Chapter 25

23.9K 1.2K 436
                                    

Chapter 25


Trigger Warning: Violence


Mabilis akong lumabas ng Slastan para habulin si Verra. Maybe if I begged, she would still consider me. Maybe if I pleaded, she would still eventually accept me.

Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng ibang tao. They might think of me as a crazy vulnerable man for crying, but I don't care. All I want is to see Verra once more.

But when I successfully settled myself outside, I could no longer see her.

She's gone.

Muling rumagasa ang luha sa aking mga mata dahil sa nalaman. Maybe this is the sign that it's really over.

I was crying in the middle of nowhere when, suddenly, my phone rang. I fished it out of my pocket to check who the caller was.

It's my mother.

Agad kong pinunasan ang mga luha sa aking mga mata bago sagutin ang tawag.

"H-Hello, Ma?" I said as soon as I answered the call. Pilit kong tinatago ang panginginig ng boses ko.

["A-Anak..."]

I was alarmed by the tone of her voice. Tila may masamang nangyari dahil hindi rin maitago ang panginginig ng boses nito.

"What's wrong, Ma? Did something bad happen?" Hindi ko mapigilan na mag-alala. I seldom hear this kind of tone in her voice, and hearing it now sends shivers to my whole body.

["C-Cee, your Lolo Sebastian, h-he already knows."]

Para akong nanlamig sa nalaman. Puno ng takot at pagkataranta ang boses nito ng sabihin ang mga salitang iyon.

Hindi man nito ipinaliwanag ang buong nangyari ay alam ko na ang tinutukoy niya. He already knows that I am a woman. But how? Based on my mother's tone of voice, Lolo Sebastian may have discovered the truth in an inappropriate way.

Did someone other than my parents tell him? Sino naman kaya ang possible na nagsabi sa kanya?

Nabalot ng pangamba ang loob ko. I'm afraid of what he can do.

["W-Where are you? Y-You need to hide-"]

"Hello, Ma?!" Puno ng kaba na tanong ko dahil biglang namatay ang tawag. Heavens, I hope my parents are okay. Lolo Sebastian can be a violent person when he's angry.

Paulit-ulit ko itong tinawagan pero hindi ko na ito macontact kaya lalo akong kinabahan.

Mama said I need to hide. Panigurado na sa mga oras na ito ay ipinapahanap na ako ng matandang Seriantel.

Una, nalaman ni Verra na babae ako. Ngayon naman, si Lolo. Why does all of this need to happen at the same time?

My heart is still breaking.

Mabilis akong kumilos para lisanin ang lugar na iyon. Pero bago pa man ako makasakay ng kotse ay agad na may humablot sa magkabilang braso ko.

Labis na takot ang naramdaman ko nang makilala kung sino ang mga ito. Mga tauhan sila ni Don Sebastian.

"L-Let me go!" Pilit akong kumawala sa hawak nila, pero hindi sila natinag.

Hindi sila nagsalita at mabilis ako naipasok sa sasakyan na dala nila. Pinilit kong makatakas, pero wala akong ibang nagawa kundi magpahila sa kanila dahil mas marami at malakas sila sa akin.


Kahit anong salita ko ay hindi sumasagot ang mga tauhan ni Lolo. Nanginginig ang katawan ko habang tinatahak ng sasakyan ang pamilyar na daan.

I Am a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon