

She fought with Yaran just to defend the suspicion that I might be gay. I can't help but overthink what her reaction will be once she discovers the truth. Things already got complicated when someone told her I am gay. What more once she finds out that I am a woman?

Hindi na ako umimik at patuloy lang na hinaplos ang buhok niya.

Ilang sandali pa hindi ko na ito narinig na magsalita. Nang silipin ko siya ay maliit na nakaawang ang mga labi nito at tuluyang sarado na ang mga mata. Tumayo ako para kumuha ng alcohol at bulak para lapatan ang galos niya sa braso at leeg.

I'm having second thoughts about whether I should sleep beside her or not. I'm used to sleeping alone, and this is the first time I'm having someone else in my bed. Pero malaki naman ang kama ko, kaya alam ko na kasya kaming dalawa dito.

Pagkatapos ko gamutin ang galos niya ay inasikaso ko naman ang aking sarili.

Inayos ko ang pagkakahiga niya sa kama at pumwesto sa tabi niya. She automatically wrapped her hands around my body and pulled me closer to her.


"Cee, I like you...so much." She murmured while her eyes were still closed.

I can feel my heart beating rapidly because of that. The way she said it, even though she's not totally awake, is purely genuine.

I let myself freely stare at her calm and lovely face before leaning in to give her a gentle kiss on her forehead.


Verra...how can I tell you the truth when you're like this?


I Am a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon