Chapter 34

35.1K 1.5K 310
                                    

Chapter 34


Pilit kong pinahid ang mga luha sa aking mga mata nang mapansin ang pagpatak ng ulan sa windshield ng kotse. Mabilis na iniliko ko ang sasakyan pabalik sa pinanggalingan kong direksyon kanina.

Tila ngayon lang ako natauhan at hindi mapigilang mag-alala. I'm so stupid. Why did I leave her there? Paano nga kung totoong wala itong sasakyan?

Agad kong inihinto mula sa malayo ang kotse ko nang matanaw ko ang kanyang pamilyar na pigura na pumapara ng taxi. I'm having the urge to get out of my car and run back to her, lalo na nang mapansin ko na mas lalong lumalakas ang ulan.

Mabuti na lang at agad din na huminto ang taxi sa harap niya. She ran towards the taxi and didn't even bother to hold an umbrella. It seems like she doesn't care if she gets wet by the rain. Sa lakas ng ulan ay alam ko na nabasa siya nito.

Nang makaalis ang taxi ay wala akong ibang nagawa kundi sundan ito. I just want to make sure that she gets home safely.

Habang patagal nang patagal ang biyahe ay kinakabahan ako. As far as I remember, this is not the right direction to their house. Pero agad din nakahinga nang maluwag matapos huminto ang taxi sa tapat ng isang hindi pamilyar na building.

Tulad kanina ay inihinto ko ang kotse ko sa sapat na distansya kung saan tanaw ko siya. I look up through the car's window and notice that it is a condominium building. Does she live here? Doesn't she live with her parents anymore?

Ilang segundo lang ay bumaba na siya ng taxi. Thank goodness, because this time, the taxi driver got out first with an umbrella. Hinatid siya nito sa entrance ng building.

Nanatili ako doon ng ilang minuto para masigurado na nakapasok siya ng maayos sa loob. When the rain subsided a little, I finally drove far away from that place with a heavy heart.


Tulala akong pumasok sa trabaho kinabukasan. Memories of yesterday keep playing in my mind. I wonder, tama ba ang ginawa ko? Is pushing her away going to make things better?

I came back to my senses when someone knocked on the door of my small office.

"Yes?" Salubong na tanong ko sa pumasok na staff.

"Ma'am, may nagpapabigay po." Sambit nito at lumapit para iabot sa akin ang isang paper bag.

Nagtataka man kung ano at kung kanino ito galing ay kinuha ko pa rin ito mula sa kanya.

"Who?"

"Miss Verra Normans daw po." Magalang na sagot niya. Ako naman ay mabilis na napatayo sa kinauupuan ko.

"Where is she?"

"Umalis na po, Ma'am. She just handed it over and told me to give it to you." She explained.

Nagpakawala ako ng buntong hininga nang makaalis ito sa loob ng office ko. Muli akong napaupo at napagpasyahang silipin kung ano ang nasa loob ng paper bag.

My lips slightly parted when I saw two food containers inside. There's also an expensive brand of chocolate. May napansin din ako na nakalagay na note sa loob.

'I cooked your lunch, so you don't have to eat with other girls. It's your favorite. See you later, hon.'

Napakunot ang noo ko. What is this now? I clearly told her to stop doing this kind of thing. Akala ko ba napag-usapan na namin 'to kahapon?

Maraming tanong na naman ang naglalaro sa isipan ko, pero nakuha ko pa rin na buksan ang food containers. I think I got my appetite back when I smelled what was inside. The first one contains rice, while the other is my favorite, sinigang.

I Am a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon