Chapter 23

27.8K 1.3K 524
                                    

Chapter 23


The guilt of deceiving her remains within me. It's getting bigger and bigger. It hurts me to see her so clueless, yet I can't find the courage to tell her the truth.

Tonight will be the night I'm going to meet Verra's parents. Hindi ako sigurado sa desisyon ko na ito, pero ayoko rin isipin ni Verra na ayaw ko na makilala ang mga magulang niya.

Napagpasyahan ko na tawagan si Mama para magpaalam na hindi ako makakapunta sa monthly dinner ng mga Seriantel.

Ilang ring bago niya ito sagutin. I decided to put it on loudspeaker so I could hear it clearly.

["Hello, anak? Are you on your way here?"]

"About that, Ma, I don't think I can come today." Pagpapaalam ko sa kanya.

["Why? Masama ba ang pakiramdam mo? Are you okay?"] Nag-aalala na sambit nito sa kabilang linya.

"No, po. I'm okay. I just have other plans for the night. I'm going to have dinner with someone."

["Who?"]

Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba o hindi. Mama doesn't know about my relationship with Verra. I didn't tell her. Ang alam nito ay pilit ko na tinatanggihan si Verra noon pa man. Alam ko na magugulat ito sa malalaman.

"With V-Verra's family."

Sandaling natahimik ang kabilang linya. Mga ilang segundo bago ko marinig ang malalim na buntong-hininga nito.

["What's with you and Verra Normans, Cee?"] Seryosong tanong ni Mama.

"S-She's my girlfriend, Mama."

["Anak, you know that is wrong."] Ang kaninang seryoso nitong boses ay naging malumanay. Ang tipikal na tono ng isang nanay na pinapangaralan ang kanyang anak.

Hindi ako nakaimik dahil alam ko na tama ang sinabi nito.

["Does she know you're a woman?"]

"N-No, Ma. I tried telling her, but I always find myself backing out. I'm afraid that she will hate me once she knows that I'm not really a man but a woman."

["Anak..."]

"I'm sorry, Ma. I can't help myself. I-I have fallen for her."

["Cee, you're both women. Ang alam niya lalaki ka. You're fooling Verra, anak. That is wrong. You must tell her the truth."]

"I am a woman, but I love Verra, Mama." I sincerely said.



"Y-You're a w-woman?"


Labis na kaba ang rumagasa sa dibdib ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Unti-unti akong pumihit patalikod para masigurado kung tama ba ang narinig ko.

I'm praying to the heavens not to let it be her.

No.

Hindi pa ako handa.

But it seems like heaven is not on my side.

"V-Verra..."

Tuluyan kong nabitawan ang phone na hawak ko. Bumagsak ito sa sahig at gumawa ng maliit na ingay. Wala na akong pakialam kung naputol ang tawag o nasira ang phone ko.

Hindi ko na rin alintana kung paano siya nakapasok sa loob ng unit ko nang hindi ko namamalayan. Ang nasa isip ko na lang ay kung paano ipapaliwanag sa kanya ang mga bagay.

I Am a WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon